(Ang Pasaway Na Magkaibigan)
"I hate him, Yrris! Nalaman ko na lang kay Rhea pala siya may gusto! Not in me? You know? Kinaibigan niya lang ako para mapalapit siya sa kaibigan kong si Rhea," paliwanag ni Jenny Lopez, estudyanti ng St. Arevallo University, ang mortal na kakumpetensya ng Zucchini University dahil sa nag-aagawan ang dalawa sa rank sa may pinakamay malawak na unibersidad sa Asya.
Matawa-tawa na lamang si Yrris habang pinakikinggang ang kuwento ng kaniyang kaibigan. Tulad ni Jenny, Si Yrris "Ai" Manticello ay isa rin sa mga estudyanti ng St. Arevallo University. Kasalukuyan sila ngayong nagkakape sa isang sikat na coffee shop malapit lamang sa kinatitirikan ng kanilang unibersidad. Sa katunayan ay, sakop pa ito ng kanilang campus.
Maraming mga estudyanti sa loob at busy ang mga ito sa kani-kanilang mga gawain. Kung pagmamasdan ang lugar ay wala itong pinagkaiba sa ibang mga establisemento. May mga sqaure table, mono block na upuang gawa lamang sa kahoy at may iilang pagitan lamang sa isa't isa subalit sapat na para hindi magkarinigan ang bawat grupo. Bukod sa nagtitinda ng kape ay nagse-serve rin ang lugar ng dessert at panindang tinapay kaya't mas lalong naging patok ang lugar para saga estudyanting tulad ni Yrris at Jenny
"Huwag ka ngang tumawa diyan, seryoso kaya ako!" ngumuso si Jenny sa kaibigan na animo'y nagtatampo.
"Oo naman," matinis at matigas na boses ni Yrris. "I believe in you, duh? Hayaan mo best, marami pa namang iba diyan na mas gwapo pa kay Marco! Hayaan mo na siya kay Rhea."
"Eh, naman kasi beshie! Childhood crush ko na iyon eh, alam mo iyan."
"Gaga! Mag-pinsan kayo. Anong mga pinagsasabi mo diyan? Family stroke lang?" matawa-tawang paliwanag ni Yrris sa kaibigan.
Pinagtinginan pa sila ng mga kapwa nila estudyanti sa loob ng coffee shop.
"I know! Alam kong mali pero bakit nasasaktan ako? Bakit nagpapatuloy ako?" Nakabusangot nitong paliwanag.
"I remembered before, when we are in grade school? Hahaha... Gaga! Nakipag-away ka pa sa bakla nating classmates kasi nagka-crush kay Marco. Hahaha..."
"Eh, nakakahiya. Huwag mo na ipapaalala."
"Duh?! You are forcing me eh. In fact, have class naman Jenny, pinsan mo si Marco."
"I know naman, iwan ba... I hate myself."
Natawa na lamang si Yrris sa naging reaksyon ni Jenny. Sino nga ba nang hindi matatawa sa pinanggagawa ng kaibigan niyang ito na aakalain mong sira ang utak. Sinong matinong babae ang magkakagusto sa sarili mo mismong kadugo?
Nagawi ang tingin ni Yrris sa labas ng shop. "Oh shocks!" Napatigil si Jenny at nagtaka sa naging reaksyong iyon ni Yrris.
Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatanaw sa glass shield na pinto ng shop.
"What?" Napalingon na rin si Jenny sa tinitignan ni Yrris.
"Bakit sila nagsisitakbuhan? Is there something wrong? Check kaya natin Beshie? Baka may Viral Video na naman."
Nanlaki ang mga mata ni Jenny sa mga inusal ni Yrris. Hindi na ito bago, kaya't maaaring tama si Yrris sa kaniyang mga hinuha.
"Tara lets! I wanna know whom teas are getting splash!" pagsang-ayon nito na parang kanina lamang ay halos maiyak na sa pagku-kuwento sa buhay niya.
Agad silang tumayo upang tignan ang mga nagaganap kung bakit nagsisitakbuhan ang mga estudyanti subalit nang makarating sila ay isang babaeng naka-uniporme ang humawak sa balikat ni Jenny. Punong-puno ng dugo ang kaniyang suot na blouse. Nanggaling iyon sa sugat mula sa leeg nito na umaagos pa ang sariwang dugo.
"Ah! Oh My! Oh my! Ah!" Halos magtatalon si Jenny sa kaniyang nasaksihan. Nakapikit pa ito ng mariin at tila takot ng tignan ang babae sa kanang balikat nito na ngayon ay tila naghihingalo na.
"T-t-tulong..." usal nito kay Jenny at Yrris
Humawak kasi ang babae sa balikat ni Jenny kaya hindi halos magkamayaw sa kasisigaw ang bruha. Si Yrris naman ay tila namutla sa kaniyang mga nakita at napipi na lamang bigla.
Hindi nila halos mabatid ang kanilang mga gagawin hanggang sa bigla na lang bumagsak ang babae.
"Ah! Is she still alive?" tanong ni Jenny habang nakapikit pa rin ang mata.
Napabuka na lang ng bibig si Yrris ngunit walang boses na lumalabas mula roon. Nakapako pa rin ang tingin niya sa babae sa harapan nila na wala ng buhay.
Uupo na sana si Yrris upang galawin ang babae nang malaman kung buhay pa ito pero bigla na lang itong gumalawa at hinawakan sa paa si Jenny at walang humpay na kinagat ang legs ng dalaga. Halos, bumalot sa buong lugar ang sigaw na ginawa ni Jenny. Sigae na ngayon niya lamang nagawa sa buong buhay niya. Mababakas ang sakit sa bawat buka ng bibig ni Jenny.
Patuloy naman sa pagkagat ang babae sa paa nito na animo'y isang gutom na gutom na hayop. Kasabay noon ang hiyawang umalingawngaw na sa buong lugar na nagpabilis lalo ng t***k ng dibdib ni Yrris.
"Ah!" Halos lumabas na ang ngalangala ni Jenny at iilang butil na ng luha ang namuo sa kaniya mata.
Hinawakan ni Yrris ang ulo ng babaeng kumakagat sa leg ng best friend niya at sinabunutan ito. Inihampas-hampas pa nito sa semento pero hindi iyon tumigil.
"Bruha ka! Tigilan mo iyan, gaga! Hala Jenny, O.M.G! Dumudugo ka!"
"No! Ah!" Hinampas na nito ang babae sa ulo dahilan kaya't nakawala ito sa pagkakagat.
"Let's go! Sa kotse! Baliw na ang babaeng iyan! I'll take you to the hospital," paliwanag ni Yrris at inakay ang kaniyang kaibigan.
Tumalikod sila sa babae upang lisanin na ito. Tumayo ito at aktong susunggaban sina Yrris.
Nahawakan nito ang kamay ni Yrris at mabilis na inilapat ang kaniyang mga ngipin. Bumaon ang mga ngipin nito sa hinlalaki at hintuturo ni Yrris kaya't napahiyaw rin siya ng makalas.
Mabilis na iginalaw ni Yrris ang kaniyang kanang paa at tinadyakan sa puson ang babae. Tumilapon ito sa gitna ng kalsada.
Aakto pa sana itong susunggab muli sa kanila subalit mabuti na lamang at dumaan ang isang sasakyan at nahagip ang babae. Tumilapon ito sa poste ng kuryente at nabali ang buto sa baywang.
Sabay namamg napahiyaw sina Yrris at Jenny sa nasaksihan, subalit ang mas gumulat sa kanila ay tila hindi pa rin namamatay ang babae. Kahit bali na ang katawan nito ay nakukuha pa rin nitong gumalaw kasabay noon ay nakita rin nila sa kanilang paligid na dumadami na ang kagaya ng babae.
Hindi na nag-atubuli ang dalawa at agad na nilisan ang lugar. Tagumpay namang nakaalis sina Yrris at nakasakay sa kanilang kotse na noo'y nasa parking lot ng shop kung saan sila nanggaling.
Samantala, patuloy naman ang pag-agos ng dugo sa paa ni Jenny at kamay ni Yrris. Halos mayupi naman ang hitsura ni Jenny sa kangingiwi dulot ng sugat mula sa kaniyang leg.
"Ano bang nangyayari kasi sa babae na iyon? Saka, bakit sila parang wala na sariling mga katunuan na. Ouch! Ah ang sakit ng sugat ko," mangiyak na saad ni Jenny.
"I do not know, Jenny. Sandali! Nangiginig na ako... Nasaan na ang susi ko?" taranta nitong sambit habang inililibot ang paningin.
Pareho na sila ngayong nasa frontseat ng sasakyan. Hinahanap niya ito sa upper pocket ng sasakyan niya, maging sa baba ng kotse at sa passenger seats subalit hindi niya matagpuan.
"Gaga! Hawak mo iyong susi mo! Bilisan mo na. Mauubusan tayo ng dugo sa ginagawa mo eh," paliwanag ni Jenny na ngayon ay nagsisumula ng mamutla. Mangiyak-ngiyak pa ito habang nakahawak sa kaniyang leg.
"Ah, Oo nga pala," sagit nito at nangiting aso pa ito sa kaibigan.
Tulad ni Jenny ay umagos din ang dugo mula sa kamay ni Yrris at tumutulo na iyon sa manubela ng sasakyan na hawak niya. Hindi niya na lamang iyon pinansan dahil sa hindi naman iyon kalakihan hindi tulad ng kay Jenny.
Nanginginig na sinuksuk ni Yrris ang susi kasabay noon ang pag-andar ng sasakyan. Madali niyang inapakan ang kambyada at umalis ng lugar upang magtungo sa hospital na ilang kilometro mula sa school nila.
Mabilis na pinatakbo ni Yrris ang sasakyan upang madali silang makarating.
"Ouch! Bilisan mo, mamatay na tayo nito eh, tignan mo oh ang lakas ng agos ng dugo ng leg ko parang may something na sa loob. I hate that girl!" maiyak na sambit nito sa kaibigan niyang hanggang ngayon ay nanginginig pa rin habang nagmamaneho.
"Tumigil ka nga?! Hindi ako makapag-focus sa pag-drive. Saka leg lang iyan? OA mo."
"Kahit na ba? Ayaw ko pa maubusan ng dugo," nakangiwi nitong saad. "Hala, best natuluan na ng dugo iyong Car mo na," dagdag pa nito.
"Huh!? No! Ang hirap maglinis! Pwede ba pigilan mo muna iyan sa pagtulo," paliwanag nito kasabay ang pagsulyap sa leg ng kaibigan.
"Aba! Iyang sa'yo nga tignan mo puno na iyang harapan ng sasakyan mo tapos sa akin hindi pweding maduguan ko? Unfair!"
"No! Pigilan mo na! Dali! Bawal ang dugo ng p****k rito!"
"Wow huh? Ang harsh mo! Anong gusto mong gawin ko? Hihigupin ko?"
"Go!" pagsang-ayon nito sa inusal ni Jenny. Napalaki na lang ito sa sinabi ng best friend niya.
"Ew! Ew! Ew! Kadiri ka! Try mo kaya muna sa kamay mo, gaga!" Bigla niyang ipinampunas sa foam ng sasakyan ang kaniyang dugo. "Oh ito oh! Ayan! Ayan!"
"Ah! Kadiri ka! Bakit mo pa pinunas sa foam! Sasabunutan talaga kita pagdating natin sa hospital," inis na sambit nito sa kaibigan dahilan kaya't napokus ang tingin kay Jenny.
"Ah may mababangga ka! Babangga! Ah!"
Napatingin agad si Yrris sa harapan ng sasakyan pero huli na. "Ahhhh!" sabay na sigaw ng dalawa. Rinig na rinig mula sa loob ng sasakyan ang malakas na pagtama ng katawan ng tao sa harapan ng kotse nila.
Napahinto agad si Yrris sa pagmamaneho at napalunok na lamang ng kaniyang laway. Mas lalo pa itong ngininig at pinagpawisan ng malamig. Halos naririnig na nito ang pagmamakdol ng kaniyang dibdib na animo'y gusto ng kumawala.
"Hala, best nakabangga ka ng tao."
Umiling-iling si Yrris at hindi makapaniwala sa inusal ng kaniyang kaibigan. "Hindi! No. Hindi ko sinasadya," paliwanag nito.
Nang mapasilip sa bintana si Yrris ay nalaman niyang nasa harapan sila ng Zucchini University. Tila halos kumawala sa katawang lupa nito ang kaniyang kaluluwa. Napatulala pa ito ng makita niya mula sa side mirror ang kanilang nabangga na nakataub na lamang sa isang tabi, sa pananamit nito ay nalaman agad niyang isa iyong professor sa naturang paaralan.
"Hoy! Hala! Hoy!" boses na nagpabalik ng ulirat ni Yrris, mula iyon sa guwardya na nakabantay sa gate ng unibersidad.
"Tara na dali, Yrris! Baka kasuhan pa tayo! Dali! Dali!" utos ni Jenny sa kaibigan.
Nanginginig na pinaandar ni Yrris ang sasakyan at umalis ng lugar. Ni hindi na halos nito mabilang kung ilang beses siyang napalunok ng laway. Natakot ito sa responsibilidad na kahaharapin niya. Iniwan nila ang tao na kanilang nabangga at wala pa rin malay.
"Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya," umiling-iling na saad ni Yrris kasabay ang pag-agos ng luha sa kaniyang mga mata. Paulit-ulit niya iyong sinasabi.
Natahimik naman si Jenny at tulad ni Yrris ay halos hindi rin ito makapaniwala sa nangyayari sa kanila ngayon. Kanina lamang ay masaya pa silang naku-kwentuhan sa shop na paborito nilang tambayan ngayon ay sari-saring problema na ang kinakaharao nila. Siguro sila na iga-ground sila ng kanilang mga magulang kapag nalaman nila ito.
Nagpatuloy sa pagmaneho si Yrris hanggang sa matapat sila sa isang mall, hindi pa sila nakalalayo ng unibersidad nang bigla na lang sumulpot ang isang sasakyan mula sa crossing road. Sa bilis ng pagmamaneho ni Yrris ay imposible pa nitong makabig ang manubela ng sasakyan. Isang malakas na salpukan ang naganap na ikinagulat ng dalawa. Nabasag ang windshield ng sasakyan at tumama ng malakas ang kanilang mga ulo sa harapan dahilan kaya't nawalan ng ulirat ang dalawa.
Gayon din ang nangyari sa kanilang nakabangga. Sa lakas ng impact ay nabasag ang mga salamin nito at tumama at bumaon iyon sa ulo ng nagmamaneho dahilan kaya't tuluyan itong nabawian ng buhay.
Mabuti na lamang at hindi nag-spark at sumabog ang kanilang mga sasakyan. Tumama lamang ang harapang bahagi ng sasakyan nina Yrris sa passenger seat ng isa pangsasakyan.
Nagkagulo ang mga tao sa buong lugar at hiyawan ang namuo na bumalot sa buong paligid.
-----