KABANATA 17

1595 Words
(Kaibigan o kaaway) “Lalabas ka?! Ano gusto mo na bang mamatay?! Sige! Pero once na lumabas ka riyan sa gate na iyan, huwag na huwag ka ng bumalik! Pwe!” sigaw ni Jinx habang hawak sa kwelyo si Darel, tumatangis ito at halos mabasa na ng kaniyang luha ang buo nitong mukha. Hindi naman agad nakasagot si Darel kay Jinx dahil sa nanginginig ang kaniyang mga labi at hindi iyon maibuka. Tanging impit lamang na iyak ang nagagawa nito. Ibinagsak siya ni Jinx sa lupa kaya napasalagpak na lamang si Darel nang pagkakaupo at napakapit na lamang nang mahigpit sa mga d**o. Nasa isa silang malawak na field sa likod ng isang mansyon. Matagal na sila rito at safe ang lugar sapagkat walang mga Zombies sa loob kahit pa napakalaki ng mansyon. Dito na sila namalagi simula nang umatake at kumalat ang mga Zombies. Kasama niya ang mga kaibigan niya sa loob at anim silang magbabarkada. Nakatingin naman ang lima sa kanila habang si Darel ay patuloy na naghihinagpis. Gustong-gusto na talaga nitong makalabas sa mansyon at lisanin ang kaniyang mga kasama. Tatakas sana ito pero nakita siya ni Jinx na dala ang kaniyang bag at inabutan nga nila ito sa field patungo sa gate. Nang maabutan ay binigyan siya ng malakas na suntok ni Jinx sa mukha dahilan kaya pumutok ang ibabang labi ni Darel. “Bakit ba gusto mong lumabas pa? Hindi ba okay naman na tayo ritong anim?” sabi ni Ralph habang nakatingin kay Darel. Halos magsalubong ang mga kilay nito at mababakas ang pagkayamot sa kaniyang tinig. Umiling lang si Darel at hindi alam ang kaniyang gagawin. May gusto suyang sabihin pero hindi niya iyon magawa. Natatakot siyang malaman ng kaniyang mga barkada na may kagat siya ng Zombie sa dibdib at tinatago niya lamang. Nararamdaman na kasi nito ang ilang mga sintomas kaya iniisip niyang lisanin ang kaniyang mga kasama sapagkat ayaw niyang mapahamak pa ang mga ito dahil sa kaniya. “Oo nga naman Darel, delikado na sa labas,” dagdag naman ni Rea, medyo may pagka-boyish ito kung titignan at ternong kulay itim ang suot nito. Siya lamang ang nag-iisang babae sa grupo. “Hindi niyo ako naintindihan eh. Kailangan kong makalabas! Kailangan ko,” impit na saad nito sa kaniyang mga kaibigan. “Hayaan niyo na nga iyan, kung gusto niyang lumabas eh ‘di lumabas! Saka hindi naman na tayo mamomoroblema eh. Halina kayo, hayaan niyo si Darel,” matigas na paliwanag ni Jepoy sa kanilang lahat saka tumalikod na lang sa kaniyang mga kasama. Iniwan na lang niya ang mga ito. Pumasok na lamang siya sa loob ng mansyon at animo ay pinagsawalang bahala ang lahat. “Bahala ka sa buhay mo!” sigaw pa ni Jinx bago iwanan si Darel. Tumalikod na rin ito at naglalad palayo upang sundan si Jepoy. Sumunod na rin isa-isa sina Rea, Ralph at isa pa nilang kasama na kanina pa hindi umiimik. Samantala, kanina pa pala nagmamasid sa kanila si Yrris. Kalalabas lamang din nito mula sa isang silid para ikulong ang dalawang maid nang makarinig siya ng bangayan kaya napatigil ito at sumilip nang bahagya. Nagtago siya sa mga naglalakihang bulaklak upang silipin ang mga ingay na naririnig niya mula sa likod ng mansyon. Nanlaki ang mga mata niya at napahawak na lang sa bibig nang makita niya ang anim na magbabarkada na nagtatalo. Nauntriga si Yrris at pinanood muna ang mga ito sandali bago bumalik kina Kyle. “May ibang tao rin pala rito bukod sa amin?” bulong nito sa kaniyang sarili. Pinagmasdam ni Yrris si Darel na nakaupo sa madamong bahagi ng lupa. Malawak rin kasi sa kinaroroonan nila at aakalain mong nasa football court sila sa lawak ng lugar. May mga bahay-bahay sa paligid at mapapansin mo agad ang mga makinang ginagamit panglinis at ilang baseball bat at bola ng golf. Tumayo nang dahan-dahan si Darel at tumalikod sa mga kasama upang umalis at tumungo sa gate. Gagawin niya na ang gusto niyang gawin. Ang umalis sa masyon upang pangalagaan ang kaniyang mga kasama. Nakayuko ito subalit nang mag-angat ito ng tingin ay nagtama bigla ang mga mata nila ni Yrris at napansin niya ang presensya nito. “Naku, nakita niya ako,” sambit ni Yrris saka isiniksik ang kaniyang sarili sa halaman malapit sa kinatatayuan niya. Nanlaki ang mga mata ni Darel sa kaniyang nakita at biglaang nanginig ang buo niyang katawan. Dali-dali itong animo ay sinilihan sa puwet. “Ah, Guys! Guys!” sigaw nito. Napatigil sina Jepoy sa paglalakad at lumingin muli sa kinaroroonan ni Darel. “May Zombie dito! Guys! Zombie!” dagdag nito. Tumalikod ito kay Yrris upang puntahan ang kaniyang mga kasama at ibalita ang kaniyang nakita kaya natawag ang atensyon ng mga kasama nito. Lumapit na rin sila kay Darel upang tignan at tiyakin ang sinasabi. “Saan?!” tanong ni Rea. “Nandoon!” sabi nito saka itinuro ang kinatataguan ni Yrris. Napakagat-labi si Yrris saka lumabas sa pinagtataguan niya upang maka-alis at makabalik kina Kyle. Panigurado itong paglalaruan ito ng mga magkakaibigan kung hindi pa ito makalis sa lugar. Napansin naman siya agad ng grupo ni Darel kaya mabilis silang tumakbo para kunin si Yrris. Tumakbo naman din si Yrris ngunit hindi niya napansing may host pala sa dinadaanan niya kaya bigla na lang itong napasobsob sa kaniyang pagkakatakbo dahilan kaya inabutan siya ng magbabarkada. Mabilis naman lumapit sina Jinx kay Yrris at ng nasa harapan na nila si Yrris ay biglang nagbunot ng baril si Jepoy. Hinawakan siya ni Jinx sa buhok at pinatingala sa langit. Napaluhod na naman si Yrris. Hindi niya ramadam ang sakit ng pagkakasabunok sa kaniya. Napalunok naman ng laway si Jinx sa kaniyang nakita sapagkat may nangilid na luha sa mata ni Yrris. Hindi rin iyon inaasahan ni Yrris sapagkat wala naman siyang nararamdamang sakit. Sinubukang mag pumiglas ninYrrus pero lumapit naman sina Rea at Ralph. Mahigpit nilang hinawakan sa magkabilang kamay si Yrris. “Freeze! Babarilin kita!” sigaw ni Jepoy saka itinutok ang hawak nitong baril sa noo ni Yrris. Napatigil si Yrris at hindi na lamang umimik. Namangha silang lahat sapagkat ngayon lang sila makakita ng Zombie na sumunod sa utos. “Please huwag niyo akong saktan,” pagmamakaawa ni Yrris. “Sinong nagsalita! Sino?!” manghang tanong ni Darel saka isa-isang tinignan ang kaniyang mga kasama. “Nagsasalita ka?” tanong ni Jepoy na noon ay nasa harapan ni Yrris. Natuon ang atensyon nila kay Yrris. “Oo, pakawalan niyo ako hindi ko naman kayo kakagatin eh! Normal ako at hindi tulad ng others, okay?!” paliwanag ni Yrris. Halos balutin sila ng pagkamangha sa kanilang nasasaksihan. Ngayon lamang sila makakita ng Zombie na nagsasalita at nagdadahilan. “Haha! Amazing! She can talk!” sigaw ni Krishmar. Lumapit ito at tumabi kay Jepoy. Humakbay pa ito sa kasama at inalog-alog pa. Ngayon lamang siya nagkalakas loob magsalita sapagkat kanina pa ito walang imik at inoobserbahan lang ang kaniyang mga kasama. Nang magawi ang tingin niya kay Yrris ay bigla na lamang itong napatulala. Hindi niya batid kung bakit tila bumilis ang t***k ng kaniyang puso. “Ang... Ang... Ganda niya,” wala sa isip na sambit ni Krishmar habang unti-unting nawawala ang ngiti sa kaniyang mga mukha. Animo ay nakakita ito ng anghel. “What?” tugon ni Jinx. “Ano iyon Krish?” sabat ni Rea. “Totoo naman ah,” pagsang-ayon ni Darel. “Patingin nga! Sure ko lang, baka namamalik mata ka lang,” sabi ni Jinx at mas lalong hinila ang buhok ni Yrris. Napatingala naman ito ng husto. Pinihit pa nito pakaliwa at kanan ang mukha ni Yrris. “Tss... Hindi naman, Krish. Mas maganda pa rin si Rea dito!” “Tama, Jinx. Aper!” pagsang-ayon ni Rea sa sinabi ni Jinx. “Ikulong niyo iyan!” sabi ni Jepoy. “Tika lang, wait! I wanna go na! Leave me alone!” sabi ni Yrris. “Arte mo, tayo!” sabi ni Jinx at hinila patayo ang buhok ni Yrris. “Gusto mo i-bite kita ha? Don't you dare messing my hair you b***h!” sabi ni Yrris kay Jinx. Biglang tila umapoy ang mata ni Jinx sa sinabi ni Yrris sa kaniya. “I am not b***h! Iyong b***h ganito! Sandali hawakan niyo ah!” sabi ni Jinx. Lumayo ito ng ilang metro kina Yrris at mabilis na pinaalon ang pwet. Nag-twerk ito nang napakabilis na ikinabigla pa ng kaniyang mga kasama. “Ganiyang ang b***h eh hindi naman? Boy ako dito?! Astig! Bad boy! Ibang Jinx ang kilala mo!” sigaw nito saka hinawakan ang buhok ni Yrris. “Sabing huwag hahawakan ang buhok ko eh. Inggit ka ba sa straight kung buhok?!” Pinagtitinginan na lang sila ng lima nilang kasama. Hindi sila halos makapaniwala na nakikipag-usap na parang normal na tao ang isang Zombie. “Tama na nga iyan!” sigaw ni Jepoy sa kanilang dalawa saka itinulak si Yrris. Binitawan naman agad siya ni Rea at Ralph maging si Jinx ay bumitaw na rin sa pagkakahawak sa buhok ni Yrris. “Yes po, Master,” sagot ni Jinx. “Lakad!” sigaw ni Jepoy habang nakatutok ang baril kay Yrris. Wala namang siyang nagawa kung hindi ang sumunod na lamang sa kanila. Tiyak na hahanapin siya nina Kyle kapag hindi siya nakabalik. Nasa likod ni Yrris ang mga magbabarkada at pinagmamasdan lang siyang naglalakad papasok sa isang silid. Hindi pa rin sila halos makapaniwala sa kanilang nakikita. Isang infected na tao ay kayang magsalita at aakalain mong normal itong tao. -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD