KABANATA 10

2129 Words
(Ang Paghahanap) Agad na napasalagpak si Yrris ng upo sa semento. Napabuntong-hininga siya subalit walang hanging lumabas sa ilong nito. Doon niya na laman na patay na nga pala ang katawan nito subalit gising pa rin ang isipan niya. Bagsak ang kaniyang mga balikat habang iginagala ang paningin sa kabuuan ng rooftop. Kahit wala siyang emosyong naramdaman ay makikita sa mga mata nito ang lungkot. Tumingin siya sa mga Zombies na noon ay nakadapa na lamang at umuungol na animo ay aso. “Bakit hindi ako pweding isama? Huh?” sambit nito sa kaharap nitong Zombies. Mababatid ang kaaburiduhan ng kaniyang boses. “Hindi naman ako tulad niyo ah? Kainis kayo?” Lumapit siya sa isa sa mga ito at hinampas-hampas. Mabuti na lamang at hindi siya kinakagat ng mga ito sapagkat akala nila ay tulad nila si Yrris. “Haysst... Makaalis na nga. I am not sure naman kung babalikan pa ako rito nina Kyle at Professor. Haysst... Uwi muna kaya ako sa amin?” Umakto itong tila nag-iisip. “Mabuti pa nga.” Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at humarap sa pintuan pababa sa ground floor. Maraming mga Zombies sa dinadaanan niya subalit hindi siya kinakagat ng mga ito. “Ew, papangit niyo. Duh?” Iginalaw pa nito ang kaniyang ulo at napa-rolyo ng mata. Animo ay kausap niya ang mga ito. “Tabi nga!” Itinulak nito ang isang Zombie na nakaharang sa dinadaan niya. Nang makababa siya ng ground floor ay agad na itong nagtungo sa highway. Naghanap pa siya ng sasakyan na masasakyan sa pag-uwi subalit wala ng espasyo na madadaanan pa ang sasakyan sapagkat nagkalat na ang mga ito sa kalsada. Nagtiyaga na lamang itong maglakad ng ilang oras. Ang daming mga Zombies sa paligid at malaya lamang siyang nakapaglalakad na animo pa ay walang masamang nangyari at normal pa ang lahat. Ilang oras din itong naglakad hanggang makarating ito sa kanilang bahay. Napabuntong-hininga ito saka agad na pumasok sa kanilang gate. Nasa harapan na siya ng pinto at nag-aktong buksan ito, subalit siya namang paglaba ng kaniyang mga magulang mula sa loob. Tulad niya ay infected na ang dalawa kaya at walang nagawa si Yrris kung hindi ang mapabuka na lamang ng bibig at tila hindi makapaniwala sa nasasaksihan. Magkahawak kamay pa ang mga magulang nito habang palayo sa pinto kung saan sila nanggaling. Naglakad si Yrris sa harapan ng dalawa at yumakap ng napakahigpit. “Ma, Pa... I'm so sorry,” sabi nito. Mababanaag ang lungkot sa boses nito. Bigla na lamang niyang maramdaman ang pamamasa ng kaniyang mata. Batid niyang patay na ang kabuuan ng kaniyang katawan, subalit hindi niya maintindihan kung bakit gumagana pa rin ang mga ito. Ni wala nga siyang maramdaman. Nanatiling walang imik ang mga magulang nito kaya at napayuko na lamang si Yrris. Pagkatapos noon ay hinayaan niya na lamang mag-lakad ang mga magulang niya. Wala na ito sa kanilang sariling katinuan. Inalalayan pa ni Yrris ang dalawa na makalabas ng kanilang gate hanggang sa highway. Nagpatuloy naman sa paglakad ang mga magulang nito kaya at payuko na lamang ding sumunod si Yrris. Hindi niya na batid kung aling lugar sila mapapapadpad pa. Wala na ang lahat sa kaniya. Nagpatuloy siya sa pagsunod hanggang sa bigla na lamang dumilim ang kalangitan at tila nagbabadya ang malakas na ulan. Maging ang kapangitan ay nalulungkot at sinabayan sa kaniyang pagluluksa si Yrris. Patuloy lamang itong naglalakad habang bumubuntot sa kaniyang mga magulang. Isang malakas na ulan ang bumuhos na halos bumalot na sa buong kapaligiran. Kasabay noon ay ang unti-unting paglamon ng dilim sa buong paligid. Samantala, halos maubos na ang buhok ni Kyle sa kakahilan nito. Hindi niya na batid kung alin ang uunahin niya. Kung anong gagawin niya gayong napapaligiran siya ng mga Zombies. Mabuti nga at wala pang nakapapansin sa kaniya. “Kailangan kong makahanap ng paraan,” sambit nito. Nagpalinga-linga ito sa loob sasakyan. Naghahanap ng paraan upang masumpungan ang sitwasyon niya ngayon. Tumingin siya sa bintana ng sasakyan at mula roon nakita niya ang isang bukas na pinto ng bahay. Napalunok ito ng kaniyang laway sa mga naiisip na paraan. “Aabot ako roon kapag tumakbo ako ng mabilis,” sambit nito. Kaya dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan at inilapat sa lupa ang kaniyang mga paa. “Aaaahh!” sigaw nito bago tuluyang tumakbo patungo sa bukas na pinto malapit sa kinaroroonan niya, subalit nang makalapit ito roon ay bigla ring lumabas mula roon ang isang batang Zombie. Tumitig ito sa kaniya at saka sumigaw. Animo ay alolong ng isang ulol na aso ang boses nito. “Aahhh! Malas!” Tumalikod siya at muling bumalik sa sasakyan subalit hindi pa man ito nakasasakay ay humarang sa pinto ang isang Zombie at tumitig din sa kaniya. Tulad ng nauna umatungal rin ito. Kitang-kita ang ngala-ngala ng Zombie. “Shock! I am doomed!” Tumakbo siya palayo at naghanap ng matataguan na siya namang nakatawag ng atensyon ng iba pang Zombies sa lugar na kinaroroonan niya. “Aaahhh... s**t! Natawag ko atensyon nila, naluko na!” Habang tumatakbo ito ay pasulyap-sulyap pa ito sa kaniyang likod hanggang sa hindi niya mapansing may nakaharang sa dinaraan niya. Napatid siya nito at bumagsak ang katawan sa bagay na iyon. Natawag ang pansin ni Kyle nang mahawakan nito ang isang malagkit na bagay sa pinagbagsakan nito. Umalingasaw rin ang amoy na halos magpabaliktad na ng kaniyang sikmura. Isa iyong parte ng katawan ng isang tao. Nangunot ang sentido ng ilong nito saka mabilis na tumayo dahil sa hindi na nito makayanan ang amoy pero may tumulak sa kaniya at napasubsub sa katawan na nabubulok. Bumaon ang mukha niya rito at ramdam niya ang paggalaw ng mga bagay-bagay sa mukha niya at batid niyang uod ang mga iyon. Dali-dali ay tumayo ito at nagsusuka. Agad namang may sumakal sa kaniya at aktong kakagatin na ito sa leeg subalit napatigil ito na ikinamangha ni Kyle. “What? Why?” pagtataka nito. Hinilamos ni Kyle ang kaniyang kamay sa mukha niya saka iyong ipinaamoy sa Zombie. Umiling bigla ang Zombies at napabitaw sa pagkakahawak kay Kyle. “Haha! Hindi nila kinakagat ang kasing amoy nila!” masayang sambit ni Kyle. Kaya muli ay dumukot siya ng malagkit na na dugo sa parte ng katawan na pinagbagsakan niya at sinimulan itong ikalat sa buo niyang katawan. Bawat pahid nito ay siya namang paglabas ng kanain niya sa kaniyang bibig. Subalit, wala na itong pakialam, basta ang alam niya ay makatakas siya sa lugar at masundo si Yrris. Nang maibalot ang sarili niya ng malagkit na dugo ay naglakad ito sa kalsada. Maraming Zombies ang tumingin sa kaniya subalit suminghot-singhot lamang ang mga ito. “Yes, effective! I am an Alpha kid!” sigaw nito na nakatawag muli ng atensyon ng mga Zombies. “Ay sorry guys, naingayan yata kayo, peace tayo peace!” dagdag pa nito saka ng peace sign habang may malapad na ngiti. Patuloy siya sa paglalakad habang umaaktong tila Zombie rin. Malayo pa ang kaniyang lalakbayin nang biglang dumagongdong mula sa himpapawid ang isang malakas na kulog. “Patay! Matatanggal ang amoy ko nito! Bakit ngayon pa?” mababanaag ang inis sa boses nito. May bumilis pa ang ginawang paglakad ni Kyle hanggang sa bumagsak nga ang malakas na ulan. Unti-unti iyong bumuhos sa katawan niya hanggang sa matanggal na nga ang amoy nito. Natawag ang atensyon ng mga Zombies na noon ay nagkalat lamang sa kalsada. Hindi niya na rin naisip na tumahan muna at sumilong sapagkat batid niyang aabutan siya ng dilim. Mas lalo niya itong ikapapahamak. “s**t! Naluko na! Patay! Naamoy na nila ako!” sambit ni Kyle. Tumakbo na lamang ito nang mabilis upang hindi siya maabutan ng mga Zombies. Patuloy siya sa pagtambo hanggang sa unti-unting dumilim ang kapaligiran. Hindi na halos makita ni Kyle ang daang tinatahak niya hanggang sa bigla na lamang itong mabungo sa isang poste dahilan kaya at bigla na lamang itong nawalan ng malay. Samantala, halos hindi naman makapaniwala si Marcial sa ginawa ni Kyle. Hindi naman ganito ang kaibigan niya pagdating sa babae, pero iba na ngayon. Hindi niya na ito maintindihan. Nagpatuloy naman si Wang sa paglalakad patungo sa kinaroroonan ni Robert, habang si Marcial ay tumalikod upang tignan ang ingay na nagmumula sa labas. Nang makarating, nakita niya ang mga sundalo na inaayos ang electric wire na binangga ni Kyle. “Lumabas nga ang gago,” bulong ni Marcial sa sarili. “Baliw, hindi nag-iisip. Iwan na lang sa iyo kung mabubuhay ka pa,” dagdag pa nito. Pagkatapos noon ay bumalik na ito sa loob ng laboratoryo. Nasalubong na nito ang dalawang sundalo na nag-escort sa kanila. Nagtanguan lamang silang tatlo pagkatapos. Nakita niya rin mula sa malayo sina Wang at Robert na nag-uusap kaya at hindi na ito nag-atubiling lumapit din sa kanila. “Wang, kaibigan ko! Long time no see! Welcome sa laboratoryo ko, Wang. Welcome muli,” masayang bungad ni Robert sa kaibigan. Yumakap ito ng mahigpit kay Wang na animo ay wala ng bukas. Amoy na amoy ang alak mula sa kaniyang bibig na sumisingaw sa tuwing magsasalita ito. “Gayon din ako, Robert,” matamlay na saad nito. Napahawak na rin ito sa likod ng kaibigan. May tila bumabagabag kay Wang. Iniisip kasi nito kung paano niya sasabihin sa kaibigan ang kapalpakan niya. “Maupo ka, by the way kasama mo na ba iyong zombie na tinutukoy mo?” agad niyang tanong. Napayuko si Wang saka ibinagsak ang puwetan sa sofans katabi nila. Gayon na rin ang ginawa ni Robert. Magkaharap ang dalawa, hinihintay lamang nito si Wang na magsalita. “Si Yrris? Naiwan siya, hindi siya pinasakay ng mga sundalo mo.” “What?! You mean...” nanlalaki ang mga mata nito na noon ay namumula na. “Yes, naiwan ito sa Zucchini University, Robert.” “Prof, si Kyle po umalis para balikan si Yrris,” agad na bungad ni Marcial kay Wang. Napatapon ng tingin ang dalawa kay Marcial. Gayunpaman, kinuha ni Robert ang bote ng alak at nagbuhos sa baso. “Huh?! Bakit hindi mo pinigil mapapahamak iyon,” may pag-aalala na mababanaag sa tuno nito. “I tried, but I can't stop him, prof,” pagdadahilan ni Marcial. “So, sila ang mga estudyanti mo?” sabat ni Robert kaya at napatigil si Marcial sa pagsasalita. Binigay nito ang isang baso ng alak kay Wang na agad naman niyang hinigit. Napatitig ito kay Robert. “Yes, Robert. Siya nga pala si Marcial. Marcial, si Robert,” pakilala ni Wang. “Kilala ko po siya Prof Wang. Isa po siyang scientist na gumagawa ng mga makabagong teknolohiya na nagpapagaan ng gawain.” “Hmmm...” saad na lamang ni Wang. “Sikat ka na nga, Bert. Ang dami mo ng achievement,” sabi ni Wang sa kaibigan. Napangiti si Robert kay Wang sa mga narinig niya mula kay Marcial. “Ma-upo ka bata. Tama ka, ako nga. Pero, Wang. Achievement doesn't matter at all, wala iyang lahat,” anito sabay inom ng hawak niyang red wine. “Pero, maiba ako Wang. Alam mo na ba kung anong sanhi ng sakit na lumalaganap ngayon? Saka, iyong sabi mong baril na ginawa mo? Nasaan na?” Nagkapalitan ng tingin si Wang at Marcial. Napatikhim na lang si ito saka umupo katabi si Wang. “Ang sakit na lumalaganap ngayon ay dahil sa kapalpakan ko. Iyong gamot na ibinenta ko, iyon ang sanhi kung bakit nagkakaganito ang mundo.” Tumunga ito ng hawak niyang alak saka napayuko. “Haysst... Okay lang iyan, huwag mo sisihin ang sarili mo. Hindi naman perfect na agad tayo sa unang subok natin. Minsan talaga may mangyayari munang hindi maganda bago tayo matototo,” paliwanag nito sa kaibigan saka muling nagbuhos ng alak. “Iyong baril na gawa mo?” Muling nag-angat ng tingin si Wang saka nagsalita, “Ayon, naubusan ng bala, itinapon ko na,” walang pakundangan nitong sambit. “What?!” “Nataranta na ako eh. Napapaligiran na kami ng Zombies noon,” pagdadahilan nito. “Okay-okay, pero makakagawa ka pa naman ulit ng tulad niyon hindi ba?” tanong nito sa kaibigan saka muling iniabot ang alak. “Oo, at alam ko na kung paano mapapatay ang mga ito.” Nanlaki ang mga mata ni Robert sa kaniyang mga narinig at tila nawala ang unti-unting kalasingan. “Prof, Sir Robert, walang galang na po pero si Kyle po, baka mapano na po iyon. Prof, maaari natin siyang sunduin? Kasama si Yrris?” sabat ni Marcial na nagpatigil sa dalawa. Bakas sa tuno ng tinig ni Marcial ang pag-aalala. Nagkapalitan ng tingin ang magkaibigan saka muling nakatingin kay Marcial. Sabay pa silang uminom ng alak at sabay ring inilapag ang mga ito sa mesang kaharap nila. ------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD