KABANATA 9

1571 Words
(Ang Laboratoryo) “Oh? Kim, kaibigan ko. Napatawag ka?” nakangiting saad ni Robert “Bert” Romero, isang scientist at kaibigan ni Wang. Malapad ang kurba ng kaniyang labi habang hawak ang kaniyang cellphone sa kaniyang kanang tainga. Ilang taon na rin kasing hindi ito nagpaparamdan sa kaniya kaya ganoon na lamang ang galak nito ng tumawag si Wang. Matalik niya kasi itong kaibigan simula pa nang high school sila at magkapatid na ang turingan nilang dalawa. Mabuti na lamang at nanatiling bukas ang kuryente ng lugar at gumagana pa rin ang cell cite kaya at hindi pa nawawalan ng signal. [“Robert, kamusta?”] sagot ni Wang sa kabilang linya. “Mabuti... Ikaw? Nasaan ka? Nagkakagulo sa labas ah nasa mabuti ka lang ba?” Napaupo si Robert sa sofa na noon ay katabi niya lamang. [“Iyon nga eh, na-trap ako dito sa Zucchini University. Hindi ako makalabas dahil sa mga Zombies sa labas.”] “Oh?” tipid niyang sagot kay Wang. Kumuha ito ng baso mula sa kaharap niyang lamesa at nagbuhos ng red wine, nagsimula siyang uminom. [“Oo, maaari mo ba akong sunduin dito? May mga kasama ako dito, at hindi ka maniniwala. May kasama akong infected, pero nakapagsasalita ito.”] “Talaga?” nanlalaking matang sambit nito. Halos maibuga niya ang iniinom niyang red wine. “Interesting, sige papadala ko riyan ang private helicopter ko para sunduin kayo riyan,” saad nito. Bakas ang pagkasabik sa bawat binibitawan niyang kataga. [“Sige.”] tipid na sambit ni Wang na kahit hindi nakikita ni Robert ang mukha ay mauulinagan mong nagagalak ito. Hanggang sa tuluyang ibinaba na nito ang kaniyang linya. Agad na napasandal si Robert sa backrest ng sofa saka iyon napahilamus ng tuyo niyang palad. Sandali siyang napatingala bago nag-ayos ng kaniyang pagkakaupo. Sa kaharap nitong lamesa ay ipinatong niya ang hawak niyang cellphone at baso ng hawak niyang wine. Nakalagay rin doon ang isang walkie talkie kaya at hindi na ito nagdalawang isip na kunin iyon. “Heneral Mateo, I need to talk to you, now,” sabi nito sa Walkie Talkie. Tumunog ang isang static sound mula sa hawak niyang ito bago lumikha ng isang boses. “Right away, Sir,” sagot ni Mateo sa kaniya, ang tumatayong pinuno ng mga kasundaluhan sa basement nila. Isa kasing laboratoryo ang kinaroronan ni Robert at napapaliliran ito ng mga sundalo. Dati ng nakatayo ang laboratoryo na pinamumunuan ni Robert, isa kasi itong manlilikha ng bagong kagamitan sa pagpapadali ng mga bagay-bagay at gawain. Pinupunduhan siya ng Gobyerno ng bansa subalit natigil ito ng ipatupad ang lockdown sa buong bansa dahil sa hindi maipaliwanag na kinahantungan ng mga tao. “Okay, I'll see you then.” Hindi na hinintay ni Robert ang tugon ni Mateo sa kaniya. Ibinaba niyang muli ang hawak niyang Walkie Talkie at muling napasandal sa kinauupuan niyang sofa. Habang naka-upo ay isang idea ang nabuo sa kaniyang isipan na nagpangiti sa kaniya. “Kung may kasama silang infected na hindi tulad ng iba. Maaari ko iyong magamit upang makahanap ng cure. Tiyak kapag nakagawa ako ay siya namang ikayayaman ko. Mas lalaki ang pundo ng laboratoryo ko,” sambit ni Robert sa kaniyang sarili saka ito napangiti ng lihim. “Sir?” boses ni Mateo na nagpabalik ng ulirat ni Robert. Agad siyang napatapon ng tingin kay Mateo saka lumapit ng bahagya. “I want you to prepare the Helicopter, Mateo. May susunduin kayo sa Zucchini University,” agad na bungad nito. “Right away, Sir.” “Good. I will tell you if when.” Ngumiti si Robert kay Mateo na agad namang sinuklian niya ng tango bago tuluyang umalis. Ilang araw ang lumipas ay walang naging komukasyon sina Wang at Robert. Hanggang sa dumating ang isang araw. Bigla na lamang mag-vibrate ang cellphone ni Robert. Kasalukiyan siya noong nasa sofa kung saan siya umiinom ng red wine. Kung titignan ay tila wala itong problema sa kalagayan ng daigdig sa kasalukuyan. “Wang? Ano magpapasundo na ba kayo?” [“Oo, Robert. Guess what, may naimbinto akong baril.”] mababanaag ang galak ni Wang sa mga binibintawan niyang salita. “Baril?” [“Oo, this Gun containing some elements na magpapatulog sa mga Zombies. Susubukan ko nga ito ngayon eh.”] “Wow, great. I wanna see it too. Sige papahanda ko na agad ang helicopter at ng masundo na kayo riyan.” [“Nandito kami sa main building ng Zucchini University. Sa rooftop na kami maghihintay ha?”] “Sige-sige,” pagsang-ayon ni Robert sa kaniya. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay tumawag na muli si Robert kay Mateo. Sinabi nitong puntahan na sina Wang sa Zucchini University na agad namang sinunod ng mga tauhan nito. Lumipad ang helicopter patungo sa unibersidad, samantala, sina Kyle at Wang ay hindi na malaman ang gagawin. Nabalot na sila ng takot kaya at halos hindi na sila makagalaw mula sa kinatatayuan. “Tika? Narinig niyo iyon?” Umaktong tila may pinakikingan si Yrris. “Ano ba, iyong tunog? Utot ko lang iyon huwag nga kayo. Mamatay na tayo rito,” tarantang saad ni Marcial sa kanilang lahat. “Hindi pakinggan niyo!” sigaw ni Yrris. Natahimik silang lahat. Tanging ang mga boses na lamang ng mga Zombies ang maririnig at ang lalapit na nila sa pwesto nina Wang. “May paparating na Choper!” tila nabuhayang sambit ni Wang. “Baka iyon na ang pinadala ni Robert dito!” Lumitaw nga ang choper mula sa kinaroroonan nila kaya at gayon na lamang ang tuwa nilang lahat. Natawag ang atensyon ng mga Zombies kaya at doon na natuon ang atensyon nilang lahat. Tumalikod ang mga ito at naglakad patungo sa kinaroroonan ng Choper. Gayunpaman, bumaba ito ng bahagya. Sakay ng choper ang dalawang sundalo saka isang piloto. Nagsimulang magpaulan ng bala ang mga sundalo sa mga Zombies subalit hindi ito natinag kahit pa binabaril na nila ito sa kanilang ulo. Gayunpaman, ang tuhod na lamang ng mga ito ang binalingan nilang barilin kaya ag napabali-bali anv kanilang mga buto at napapuhod. Nang matiyak ng piloto na wala ng makapaglalakad pa na Zombies ay siya namang pagpapa-landing niya ng choper. Ikinampay ng isa sa mga sundalo ang kaniyang kamay hudyat na hinihikayat niya ng sumakay ang mga ito. Patakbo namang lumapit sina Wang sa choper. Nang makalapit sila ay nauna na ng lumulan si Marcial, sumunod si Wang at Kyle. Aakyat na sana si Yrris ng bigla siyang tutukan ng baril. “Huwag!” sigaw ni Kyle na nagpatigil sa sundalo. Kunot-noo siyang tinignan ng sundalo at nagtaka sa reaksyon ni Kyle. “Kasama namin siya,” dagdag pa ni Kyle. “Yrris halika na,” aya ni Kyle. “No! She is not allowed. Order ni General Mateo na si Professor Wang lang ang isasama at kayo n kasama niya hindi itong infected na ito. Tara na!” bulyaw ng sundalo kay Kyle. “Buddy, pa-andarin mo na ang choper at bumalik na tayo sa laboratoryo,” sabi pa nito. Wala namang nagawa sina Wang at Marcial. Hinawakan ni Kyle si Yrris sa kamay. “I promise you, babalikan kita dito.” Hindi mabatid ni Kyle ang kaniyang nararamdaman. May mabigat sa kaniyang dibdib na hindi niya malaman kung ano. “I'll stay. Hihintayin kita,” nakangiting sambit ni Yrris. Yayakap pa sana si Kyle kay Yrris subalit umangat na sa ere ang kanilang sasakyan. “Babalik ako! Hinatayin mo ako babalikan kita, Yrris!” sigaw ni Kyle bago tuluyang lumayo ang kanilang choper. Doon nila napagmasdaan ang kabuuan ng unibersidad. Ang daming mga naglalakad sa buong paligid. Batid nilang Zombies na ang mga ito. Sa isang highway naman ay makikita mula sa itaas ang isang prosesyon ng mga ito, sa rami nila ay halos hindi na ito mahulugang karayom. Nanatili namang walang imik sina Wang at Marcial at tila natulala na lamang sa kanilang mga nasaksihan. Hindi na ito ang kilala nilang mundo, hindi na ito ang kinagisnan nila. Dahil lamang sa isang pansariling interest ay bigla na lamang nagdulot ng isang hindi pangkaraniwang pangyayari na tatatak sa kasaysayan ng mundo. Ilang sandali lamang ay bumaba ang kanilang sinasakyang choper sa isang malawak na espasyo kaharap ang isang malaking building na kulay puti ang kabuuang pintura. Hugis bilog ang lugar at kitang-kita ang kagaraan nito dahil sa mga materyalis na ginamit sa konstruksyon. Lumabas siyang lahat mula sa choper at agad na inalalayan ng dalawang sundalo papasok sa isang pasilidad na may mga nag-aabang na nurse basi na rin sa suot nilang damit. Hindi naman magkamayaw sa kalilibot ng tingin si Marcial sa kabuuan ng lugar. Napapabuka na lamang ang bibig nito sa nasasaksihan. May malaking electric wire na nakapalibot sa lugar na umaabot hanggang sa 10 talampakan ang taas. Si Kyle naman ay halos pinagbagsakan na ng langit at lupa. Hindi niya gusto ang pag-iwan nila kay Yrris sa Zucchini University. Si Professor Wang naman ay nakangiti na ito at tila may halong pagkasabit sa lugar at mukhang hindi niya na unang beses lamang mapadpad sa lugar. Paglapit nila sa mga nurse ay biglan na lamang silang sinuri. Ibinuka nila ang mata ng tatlo ay may itinutok na lasser light sa kanilang mga mata. Nang tumunog ito ay napangiti ang mga nurse. “Maaari na po kayong pumasok sa loob,” sabi ng nurse sa kanila. Tumango naman si Marcial at Wang habang si Kyle at tila wala pa rin sa sariling pag-iisip at tila naiwan yata ito sa Zucchini University. Inalalayan sila ng dalawang sundalo hanggang sa makarating sila sa loob ng building. Tumambad sa kanila ang isang malawak na espasyo. Sa dulo nito ay makikita ang lounges. Naka-opo roon si Robert habang nakatalikod sa kanila at kasalukuyang umiinom ng red wine. Nagpatuloy sa paglalakad ang tatlo, sinusundan lamang nila ang dalawang sundalo sa kanilang harapan. “Cial,” bungad ni Kyle kaya napatigil silang dalawa habang si Wang ay nagpatuloy sa paglalakad, bakas sa mukha ni Wang ang galak habang palapit ito nang palapit kay Robert. “Babalik ako sa Zucchini, susunduin ko si Yrris doon baka mapano iyon doon eh,” may pag-aalala sa tinig ni Kyle. “Baliw ka na ba? Nakita mo ba iyong mga Zombies kanina? Ang dami nila, paano ka susugod doon?” sagot ni Marcial. “Basta, babalik ako. Babalikan ko si Yrris. Bahala na,” sa tuno ng pananalita nito ay tila handa na itong isakrapisyo ang kaniyang sarili. “Baliw ka na nga, mapapahamak ka lang.” “Babalik ako roon, ako na bahala kung paano basta babalik ako roon,” sambit nito saka tumalikod ito at naglakad palayo kay Marcial. Napa-iling na lamang si Marcial habang sinusundan ng tingin anv kaniyang kaibigan hanggang sa tuluyan na nga itong maglaho sa kaniyang paningin. Samantala, lumabas naman si Kyle sa laboratoryo. Nagpalinga-linga siya sa buong paligid. Humahanap ng paraan kung paano makakaalis sa lugar. “Wala ng ibang paraan, ito na lang talaga, bahala na!” iyon ang mga katagang namutawi sa isipan ni Kyle. Agad siyang lumapit sa mga nakaparadang 6Bi na sasakyan. Ito ang naisip niyang paraan para bumalik sa Zucchini total ay marunong naman itong magmaniho. Lumulan siya sa sasakyan ng walang nakapapansin hanggang sa nagsimula na nga niya itong pandarin. Agad niyo iyon minani-obra kaya nagdulot iyon ng ingay sa loob kaya natawag ang atensyon ng mg kasundaluhan. “Tigil!” sigaw ng mga sundalo subalit buo na ang desisyon ni Kyle. Pinaharorot niya ang sasakyan at binangga ang pintuan na gawa sa electric wire. Mabuti na lamang at hindi namatay ang makina ng kaniyang sasakyan. Tagumapay itong nakalabas, gayunpaman nasira ang electric wire na pangharang sana sa mga Zombies. Nagpatuloy sa pagmamanihon si Kyle pabalik sa Zucchini University. Doon ay muli niyang naramdaman ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Hindi niya maipaliwanag ang galak na kaniyang nararamdaman na halos sumakop sa buo niyang sistema. Malayo-layo na rin ito mula sa laboratoryo ng bigla na lamang umusok ang unahan ng kaniyang sasakyan. “f**k! Bakit ngayon pa! Huwag dito! Huwag sa gitna ng kalsada!” aburidong sambit nito kasabay pa ang paghampas sa manibela ng sasakyan. Ilang hampas pa ang nagawa ni Kyle ng bigla na lang tumigil sa pag-andar ang sasakyan. Nang ilibot nito ang kaniyang mata. Kitang-kita niya ang mga naglalakad na Zombies kaya at halos sumama na ang adams apple nito sa kalulunok ng kaniyang laway. “Patay, katapusan ko na yata rito,” naibulong na lamang nito. -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD