(Ang Bagong Kaibigan)
Dahan-dahan nagmulat ng kaniyang mga mata si Kyle. Tumambad sa kaniya ang puting kisame at ang umiikot na ceiling fan.
Agad siyang napahawak sa kaniyang ulo at napansing may bendahe ng nakakabit doon, gayunpaman ramdam pa rin nito ang sakit kaya at napapangiwi na lamang ito.
Umupo siya mula sa pagkakahiga at doon niya lamang napag-alaman na nasa loob siya ng kuwarto. Apat na sulok na may katamtaman lamang ang espasyo. Kulay abuhin ang pintura ng dingding na gawa sa semento at may iilang pang painting na nakasabit.
Katabi ng kama ang isang study table, doon nakapatong ang mga damit niyang ginamit. Sa katunayan ay uniporme iyon ng kanilang paaralan. Simula kasi nang lumaganap ang sakit ay hindi na ito nakapagbihis pa.
Napatingin siya sa suot niyang damit, napalitan nga ang mga iyon. Dahan-dahang ibinaba ni Kyle ang kaniyang mga paa sa malamig na tiles upang tignan kung sino ang may gawa nito sa kaniya.
Mula sa labas ay maririnig ang pagtatalo ng babae at lalaki kaya at pinakinggan na lamang iyon ni Kyle mula sa pinto ng kwarto kung saan siya ay naroroon.
“Paano kung infected na iyan? Paano kapag kinagat tayong dalawa?” magpag-aalala subalit may riin sa tinig na iyong ng babae.
“Ano ka ba? Hindi, wala siyang kagat ni isa sa kaniyang katawan, Crepssin, kung mayroon man, nakita ko na iyon nang bihisan ko siya,” paliwanag ng lalaki sa kasama niyang babae. Pinipilit nitong pakalmahin ang babae.
Napabuntong-hininga si Kyle sa kaniyang mga narinig saka napagtantong wala nga dapat pang pagkatiwalaan, sapsgkat hindi mo mababatid kung kakampi mo pa ba ang mga kasama mo o isa na rin sila sa mga infected.
“Hindi pa rin tayo sigurado, paano kung bigla na lang tayong atakehin? Mahirap magtiwala lalo na ngayon, Peter.”
Napakagat na lamang si Kyle ng kaniyang kuko habang nakikinig.
“Walang magagawa ang pagdududa Crepssin, magtiwala lang tayong may mga tao pa rin tulad natin. Tulad ng kung sino mang tao ang nakita natin.”
Dahan-dahan pinihit ni Kyle ang seradora ng pinto at lumikha iyon ng ingay na nagpatigil sa dalawang nag-uusap. Natagpuan ni Kyle si Crepssin at Peter na kumakain kaharap ang isa't isa.
Agad na napatayo ang dalawa at humarap kay Kyle at siya namang pagtago ni Crepssin sa likod ng kaniyang kasintahan.
“H-h-huwag kayong matakot, h-hindi ako i-infected,” may pag-aalangan sa tinig ni Kyle.
Nagkapalitan muna ng tingin ang magkatipan bago sila humarap muli kay Kyle.
“G-gising ka na pala,” sagot ni Peter sa kaniya.
Hindi na naiwasan ni Kyle ang mapatingin sa pagkaing nasa hapag, sapagkat ilang araw na siyang hindi nakakakain.
“Nagugutom ka ba?” tanong ni Peter.
Hindi pa rin umaalis sa likod nito si Crepssin at nababanaag pa rin ang takot sa kaniyang mukha.
Wala sa sariling tumango si Kyle. “I-ilang araw na kasi akong hindi kumakain,” walang pakundangan nitong sambit.
Tila biglang nahugutan ng takot si Crepssin sa kaniyang mga narinig. Kaya at naging komportable na ito. Bumalik ito sa dating huwesto saka Hinatian si Kyle sa isang plato.
“Sumalo ka na sa amin, ” saad ni Crepssin saka banayad itong nangiti.
Agad na lumapit si Kyle at naupo kaharap ang pagkain at nagsimulang lumamon. Naupo na rin si Peter at Crepssin katabi ang isa't isa. Pinagmasdan lamang nila si Kyle na kumakain.
“Ako si Kyle,” bungad agad ni Kyle sa kaharap niyang magkasintahan.
“Ako si Peter, ito naman si Crepssin, ang kasintahan ko. Sa Uniporme mo, alam kong taga-Zuchinni ka?” tanong nito, subalit tuno iyon na animo ay nagtatanong.
Tumango na lamang si Kyle sapagkat puno ang bibig nito ng pagkain.
“S-salamat nga, pala. Paano niyo ako natagpuan?” tanong ni Kyle nang malunok ang kinakain nito.
“Bumangga ka sa pinto ng bahay, nang i-check ko, nakita kita. Ang daming mga Zombies na humahabol sa'yo. Kaya't dinala kita sa loob at binihisan. Nilinis ko na rin iyang sugat mo sa noo. Bakit ka nga pala nasa labas pa? May hinahanap ka ba?” mahabang litanya ni Peter.
“Mayroon," sagot nito kasabay ang pagtango. “Naiwan siya sa Zucchini, kaya babalikan ko.”
Nagkatinginan sina Peter at Crepssin. Kitang-kita sa kanilang mga mata ang pagkamangha, sinong mag-aakalang may taong kayang lumakad mag-isa sa kabila ng panganib na dulot ng lugar.
“Kamag-anak mo?” tanong ni Peter.
Umiling lamang si Kyle bilang tugon doon.
“Classmates?” muli nitong tanong.
“Hindi, kaibigan ko. Naiwan kasi siya roon, nag-aalala ako sa kaniya lalo na at babae pa ‘yon.”
Napangiti ang dalawa sa naging tugon ni Kyle at tila nakiliti ng hindi sinasadya.
“Mahal mo?”
“Ha?” Napatigil bigla si Kyle sa pagsubo at napatingin na lang kay Crepssin na nagsalita. Hindi nito alam kung ano ang sasabihin.
“Sabi ko, mahal mo? Girlfriend gano‘n?” dagdag pa ni Crepssin.
“H-hindi ko, sure. Iwan, hindi ko sigurado. Basta, concern ako sa kaniya. Iwan...” sambit nito sa dalawa.
“Hindi mo naman ipapahamak ang sarili kung hindi mo gusto eh, mahal mo iyon, naguguluhan ka lang sa sitwasyon niyo,” paliwanag ni Peter sa kaniya na nagpa-isip sa kaniya ng malalim.
Nagtataka ito sapagkat napakabilis naman yata ng panahon. Subalit, hindi niya mabatid kung bakit ganoon ang kaniyang nararamdaman. Concern siya kay Yrris, masaya siyang kasama ito, at higit sa lahat, bumibilis ang t***k ng kaniyang puso sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata.
“Anong balak mo ngayon? Susunduin mo pa ba siya?” tanong ni Peter na nagpabalik ng ulirat ni Kyle.
“Ha?”
“Pupunta ka pa ba ng Zucchini?”
“Oo, kailangan kong makarating agad doon, para masundo siya.”
“Ang hirap ng daan patungo roon, Kyle. Maraming mga nakaharang na sasakyan patungo roon. Hindi ka makakagamit ng sasakyan patungo roon ngayon,” paliwanag ni Peter sa kaniya.
“Hahanap ako ng paraan, kailangan kong makarating roon," desidido na ito sa kaniyang plano.
“Batid kong hindi ka na namin mapipigil. Kung nais mo, maaari mong gamitin ang motorsiklo ko na nandoon sa garahe. Ipagdadasal namin ang kaligtasan mo,” pagsang-ayon ni Peter sa kaniya.
Nang matapos itong kumain ay agad siyang nagtungo sa garahe upang tignan ang motorsiklo. Sinundan naman siya ni Peter saka binigay ang susi nito.
Isang ngiti ang namutawi kay Kyle na sinuklian naman nina Peter at Crepssin bago tuluyang buksan ni Peter ang garahean at tuluyang lumabas si Kyle sakay sa motorsiklo.
Mabuti na lamang at wala ng gaanong Zombies sa labas kaya at nakaalis ito agad. Dala nito sa kaniyang likod ang isang baseball bat na kinuha niya mula sa garahe.
Samantala, naggayak naman sina Wang mula sa laboratoryo. Pumayag si Robert na sunduin si Yrris sa Zucchini University.
Lumabas sila sa Field ng laboratoryo kung saan nakaparada ang iba't ibang uri ng sasakyang pandigma.
“Pagbalik mo, Wang. Gagawa tayo ng baril na makapupuksa sa mga Zombies. Imbintuhin na rin natin ang gamot sa karamdamang ito,” sabi ni Robert sa kaibigan.
“Aasahan mo, Robert. Marcial, sasama ka ba?” Natuon ang tingin nito kay Marcial.
“H-hihintayin ko na lang po kayo rito, basta si Kyle isama niyo po ah,” tugon nito kay Wang.
“Haysstt... Oo nga pala, bakit pa nga ba ako nagtanong pa sayo,” inis na saad ni Wang kay Marcial.
Nagpa-peace sign na lamang si Marcial kay Wang saka ngumiti ng tipid.
“Ingat ka, Wang,” paalala ni Robert.
Tumango na lamang si Wang sa kaniyang kaibigan kasabay noon ay ang pag-andar ng sasakyan na nasa tabi nila.
Puno ng sundalo sa loob bilang proteksyon ni Wang. Nagsimulang itaas ni Wang ang kaniyang mga paa paakyat sa front seat ng sasakyan.
Kumaway pa ito kay Robert at Marcial bago tuluyang umalis ang sasakyan. Bigla umangat ang electric wire at kasabay noon ay ang paglabas ng sasakyang sinasakyan ni Wang. Nagpatuloy ito sa pag-andar hanggang sa tuluyang makalayo ito sa laboratoryo.
Samantala, si Kyle ay nagpatuloy sa paglalakbay hanggang sa matanaw na nga nito ang unibersidad na kanilang pinagmulan.
Nagpatuloy ito sa pagmamaniho ng kaniyang motorsiklo hanggang sa makarating ito sa building kung saan nila iniwan si Yrris.
Agad siyang bumaba at hinayaan na lamang ang motorsiklo. Agad siyang pumasok sa loob ng unibersidad habang hawak ang isang baseball bat.
Dahan-dahan at ingat na ingat ito sa bawat hakbang na nilalakad. Maswerte ito at tila walang mga Zombies sa dinaraanan niya.
Narating niya ang rooftop subalit wala sa siyang matagpuang Yrris. Tumambad na lamang sa kaniya ang mga Zombies na nakadapa at umaalolong.
“Yrris!” sigaw nito na umaalingawngaw sa buong rooftop.
Inilibot niya ang kaniyang mga mata subalit wala siyang makitang anino ni Yrris.
“Nasaan ka na? Yrris! Nandito na ako!” bulyaw muli nito subalit walang sumagot sa kaniya.
“Naluko na! Baka umalis iyon! Saan ko naman iyon hahanapin. Aaahhh! Bakit pa kasi ako nagpunta rito? Zombie na si Yrris bakit hindi na isip na hindi siya kakagatin ng mga kapwa niya. Patay ako. Patay!” may halong inis sa bawat tuno nito.
Muli, bumaba ito sa ground floor at sumakay sa motorsiklo niya. “Babalik na lang ako kina Peter. Pero hindi ako titigil, hahanapin pa rin kita Yrris.”
Nagsimula na nitong paandarin ang kaniyang motorsiklo at umalis sa unibersidad. Marami ng mga Zombies sa paligid subalit hindi ito tulad ng inaasahan, mahihina itong lumakad at tiyak na makakaiwas ka pa kahit pa nasa ilang metro na ang lapit mo sa kanila. Maliban na lamang kapag na-trap ka sa isang sulok. Tiyak ang iyong kamatayan kapag nagkataon. Sumunod na lamang ang mga ito sa kay Kyle.
Samantali, ilang oras ng nakaupo si Yrris sa isang bench sa isang park habang pinagmamasdan ang mga Zombies na naglalakad. Nakakalong baba na lamang ito at tila malayo ang iniisip.
Ilang araw na rin simula ng mahiwalay siya sa kaniyang mga magulang at tanggap na nito ang kaniyang kapalaran. Isa na siya sa mga Zombies na walang malay taong naglalakad. Wala na siyang pinagkaiba sa mga iyon.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Yrris. Bago tuluyang tumayo sa pagkaka-upo. Ilang oras na rin kas itong naroroon.
Nagpatuloy ito sa paglalakad, hindi niya mabatid kung saan siya tutungo pa. Nagpagitna pa ito sa kalsada at nagsisipa-sipa pa ng lata. Doon niya binunton ang kaniyang iniisip.
Patuloy at walang pakialam sa kaniyang paligid hanggang sa isang sasakyan ang sumilaw sa kaniya.
Napatabon ito ng kaniyang mga mata, kaya at tumabi na lamang ito. Gayunpaman, namilog bigla ang mga mata ni Yrris nang biglang huminto ang sasakyan.
“Yrris!” Isang pamilyar na tinig ang namuo sa kaniyang utak.
Napatingin siya sa pinagmumulan ng tinig at hindi nga siya nagkakamali. Si Wang nga iyon.
Bigla na lamang napakurba ng kaniyang mga labi si Yrris.
“Get in!” dagdag pa ni Wang.
Wala namang inaksayang oras si Yrris at agad na lumulan sa sasakyan. Bakas sa mukha ng katabi ni Yrris ang pagkabahala at pansin iyon ni Yrris.
“Rawr!” Napakislot ang katabi nitong sundalo sa gulat. “Hindi ako nangangagat,” sambit nito.
“S-s-sir, p-pwede po bang palit tayo riyan, a-ako muna riyan, Sir,” nanginginig pa nitong sambit kay Wang na agad naman nitong sinang-ayunan.
Nagpalit sila agad ng posisyon sapagkat tila maiihi na sa takot ang katabi ni Yrris.
Nang makapagpalit ay isang ngiti ang namutawi kay Yrris at Wang.
“Prof? Si-si Kyle po?” tanong agad ni Yrris kay Wang.
“Iyon nga eh, sinundan ka niya sa Zucchini University. Akala ko nandoon ka, patungo na kami roon!” paliwanag ni Wang.
Napayuko ng bahagya si Yrris at tipa nakaramdan ng lungkot. Hindi niya batid kung bakit basta ang alam niya ay may hindi tama sa kaniya.
“Huwag kang mag-alala, puntahan natin siya ngayon sa University,” sabi ni Wang.
“Sinong may sabing nag-aalala ako? Hindi no? Ako nag-aalala? Bakit? Why naman kasi mag-aalala ako? Paki ko roon!” walang pakundangang sambit ni Yrris.
Kaya at pinagtinginan siya ng dalawang sundalo maging si Wang ay ganoon na rin. Kunot ang kanilang mga noo at may bahid ng tanong ang kanilang mga mata.
Nang mapansinniyon ni Yrris ay tila nakaramdan ito ng hiya. “Ah Eh. I mean... Tara na, punta na tayonsa Zucchini.”
Sabay-sabay na nagpakawala ng ngiti si Wang at dalawang sundalo na kasama nila. Hindi mabatid ni Yrris kung para saan ang mga ngiting iyon kaya at itinuon na lamang niya ang kaniyang atensyon sa harapan ng sasakyan.
------