KABANATA 3

1261 Words
(Ang Aksidente) Third Person's Point Of View Sa isang malawak na lupain na umaabot sa 10 hektarya ang lawak ay doon nakatayo ang isang kilalang unibersidad na kilala sa tawag Zucchini University, isa itong pribadong unibersidad na pinamumunuan ng mga mayayamang businessmen. Ang daming mga facilities na nakatayo para sa iba't ibang departamento ng bawat kurso at may kataasan ang mga ito na may tatlo hanggang sa limang palapag na building. Umaabot sa million ang populasyon ng mga estudyanti sa paaralang ito at halos lahat ay nagmula sa mayayamang pamilya. Bigla nalang napahinto si Dr. Wang sa paglalakad sa loob ng unibersidad patungo sa silid ng kaniyang mga estudyanti nang biglaang tumunog ang notification ng kaniyang Cellphone. Dinukot niya iyon sa kaniyang suot na slacks at tinignan ang nakasulat. Bigla na lamang kumurba ang kaniyang labi sa mga nabasa niya mula sa notification niya. Notification iyon mula sa in-upload niyang video at sa mga sunod-sunod na email sa kaniya, gayunpaman, hindi niya muna iyon pinansin hanggang sa makarating na ito sa silid kung saan naghihintay ang kaniyang mga estudyanti. "Congrats, Professor Wang!" "Idol!" "Galing, scientist ka na ngayon, Sir!" "Congrats!" Sari-saring papuri ang sumalubong sa kaniya pagpasok niya sa loob ng silid. Mas lalong lumawak ang kaniyang mga ngiti na halos i-kapunit nang kaniyang mga labi. "Thank you, Everyone! Salamat," tugon nito sa kaniyang mga estudyanti. "Sir, how those ideas came from? I mean, paano niyo po naisip iyon? Ang galing lang kasi," tanong ng kaniyang estudyanti na bakas sa mukha ang pagkamangha. Sino nga ba ang hindi mamangha sa inbinsyong ito, wala ng tatanda at mananatiling bata ang katawan, lakas at hitsura ng isang tao lumipas man ang maraming taon. Naupo muna ang Doktor sa kaniyang upuan kaharap ang isang well-varnish na lamesa. Tumingin siya sa mga estudyanti. Isang malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan. Hindi niya batid kung sasabihin niya ba kung bakit o mananatili na lamang iyon sa kaniya. "It doesn't matter, by the way. Nandito ako para mag-klase, hindi para i-kwento kung paano ko ginawa ang gamot," paglihis nito ng usapan. "Nasaan na nga tayo sa lesson natin sa Biology?" dagdag pa nito. "Sir, nasa page 104 po, the parasite that can manipulate mind," sabi ng isa sa mga estudyanti sa loob malapit sa harapan ng professor. "Uhuh, yes. Tama si Sabrina... Nasa parasite na tayo," pagsang-ayon nito. "Sir, base nga po pala sa discussion natin last time. Is it really true na possible ang Zombie Apocalypse sa atin?" tanong ng isa sa mga estudyanti ni Dr. Wang. "Good question." Tumayo si Dr. Wang mula sa kaniyang pagkakaupo. Pinagmasdan lamang siya ng kaniyang mga estudyanti sa loob ng classroom. Kabisadong-kabisado na ni Dr. Wang ang lesson na i-tinuturo niya kaya't hindi na nakapagtatakang bihasa na ito sa pagpapaliwanag. "Yes, it is. The Researchers find out that there are 60% people around the world are infection with the parasite called Toxoplasma Gondi," paliwanag nito sa kaniyang mga estudyanti at bahagyang lumakad sa pagitan ng bawat upuan ng mga ito. "Toxoplasma Gondi? The parasite living in cat feces? Akala ko po sir hindi iyon nakakaapekto sa tao, sa animals lang," takang tanong ng isa sa mga lalaking estudyanti ni Dr. Wang. Napangisi si Dr. Wang at humarap sa nagsalita. "Yes, but remember that we are also an animal. This parasite attacked the brain function, but it was still not dangerous. Malay natin, isa na pala sa loob ng paaralang ito ay infected na ng T. Gondi? Sino ba mahilig sa pusa rito?" Biglang nagtaas ng kamay ang isang lalaki mula sa likod. "Sir, I! I love p***y!" Bigla na lang nagtawanan ang lahat sa kanilang narinig. Maging si professor Kalvin ay napangiti na rin sa birong iyon ng kaniyang estudyanti. "Anong p***y iyan, Cial huh? Kahit kailan, pasaway ka talaga eh no?" Napakamot na lamang ng ulo nito ang estudyanti at ngumiti ng nakaluluko. "Sir, paano po iyon makakaapekto sa tao? Hindi po ba talaga iyon mapanganib?" "As I told you, Zombie Apocalypse will possible if that parasite inside our brain will triggered by another parasite." "Yucks, parang ayaw ko na agad sa pusa ko, I hate Ming-ming na!" maarting bigkas ng isang babaeng estudyanti na halos punong-puno ng kolorete ang mukha. Nagtawanan ang lahat sa birong iyon ng babae, subalit bigla na lamang natigil ang lahat nang biglaang may kumatok sa pintuan ng kanilang silid. Natawag ang atensyon nila kaya't halos lahat sila ay nakatingin sa pintuan. "Professor Wang, ipinapatawag ang mga staff and faculties sa office. May urgent meeting raw po tayo." "Sige Professor Cally, susunod ako," sagot ni Dr. Wang. Nangiti na lamang si Professor Cally bilang tugon sa sagot ni Wang sa kaniya. "Sige..." Tumalikod ito sa pinto at sinimulang maglakad palayo sa loob ng silid. "Oh? Swerte naman niyo, magpapa-surprise quiz pa naman sana ako," nakangiting sambit ni Wang sa kaniyang mga estudyanti. Napahalakhak na lamang ang mga ito. Bakas sa mukha ng mga estudyanti ang tuwa ng malaman nilang wala silang magiging klase. "Sige, but before I leave I want you to read the next page 105 to 109. Next meeting natin magkakaroon tayo ng recitation." "Yes, Sir!" Bumalik si Dr. Wang sa kaniyang lamesa at kinuha ang dala niyang gamit. Ang kaniyang Laptop na nakasilid sa loob ng kulay itim niyang bag. Umalis ito ng silid at agad na binagtas ang daan patungo sa office kung saan sila magme-meeting. 'Teka? Tawagan ko kaya si Kalvin? Alam niya na kayang may meeting kami ngayon?' mga katagang lumabas sa isipan ni Wang. Kaya, agad niyang dinukot ang kaniyang Cellphone at tinawagan si Kalvin na agad naman nitong sinagot. "Hello, Kalvin," bati ni Wang. ["Dr. Wang, b-bakit?"] "May urgent meeting, pinapatawag lahat ng staff at faculties." ["Huh? Talaga? Sandali, papunta na ako riyan!"] "Bilisan mo, patungo na ako sa office." ["Sige-sige!"] Ibinaba na ni Wang ang kaniyang Cellphone at nagpokus na sa paglalakad. Pagkaraan ng ilang sandali ay nakarating na ito sa office at nadatnan ang mga co-professor niya na nag-uusap. Napatigil lang sila ng makitang pumasok na si Wang sa loob at nabaling ang atensyon ng lahat sa kaniya. Lahat ay may mga ngiti sa labi na agad namang sinuklian ni Dr. Wang. "Ikinagagalak naming may isa kaming kasamang scientist sa paaralang ito." "Chumamba lang po, Mister Principal," tipid na sagot nito. "Maupo ka na muna at may mahalaga tayong pag-uusapan..." Nangiti si Dr. Wang. 'VIP ang turin nila sa'yo kung alam nilang may mapakikinabangan sila.' mga katagang namutawi sa isipan ni Dr. Wang. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na paglalaan sila ng oras ng principal. Palagi kasi itong busy at mahirap mahanap sa loob ng campus, subalit ngayon ay humalang nagpakita ito sa kanilang lahat. Mauupo na sana si Dr. Wang nang biglang may malakas na sigaw na gumulat sa kanilang lahat. Sigaw iyon na hindi mo nanaising marinig sa tanang buhay mo. May kung ano sa sigaw na magpapatindig ng balahibo mo sa katawan. Bigla parang may pumitik sa dibdib ni Dr. Wang at kumalabog ang kaniyang dibdib sa hindi niya malamang dahilan. "Sir, Ma'am!" hingal na sigaw ng SSG president ng campus. Natawag ang atensyon nila sa estudyanting hingal na hingal at tagaktak ang pawis. "Bakit? Anong mayroon sa labas?" "Si Professor Kalvin Mcley po, nasagasaan ng sasakyan..." kapus hininga nitong paliwanag. Umugong ang ingay sa loob ng office. Nanlaki na lamang ang mga mata ni Dr. Wang at biglang tila nawalan ng dugo sa kaniyang mga narinig. ------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD