KABANATA 2

1014 Words
(Ang Sintomas) Professor Kalvin's Point Of View Ilang taon na rin ang lumipas simula ng turukan ako ni Dr. Wang ng imbinto niya gamot. Hindi ko alam na ako pala ang magiging subject niya sa experimentation niya. Yung kalbong Doktor na iyon. Naisahan ako? Mabuti na lang at mukhang effective ang gamot at tila walang masamang epekto sa akin. I was 37 years old now, but I still look young. Sabi nga ng mga katrabaho ko, para raw akong hindi tumatanda. Tinatanong nila ako kung anong ginagamit ko, ang nagiging sagot ko lang sa kanila. "Barita..." Hindi ko naman ma-i-kuwentong dahil iyon sa gamot na imbinto ni Dr. Wang, dahil sabi niya sa akin i-lu-lunch niya ito at siya mismo ang mag-i-introduce nito sa publiko, pero wala pa akong nakikitang hakbang mula sa kaniya. Siguro ay pinaghahandaan pa nito ang kaniyang gagawin. Ilang taon na rin akong ino-obserbahan ni Dr. Wang at ang laki raw ng improvement ko. Sabi niya, bumata raw ako sa hitsura at katawan ko at hindi ko naman itatanggi. Totoo ang lahat ng iyon. Napaupo ako sa aking kama habang hawak ang aking ulo. Medyo parang may tumutusok-tusok sa aking utak. Para akong naka-inom ng ilang bote ng alak. "Mabuti naman at gising ka na," boses ni Dr. Wang habang pinagmamasdan ako mula sa pinto. Doon ko lang nalaman na nasa loob na ako ng aking kuwarto. Napahawak ako sa aking kanang balikat sapagkat ramdam ko ang kirot sa bawat kilos ko. "A-anong n-nangyari?" Napatangin ako sa suot kong damit. Nanlaki bigla ang mga mata ko sa aking mga naisip. Ang alam ko naka-polo ako, bakit nakasando na lang ako ngayon? Ini-angat ko ang aking ulo at tinignan ng masama si Dr. Wang. "Anong ginawa mo sa akin?!" bulyaw ko, pero nanatiling walang emosyon ang mukha ni Dr. Wang. "Ni-r**e mo ako no? Nilagyan mo ng pampatulog iyong kape kagabi... At... Yung mga test paper? Hala... Yung test paper ko, hindi pa tapos! Dr. Wang naman? Anong bang ginawa mo sa akin? Hindi ko alam na may pagnanasa kayo sa katawan ko," usal ko at ini-harang ang kamay ko sa aking dibdib. "Buang ka... Hindi... Tsss... Ako? Magnanasa sa'yo..." Nag-akto ito na parang nasusuka. Napasalubong bigla ang aking kilay sa ginawa niyang reaksyon. "Iyong test paper mo, ako na gumawa kagabi..." dagdag nito. Napabuntong hininga ako sa aking narinig. Lumuwag bigla ang pakiramdam ko saka napabuga ng hangin sa aking ilong. "Pero iyong gamot na imbinto ko itinurok ko sa iyo." "Ano?!" Nanlalaki ang aking mga mata. "Oo, alam kung hindi ka papayag kapag i-pinaalam ko pa sa'yo kaya mas mabuting hindi ko na lang ipa-alam," depensa nito. "Paano Professor Kalvin... mauuna na ako sa University... Wala ka bang klase ngayong araw?" paalam ni Dr. Wang na nagpabalik sa aking ulirat sa kasalukuyan. Tinagnan ko lang siya. Nakasuot na ito ng formal attire. Ito kasi ang usually uniform ng mga professor sa University kung saan kami nagtatrabaho. Doon ko lang mamalayang kanina pa pala akong nakatulala sa hangin habang naka-upo sa dining area at patuloy na pinapaikot ang kutsara sa baso ko na noo'y wala pang lamang tubig. "W-wala pa naman akong klase ngayon, actually." Ngumiti ako ng tipid kay Dr. Wang. "Oh... Sana all..." Palabas na sana ito ng pinto nang bigla ko siyang tawagin kaya't muli siyang napatingin sa gawi ko. "Dr. Wang," I called him. "Bakit?" "K-kailan mo ipu-public yung imbinto mo?" Ngumiti ito ng napakalapad. Na halos mapunit na ang kaniyang mga labi. "Actually, naibinta ko na siya sa iba't ibang bansa." Nanlaki ang mga mata ko sa inusal niya. "Tika, bakit ngayon ko lang malaman? Bakit ngayon mo lang sinabi?" "Nagtanong ka ba? Hayssst... Don't worry... Hindi ko pa naman nakukuha iyong pera... Hati tayo roon tulad ng napag-usapan. In fact, i-introduce ko na rin dito ang gamot na iyon... Actually... Posted na nga sa FaceAklat yung video ng gamot eh. Check mo na lang..." paliwanag nito. "Ha?..." "Sige, bye na... Baka ma-late pa ako sa klase ko," paalam nito. He left me dumbfounded while my jaw partly dropped. Agad kong kinuha ang laptop sa aking kwarto at bumalik muli sa dining area. Pinanood ko ang in-uplaod na video ni Dr. Wang. I gulp. It was just 5 hours ago, but it reaches million of views, shares and comments. Napahawak ako sa aking labi at pinisil-pisil iyon. Kalaunay isang ngiti ang lumabas sa aking labi. Sa wakas, yayaman na rin ako kapag nagkataon. Maraming mga mayayaman at kilalang tao ang nagko-komento sa in-upload ni Dr. Wang. Mukhang interesadong-interesado ang mga ito sa gamot. Habang nanonood ay bigla na lang akong makaramdam ng pagkahilo. Parang may kung anong pumitik sa aking utak na hindi ko maintindihan. Bigla kong tiniklop ang aking laptop at napatingala saglit habang pikit ang aking mga mata. Napahawak ako sa aking sentido ng bigla na lamang magreklamo ang aking tiyan. Ang lakas ng tunog na i-kinagulat ko pa, kasabay noo'y ang biglaan kong pagkauhaw at pagka-gutom. Dali-dali akong pumunta sa refrigerator malapit lamang sa dining area kung saan ako naka-upo. Hindi ko alam kung bakit gutom na gutom ako gayong kakain ko lang ng agahan. Nang buksan ko ang refrigerator, wala akong ibang nakita kung hindi ang isang buong hilaw na karne na nakabalot pa ng plastik. Bigla na lang akong natakam at kinuha iyon at kinain ng tuluyan. Wala akong pakialam, ang gusto ko maibsan ang pagkagutom ko. Patuloy ako sa pagkain hanggang sa bigla na lamang akong nakaramdam ng pagkahilo na parang umiikot na ang buong paligid ko. Hirap man ay tumayo ako upang tumungo sa loob ng aking kuwarto upang magpahinga. Pagtayo ko ay bigla na lamang tumunog ang aking likuran. Medyo mahapdi iyon parang napunit yata ang puwetan ko sa lakas ng pagkakautot ko. Pero hindi ko na iyon pinansin. Zigzag aking nagtungo ng kwarto at ibinagsak ang aking sarili sa malambot kong kama. ---------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD