KABANATA 4

1198 Words
(Ang Outbreak) Ilang minuto ang lumipas ay bumubuti na ang pakiramdam ni Kalvin subalit ramdam pa rin nito na tila gumaan ang kaniyang pakiramdam. Hindi niya mabatid kung ano ang nangyayari sa kaniya dahil sa ngayon niya lamang ito maramdaman sa tanang buhay niya. Nang makabawi ay umupo ito sa kaniyang kama at itinakip ang mga kamay sa mukha at umiling-iling. Bigla siyang naduwal sa kaniyang sunod na na amoy. Nailayo niya ang kaniyang kamay sa mukha at pinagmasdan iyon. "Yaks! Inihawak ko pala ito kanina sa karne! Anong nangyayari na sa akin? Ang sakit ng ulo ko. Ng baywang ko. Ng tuhod ko..." Napangiti ito ng ma-realize ang mga katagang sinasambit niya. "Sexbomb... Sexbomb... Sexbomb..." Sinabayan niya pa ito ng pag-bump ng dibdib. Kalaunay bigla siyang napatigil nang marinig niya ang tunog ng kaniyang cellphone mula sa dining area. Napabalikwas ito at agad na nagtungo roon upang sagutin ang tumatawag. Si Dr. Wang iyon, sinabi nito na may urgent meeting sila kaya't medyo nataranta si Kalvin. Dali-dali ay pumunta na ito sa loob ng bathroom upang mag-ayos ng kaniyang sarili. Walking distance lamang ang University at alam niyang makaaabot pa siya. Ilang sandali lamang ay nakapag-ayos na ito at naghanda ng pumasok sa unibersidad. Kasalukuyan pa nitong inaayos ang kaniyang butones habang naglalakad at hindi na pinansin ang nilalakarang kalsada. Lakad-takbo ang kaniyang ginawa upang madali itong makarating subalit nang malapit na ito sa gate ay isang pangyayari ang hindi niya inaasahan. Isang rumaragasang Black Toyota ang gumulat kay Kalvin. Sinubukan pa sana nitong humilag subalit masyadong mabilis ang sasakyan. Tumama ang baywang nito sa harapan ng sasakyan at napatilapon sa gilid ng kalsada. Tumama ang ulo nito sa semento dahilan kaya't nawalan ito ng malay. "Hoy! Hala! Hoy!" sigaw ng guwardya malapit sa gate ng unibersidad nang makita nito ang nangyari. Agad siyang lumabas upang tignan ang lagay ng professor gayunpaman, hindi na siya hinintay ng drayber ng sasakyan. Hamarorot ito at iniwan ang walang malay na si Kalvin. Umagos ang sariwang dugo mula sa ulo ni Kalvin dahil sa pagkaka-untog sa matigas na kalsada nang tumilapon ito. May ilang mga estudyanti na ring nagsilapitan at pinagmasadan ang nakataub na si Kalvin. Agad naman dinukot ng guwardya ang kaniyang cellphone at tumawag ng ambulansya. "Tabi! Diyan lang kayo sa loob, walang lalabas," paliwanag ng guwardya subalit hindi natinag ang mga estudyanti. Wala ng nagawa ang guwardya sa mga susunod na nangyari. Marami ang lumabas upang kumuha ng litrato at video. "Huwag niyong lalapitan, tama na! Okay?! Tama na, balik na sa loob!" Humarap siya sa mga estudyanti upang papasukin ito sa loob ng Campus. "Tumabi ka nga, hindi kami makakuha ng magandang shots!" protesta ng mga estudyanti sa kaniya. "Ayaw niyong sumunod?! Ha?! Tama na?! Gusto niyo bang mabuhay muli ang professor na ito at sawayin kayo?!" sigaw ng guwardya na nagpatigil sa mga ito. Napangiti ang guwardya na animo'y nagmamalaki dahil sa sumunod ang mga ito sa kaniya. Namutla ang mga estudyanti at hindi nakagalaw sa kinatatayuan. Para silang nakakita ng multo at tinakasan na ng mga dugo. "Ano?! Pasok!" sigaw nitong muli. Nangiginig na itinuro ng mga estudyanti ang kinaroroonan ni Kalvin. Dahan-dahan humarap ang guwardya at gayon na lamang ang pagkalampag ng kaniyang dibdib sa sunod niyang nakita. "Po-po-professor? A-a-ano? Ba-bakit ka nakatayo? Hindi ba patay ka na?! Huy? Prank? Prank-prank?" Tumitig si Kalvin sa guwardya at laking gulat nila ng makita ang kulay ng kaniyang mga mata. Kulay puti ang bumalot dito at isang dot ng itim na animo'y nunal. Napalunok na lamang ang guwardya ng kaniyang laway. Nanlamig bigla ang kaniyang pakiramdam. Nagkatotoo ang sunabi niyang gumising ito. Nang pagmasdan ito ng guwardya ay patuloy pa rin sa pag-agos ang dugo sa kaniyang ulo na hindi na pinapansin pa ng professor at tila wala na ito sa sariling katinuan. "Professor?" Bigla na lamang naglakad ng pabalang si Kalvin palapit sa guwardya. Agad niya namang itong sinalubong upang alalayan sana ito subalit nang makapapit ang professor ay agad siyang niyakap at kinagat sa leeg. Naghiyawan ang mga estudyanti sa kanilang nasaksihan. Nabalot ng takot ang lahat ng mga estudyanti. May ilang pumasok muli sa loob ng campus habang ang ilan ay tumakbo palayo sa unibersidad. Patuloy sa pagkagat si Kalvin sa guwardya. Umagos ang sariwang dugo mula sa leeg nito habang patuloy sa pagkagat si Kalvin na parang isang gutom na gutom na hayop. Nanlaban pa sana ang guwardya subalit mas malakas ang professor. Hindi na ito nakapalag pa hanggang sa tuluyan itong manghina at bumagsak ang katawan sa matigas na kalsada. Natigil lamang si Kalvin sa pagkagat sa leeg ng guwardya nang makita ang isang babaeng estudyanti na nakatingin pa sa ginagawa nito. Nakatulala at nangiginig ang mga tuhod, tila hindi niya maihakbang ang kaniyang mga paa at napako na lang sa kinatatayuan. Siya na lamang ang nandoon at nanonood sa ginagawa ng professor. Hindi na halos maipinta ang hitsura nito at sunod-sunod na paglunok ng laway ang kaniyang ginagawa. Nang mapansin ito ni Kalvin ay agad itong tumayo, lumagutok pa ang mga buto nito sa baywang. Subalit, hindi niya na ito pinansin pa. Humarap ito sa babae at naglakad patungo roon. "Professor Kalvin huwag kang lalapit! Tatawag ako ng pulis!" banta nito subalit hindi siya pinapansin ng professor. Naglakad pa rin ito palapit sa kaniya. "Sisigaw ako ng r**e! r**e! r**e! Ah! Ah! Nire-r**e ako ni Professor Kalvin! Doctor, Pulis!" sigaw nito at hinawi ang palda saka sinubukan iyong punit-punitin. Lumapit pa ang professor at isang dipa na lamang ito. Doon lamang naigalaw ng babae ang kaniyang paa at kumaripas ng takbo papasok sa loob ng Campus. Agad siyang sinundan ni Kalvin. Samantala, nagkamalay na rin ang guwardya at tulad ng professor ay gayon na rin ang nangyari sa kaniya. Infected na ang mga ito at wala na sa sariling katinuan. Minanipula na ang kanilang pag-isipan at hindi na nila iyon ma-control. Samantala, patungo naman sina Dr. Wang at iilan pang mga faculties at staffs sa krimen nang makita at mapansin nilang nagsisitakbuhan ang mga estudyanti. "Anong nangyayari? Bakit?" tanong ni Dr. Wang subalit hindi siya pinansin. Patuloy sa pagtakbo ang mga estudyanti at mababakas ang takot sa kanilang mga mukha. "Anong mayroon? Bakit kayo nagsisitakbuhan?" tanong muli nito sa mga estudyanti subalit muli ay walang pumansin sa kaniya. Napatiim bagang ang Doctor saka napabungtong hininga. Bigla niya nalamang hinatak ang isang estudyanti, sumisigaw pa ito kaya't binigyan niya iyon ng sampal sa pisngi. Napaupo ang estudayanti pero agad ding tumayo at aktong tatakbo muli kasabay ang pagsigaw, pero hinatak siyang muli ni Wang at sinampal muli. "Bakit ba?!" ubos lakas na sigaw ng estudyanti sa mukha ni Wang. Ramdam ni Wang ang iilang talsik ng laway sa kaniyang mukha. Napapikit ito at pinunasan ang mukha ng tuyo niyang palad. "Ang lakas ng loob mong sumigaw sa akin?! Bakit kayo tumatakbo at nagsisigaw!" Napahalukipkip ang estudyanti at tila nanliit. "Bakit ka nanampal?" nakasimangot na sambit ng estudyanti na animo'y hihikbi na. "Bakit ka sumisigaw?!" "Bakit ka nanampal?!" "Bakit ka sumisigaw?!" "Bakit ka nanampal sabi eh?!" "Kapag hindi ka tumigil tatamaan ka ng kamao ko." "Iyong professor ng section 3C sa fourth floor ng Soc-Stud, nangangagat at parang wala sa sarili." Biglang nanlamig si Dr. Wang sa narinig. "Huh? Si Kalvin iyon ah?! Hindi ba na... na?" Hindi na siya pinatapos pa ng estudyanti, umalis na ito sa harapan ni Wang. Hinayaan na lamang ito ng doktor. Mula sa malayo ay natanaw ni Wang si Kalvin na hinahabol ang isang estudyanting babae. Tila wala nga ito sa sariling pag-iisip. Nanlaki ang mga mata ni Wang sa kaniyang mga nakita at mas lalo pang lumaki nang makita niyang dumadami na ang tulad nito papasok sa loob ng gate. Patakbong tumungo si Wang kay Kalvin, subalit hindi niya ito maabutan. Mabilis kahit na kikiang-kiang ito. "Kalvin!" sigaw ni Wang habang inililibot ang mata sa buong campus. Hanggang sa masulyapan nito ang likod ni Kalvin. Papasok ito sa loob ng building na tila may sinusundan. Hindi na nagdalawang isip pa si Wang at sumunod na rin ito. Sa pagtakbo nito ay kitang-kita niya ang iilang mga estudyanti na hindi na normal. Kinakagat na nila ang kapwa nila estudyanti kaya't mas lalo pang nagmadali ang Doktor. Samantala, patuloy naman sa pagsunod si Kalvin sa babaeng estudyanti hanggang sa umabot nga sila sa rooftop ng building. Wala ng iba pang matatakbuhan ang babae. Natigil ito malapit sa gilid ng building. Habang si Kalvin ay patuloy sa paglakad palapit sa kinaroronan niya. "Professor, huwag mo akong lalapitan magpapakamatay ako? Sige, ididimanda kita!" ubos lakas na sigaw ng babae. Ngunit, walang lumabas sa bibig ni Kalvin kung hindi ang isang tuno na animoy lion na boses. Mas lumapit pa ito sa babae hanggang sa makalapit nga ito. Yumakap ang professor sa kaniya. "Oh M G! Ang bango mo pa rin professor. Shook kinikilig ako ah! Sige! Yakapin mo pa ako... Ano ba, huwag diyan Ahahaha... Nakikiliti ako," sabi nito na tila tuwang-tuwa pa sa ginagawa sa kaniya ng professor. Hinampas niya pa ito ng mahina sa balikat. Biglang nagalit si Kalvin at sinakmal ang leeg ng babae dahilan kaya't napasagaw ito ng malakas. Kasabay noo'y ang pagnguya ni Kalvin ng balat na sumama sa kaniya pagkagat. Itinulak ng malakas ng babae ang professor. Napa-atras ito dahilan kaya't nakahanap ng paraan para makatakas. Tumakbo ito ng mabilis habang sapo ang leeg nitong patuloy na umaagos ang sariwang dugo. Halos mandilim ang kaniyang paningin. Mabuti na lamang at hindi na siya sinundan pa ni Professor Kalvin. Mula sa hagdan pababa sa groundfloor ng building ay patuloy na lumukad ang estudyanti. Napapahawak ito sa railings at tila halos mahihinatay na. Pinagpapawisan ito ng malamig hanggang sa isang hakbang pa ang ginawa nito ay tuluyun siyang napaluhod sa lupa kasabay ang pagpulandit ng dugo sa kaniyang leeg at umabot iyon sa dingding ng building. Nabahidan ng pula ang puting pintura nito hanggang sa bigla na lang bumagsak ang babae ng pataub. Bumaha ang dugo sa sahig kung saan siya naroroon. Nadatnan naman ni Dr. Wang ang babae na nakataub at wala ng malay. Napahinto ito upang tignan ang estudyanti. Halos maligo na ito sa sarili niyang dugo. Amoy na amoy ni Dr. Wang ang langsa at amoy kalawang na nagmumula sa dugo ng babae. Nangulubot ang kaniyang ilong at napatakip na lamang ng bibig sapagkat tila babaliktad ang sikmura nito. "Miss, huy! Miss? Buhay ka pa ba?" Hinawakan nito sa balikat ang babae at inalog-alog iyon subalit bigo si Wang. Inilibot ni Wang ang kaniyang paningin at agad niyang nasulyapan ang dugo paakyat sa hagdan, mula iyon sa babae. Humarap siya roon at humakbang sa unang hagdan habang nakatingin sa itaas. "Kalvin?!" Humakbang pa ito, hanggang sa hindi nito mapansing nagising na pala ang babae sa likod niya. "Kalvin?!" sigaw ng Doktor subalit walang sumasagot. Nakapagtataka rin kasi parang wala ng mga estudyanti pa sa building. Bigla na lang may humawak sa balikat ni Wang. "Ah! No! No!" Hinawakan ni Wang ang kamay ng babae at saka hinarap ito. Sasakmalin na sana siya nito pero madali niyang naigalawa ang kaniyang kamay. Binigyan niya ng malakas na sampal ang babae dahilan kaya napayuko ito. Napatigil si Dr. Wang habang nanlalaki ang mga mata at nakatingin sa babae. "Sorry lang! Hindi ko sinasakya. Ayos ka lang?" Humarap ang babae sa kaniya at doon napagmasdan ni Dr. Wang na kulay puti na ang kulay ng mata ng babae. "Aaaah!" Biglang tinabig ni Wang ang babae. Napaupo ito sa sahig, pagkakataon na nito para nakatakas. Bababa na sana ito sa ground floor pero bigla siyang hinawakan ng babae sa paa dahilan kaya't nadapa ito at tumalsik ang pustiso nito sa malayo. Napatihaya ito at tinignan ang babae na ngayo'y papalapit na sa kaniya. "Tulong!" sigaw ni Wang. Bigla siyang sinakyan ng babae sa tiyan saka nagmistulang nangangabayo. Kakagatin na sana nito sa leeg ang Doktor, pero nahawakan niya ito sa baba at iniangat iyon. "Tulong! Iyong pustiso ko! Tulong!" sigaw nito. Patuloy pa rin siya sa pagpigil sa babaeng nagwawala na tila wala na sa sariling katinuan. Napakalakas nito at hindi iyon normal sa isang babae. Nabahidan ng dugo ang uniporme ni Dr. Wang. Hanggang sa isang iglap lamang ay bigla na lamang may humampas sa ulo ng babae dahilan kaya napatilapon ito sa malayo. "Sir Wang?" "Ivan! Ivan! Thank you!" yumakap ito kay Ivan na sumagip sa kaniya. "Tara na po, kailangan nating umalis," paliwanag ni Ivan. "Ano bang nangyayari? Bakit? Ang gulo? Wala akong maintindihan?! Anong nangyayari? Sandali hindi ako handa sa ganito." Tarantang-taranta ang doktor habang nagsasalita. "Hindi ko rin po alam, Sir Wang," sagot ni Ivan. Bigla na lamang gumalaw muli ang babae. "Ayan! Buhay pa! Hampasin mo ulit! Tika? Ang pustiso ko hanapin natin." Nagpalinga-linga ito hanggang sa matagpuan na nga niya ito. Agad niya iyong dinampot at muling isinuksuk sa kaniyang bibig. "Tara," aya ni Ivan. Bababa na sana sila ng groundfloor pero may mga papasok na tulad ng babae. "Sa kabila tayo dumaan!" "Umm!" Tumango si Ivan sa sinabi ni Wang. Tumakbo sila sa corridor patungo sa kabilang hagdan, pero napatigil sila bigla at nanlaki na lamang ang mga mata nang makasalubong nila ang iba pang mga estudyanti na nagsisigawan at patungo rin sa kanila. Nagkasalubungan sila at ilang minuto pang nagkatitigan. "Ah Ivan my Friend! Doctor Wang!" "Marcial!" sigaw ni Ivan. "Trap na tayo dito, wala na tayong mababaan!" sigaw ni Sabrina na kasama nila, isa sa mga estudyanti ni Dr. Wang. "Dito! Dito muna tayo magtago! Sa loob ng classroom! Pasok! Pasok!" sigaw ni Dr. Wang kasabay ang pagbukas ng pintuan ng classroom. Nasa labing isa silang lahat at mababakas sa kanila ang takot. Ikinulong nila ang kanilang mga sarili sa loob at nanatiling tahimik ng ilang minuto. Hanggang sa rinig na rinig nila ang boses ng mga infected mula sa labas ng pinto. Nang makalagpas ito ay isa-isa silang malalim na napabuntong hininga at naupo na lang sa sahig na parang naubusan ng lakas. Pawis na pawis ang mga ito at pagod na pagod sa mga pangyayari. _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD