KABANATA 12

2253 Words
(Ang Pagbabalik) Ilang oras na nagmaniho si Kyle ng kaniyang motorsiklo hanggang sa muli itong makarating sa bahay nina Peter. Pabagsak niyang iniwan ang motorsiklo at agad na kumatok sa pintuan. “Peter! Cripssen? Nandiyan pa ba kayo?” sigaw nito mula sa labas ng pintuan habang patuloy na kinakatok ang pinto na gawa lamang sa kahoy. Patuloy ito sa pagkatok hanggang sa ito ay buksan ni Peter. Napalaki pa ito ng kaniyang mga mata sapagkat hindi niya inaasahang babalik pa si Kyle sa kinaroroonan nilang magkasintahan. Madali siyang pinapasok ni Peter sa loob. “Nahanap mo na ba ang hinahanap mo?” agad na bungad nito kay Kyle. “Hindi pa, wala na siya sa Zucchini University. Baka umalis na iyon doon,” sambit ni Kyle, mabanaag na buo pa rin ang desisyon niyang hanapin si Yrris. “Ano na ang balak mo ngayon, Kyle?” si Cripssen na ang nagtanong na noon ay nasa kanang bahagi ni Peter habang hawak ang braso ng kasintahan. “Hihingi ako ng tulong, pupunta ako sa laboratoryo kung saan ako nanggaling,” tugon nito. Nagkatinginan sa isa't isa ang magkasintahan bago nila muling ibinalik ang mata kay Kyle. “Kung gano‘n marami pang tao sa labas ng lugar na ito?” hindi makapaniwala ni Peter. “Oo naman, marami mula sa pinagmulan ko. Tika, bakit hindi na lang kayo sumama sa akin? Magiging ligtas kayo roon, maraming mga sundalo roon na po-protekta para sa atin,” sambit ni Kyle. May halong pangungumbinsi ang tinig nito. Muli ay nagkatinginan ang dalawa. Kitang-kita ang pag-iling ni Cripssen, hudyat na hindi ito sumasang-ayon sa plano ni Kyle. “Babe,” humarap siya sa kasintahan saka sinapo ang mukha nito. “Kailangan nating sumugal, mamatay tayo sa gutom kapag nag-stay pa tayo rito,” malambing na sambit ni Peter. Pinagmasdan lamang sila ni Kyle. “I am scared, paano kung mapahamak tayo?” “Wala ng lugar ang takot sa panahong ito, Babe. Kailangan natin mabuhay. Kailangan nating sumugal, kaakibat ng pagsusugal ang pagkapahamak. Saka, huwag kang mag-alala. Kasama mo ako, proprotektahan kita, pangako iyan,” punong-puno iyon ng sinseredad. Napayakap na lamang si Crepssin kay Peter na agad naman niyang sinuklian. Kapagkuwan ay muli silang humarap kay Kyle na mataman lamang silang pinagmamasdan. “Sasama kami, mag-aayos lang kami ng dadadalhin,” paalam nito sa binata. Tumango na lamang si Kyle bilang tugon kay Peter. Pagkatapos ay nilisan nila ito sa sofa. Ilang sandali naman ay bumalik sila sa kinaroroonan ni Kyle. Nakabihis na ang dalawa at handa na sa paglalakbay. Tumayo na rin si Kyle mula sa pagkakaupo at nagtungo na agad sa pinto saka iyong pinihit ng dahan-dahan upang buksan. Wala ng masyadong Zombies sa labas, may mangilan subalit malayo ito sa lugar. Agad na binuksan ni Kyle ang pinto at lumabas. Sumunod naman agad sa kaniya sina Peter. Bakas sa mukha ni Cripssen ang pag-aalala habang tila hindi magkamayaw ang kaniyang mga mata na kamamasid sa buong paligid. Mahigpit din ang hawak nito sa braso ng kasintahan at ramdam iyon ni Peter kaya at ipinulupot nito ang kaniyang braso sa balikat ng kaniyang kasintahan. “Iyon, may sasakyan, sumakay na tayo!” sambit ni Kyle kasabay ang pagturo nito sa kotseng nakaparada. Kulay abuhin ang katawan nito at mababakas na tila maayos pa ang lagay nito. Agad silang lumapit sa kotse, walang sinasakyang na oras si Kyle at mabilis na binuksan ang pinto subalit napasigaw silang lahat ng biglang may sumakmal sa braso ni Kyle mula sa loob. Halos mapatalon naman sa si Cripssen habang si Peter ay napalaki na lamang ng mata. Agad na hinawakan ni Kyle ang buhok ng Zombie na kumagat sa kaniya at iniumpok ang ulo sa matigas na bahagi ng sasakyan. Hinila niya iyong ng mabilis at inilabas sa sasakyan. “Pasok!” sigaw ni Kyle. Binuksan naman ni Peter ang passenger seat at iniuna na ang kaniyang nobya saka muling isinara ang pinto ng sasakyan maging ang windshield nito. Si Kyle naman ay pumasok na sa loob upang magmaniho, isinara niya rin ang pinto. Kinapa nito ang parte ng kaniyang katawan kung san kinagat ng Zombie. Umalon bigla nang mabilis ang kaniyang puso ng mapag-alama g wala siyang sugat. “Wala akong sugat! Paanong nangyary—” Unti-unti niyang itinuon ang kaniyang mata sa Zombie mula sa labas na kumagat sa kaniya. Humagalpak ito sa tawa ng makitang bungi at walang ngipin ang Zombie. Napakunot-noo naman sina Peter, may bahid ng tanong ang kanilang mga mata. “Anong nangyari?” takang tanong ni Peter. “Wala ng ngipin iyong kumagat sa akin,” natatawa nitong sambit, kitang-kita ang galak sa mukha at kaniyang tinig sapagkat hindi ito magiging Zombie. “Mabuti iyan, maaari bang tara na. Umalis na tayo rito!” takot ang mababanaag sa tinig ni Cripssen. Tumango si Kyle, sinipat nito ang kaniyang harapan, subalit bigla na lamang nanlaki ang kaniyang mga mata. “Wala iyong Susi!” saad nito. Sinubukan niyang hanapin iyon sa harapan niya at maging sa pocket ng mga sasakyan. “N-n-nasa baywang ng Mama.” Itinuro ni Cripssen ang baywang ng Zombie sa pintuan bahagi ng kanilang sinasakyan. Lalabas na sana si Kyle pero inunahan siya ni Peter. Kaya at walang nagawa si Kyle kung hindi ang isara muli ang sinasakyan niya. “AAAAAHHHH!” umalingawngaw ang sigaw ni Peter. “PETER!?” may pag-aalalang tinig ni Cripssen. Binuksan ni Kyle ang Windshield sa kabilang bahagi ng sasakyan upang tignan ang lagay ni Peter. Nanlaki ang mga mata nilang dalawa nang makita nilang may kumakagat ng Zombie sa likod ni Peter. Maaninag sa mukha nito ang sakit na nararamdaman niya sapagkat halos tila mayupi ang mukha nito sa kangingiwi. Gayunpaman, bigla niyang hinablot ang susi sa baywang ng mama at pinilit ang sariling makalapit sa bintana ng sasakyan. Hindi na napigilan ni Cripssen ang kaniyang sarili at pumatak ang kaniyang mga luha sa mapupula nitong pisngi. “Peter, no!”Patuloy sa pagtagas ang mga luha ni Cripssen. “Kyle!” Itinapon nito ang susi kay Kyle. “Ingatan mo si Cripssen para sa akin!” Hinahayaan na nito ang Zombie na kumakagat sa kaniyang likod at mas nag-pukos na sa amin, sa pamamaalam niya. Natawag din ang atensyon ng ilan pang mga Zombies kaya at lumapit na rin sila patungo kay Peter. “No, Peter. Pumasok ka na sa loob!” “Hindi Peter, pumasok ka sa loob, tara na!” sigaw ni Kyle. Umiling si Peter saka tumingin kay Cripssen, hawak nito anv kaniyang labi at patuloy sa pag-iling habang humagalhul. “Be safe, Babe. I love you,” sambit nito sa kasintahan. Mababakas na tila nahihirapan ito sa pagsambit ng kataga, pinipigil ang sariling sumigaw. “Ingatan mo siya Kyle! Protektahan mo ang Girlfriend ko, alam kong hindi ko na iyon magagawa pa,” anito kasabay ang paglandas ng luha sa kaniyang mga mata. Wala namang ibang naging bukambibig si Cripssen kung hindi ang salitang “Hindi” habang umiiling. “UMALIS NA KAYO!” sigaw nito na nagpabalik ng ulirat ni Kyle. Mabigat ang loob ni Kyle na pinaandar ang kotse. Bago umalis, isang ngiti ang namutawi kay Peter. Ngiti ng pamamaalam. Umalis sila sa lugar. Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong paligid na halos dumurog sa puso ni Cripssen. Tila may tinik na bumaon sa kaniysng dibdib. “PETER! HINDI! AAAAHHH! BALIKAN NATIN SIYA KYLE! PLEASE!” Napapikit ito ng kaniyang mga mata, pinipigil ang mga luhang kanina pa naguumapaw, subalit tila may sariling utak ang mga ito at hindi niya kayang pigilin pa. Mahigpit na napahawak si Cripssen sa foam ng sasakyan at sumigaw ng malakas. Wala namang nagawa si Kyle kung hindi ang hayaan na lamang si Cripssen sa pagtangis. Mabigit din ang kaniyang loob sa nangyari, hindi niya inaasahan abg bagay na iyon. Samantala, dumating naman ang grupo ni Wang sa Zucchini University. Dali-daling lumabas ang mga sundalo dala ang kanilang mga baril. Hinaloghug nila ang kabuuan ng unibersidad subalit wala silang mahanap na Kyle. Kaya napagdesisyonan na nilang umalis at lisanin na ang lugar. Umalis sila ng may tila hindi maipaliwanag na nararamdaman si Yrris sa kaniyang dibdib. Hindi niya batid kung ano ito sapagkat ang hirap niyon intindihan para sa kaniya. Gayunpaman, makalipas ang ilang oras ay nakarating naman sina Yrris ang Wang sa laboratoryo. Isa-isang bumaba ang mga sundalo mula sa likod ng sasakyan, maging ang kasama nina Wang sa front seat. Sabay namang lumabas sina Yrris na nagpagulat sa lahat ng nandoon. Napako ang kanilang mga mata kay Yrris. Inilibot na lamang nito ang kaniyang mga mata sa paligid at halatang namamangha ito sa kaniyang nasasaksihan. Nang mapansin nitong halos lahat ng tao sa loob ay sa kaniya nakamasid. Pumike siya ng isang ngiti at kumaway na lalong nagpamangha sa lahat. “Prof Wang, ganito pala kapag sikat ka, ang daming nakatingin sa'yo, tingnan mo. Parang sobrang ganda ko at lahat sila nakatitig sa akin,” bulong nito kay Wang. Napangiti naman si Wang sa biro ni Yrris. “Halika na sa loob, may taong gusto kang makilala, Yrris,” anito. “Sige!” tugon nito saka nagdaop ng palad at ngumiti. Pumasok sila sa loob ng laboratoryo kung saan naghihintay si Robert. Tulad ng nauna, umiinom na naman ito ng alak. “Robert,” tawag ni Wang, napatingin sa kaniya si Robert. Biglang napako ang mata nito sa kasama ni Wang, si Yrris. “S-s-siya na ba iyon?” mababanaag ang pinaghalong takot at pagkamangha sa tinig nito. “Hello po,” sabi ni Yrris kasabay anv pagkaway ng mga kamay. “Oo, siya nga, si Yrris. Yrris, si Robert, ang kaibigan ko,” pakilala ni Wang. “Hmmm... Interesting.” Tumayo si Robert sa pagkakaupo at nilibot ang tingin kay Yrris, sinisipat nito ang buong katawan ni Yrris at tila sinusuri. Nakakipit ang kaniyang kanang kamay habang ang kaliwa nito ay nakahawak sa kaniyang baba. Hinayaan lamsng ni Yrris kahit pa tila naiilang na ito. Nang makalibot ay muli siyang tumingin sa mukha ni Yrris. “She looks as normal, but his eyes are not. At... Maganda.” Napatitig si Wang kay Robert. “Parang umi-epekto na yata ang alak na iniinum mo Robert,” biro ni Wang. “Biro lang, maupo kayo,” alok nito. “But, I admitted. Maganda ang batang ito, kung hindi lang siguro sa mata at sa pananamik nito ay iisipin kong normal siya tulad natin,” paliwanag nito. “S-s-salamat po, Sir Robert,” tugon ni Yrris kasabay ang pagpihit ng buhok sa kaniyang tainga. “Halika, maupo tayo, Yrris,” alok ni Wang. Wala namang sinayang na oras si Yrris at umupo na ito sa Sofa. “S-si Marcial?” tanong ni Yrris. “Oo nga? Nasaa na ang batang iyon, Robert?” “Ay eh, baka nasa labas,” tugon nito saka nsgbuhos na ulit ng inuming alak. Wala si Marcial sa lugar, masyado kasing malawak ang buong lugar kaya at maraming maaaring mapasyalan. “Anong nangyari sa'yo bago ka naging Zombie?” wala sa isip na tanong ni Robert. “N-na-aksidente po ako, kasama ang kaibigan ko. Hindi pa po namin alam na magkakaganito, na infected na po pala ang mga tao, ayon may sumigaw po sa school namin, tapos ito.” Pinakita niya ang sugat niya sa kamay kung saan may lamat pa rin ng ngipin. “Kinagat ako. Nagising na lang po ako nang maaksedinte ako na hindi na ako normal,” paliwanag nito. Napatango-tango si Robert kay Yrris, hudyat naintindihan niya ang tinuran sa kaniya ni Yrris. “Saka, kaya siya nagkaganiyan at hindi tulad ng ilan na wild at dahil sa kaunti lamang sng present ng parasite sa utak niya. Her heart doesn't beat, Robert at nakakamanghang buhay ang utak niya kahit hindi ang puso,” sabat na paliwanag ni Wang. “Parasite? What do you mean, Wang?” tanong ni Robert sa kaniya nang may kulobot ang noo. “Yes, Robert. This parasite is still unrecognized, pero kaya nitong kontrolin ang function ng utak nv tao kahit na hindi gumagana ang puso natin sa pagtibok. Kapag namatay ang host nila, sila ang magta-take over,” paliwanag ni Wang sa kaibigan. Wala namang nagawa si Yrris kung hindi ang makinig at tumitig na lang sa dalawang scientist na nasa harapan niya ngayon. Ipinaliwanag ni Wang kay Robert ang lahat maging kung paano mapapatay ang mga ito. “Kung iyon ang paraan para mapuksa ang mga salot, dapat magawa natin ang mga ito sa lalong madaling panahon,” walang alinlangan sa tinig nito at mababakas ang kapursigiduhan. Patuloy sila sa pag-uusap nang biglang may tumawag mula sa likod ni Yrris. “Yrris!?” Hindi lumingon si Yrris at tila napako sa kinauupuan. May bigla kumurot sa kaniyang dibdib na hindi niya batid. Kilala at pamilyan ang boses na iyon sa kaniya. “YRRIS IKAW NGA!” Hindi pa rin ito lumingon, bigla na lamang itong mamula na nagpalaki ng dalawang scientists sa harap niya. Lumapit bigla si Wang kay Yrris at hinawakan ang kamay niya. “HAHA! TUMUTIBOK ANG PUSO NI YRRIS! IT'S BEATING! MAY PULSO NA SIYA!” galak nitong bungad na ikinalaki lalo ng mata ni Robert at tila nawala kabigla ang kalasingan. Kapagkuwan ay bigla na lamang tila umikot ang pakiramdam ni Yrris at doon muli niyang naramdaman ang hangin mula sa kaniyang ilong, subalit hindi iyon nagtagal at muli ay kabigla na lamang itong nawalan ng malay tao. Napahiga na lamang ito sa sofa ns kaniyang kinauupuan. --------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD