KABANATA 13

2246 Words
(Ang Muling Pagkikita) Hindi malaman ni Kyle ang kaniyang gagawin kung paano patatahanin si Crepssin sapagkat kanina pa ito umiiyak. Hindi niya batid kung paano sisimulan ang mga salitang bubuksan para kausapin ito. Nanatili na lamang siyang walang imik habang pinagmamasdan ito mula sa front mirror. “Kasalanan mo ito eh! Kung hindi kami sumama sa iyo, hindi mangyayari iyon kay Peter! Ikaw! Kasalanan mo ito! Kasalanan mong lahat!” paninisi ni Crepssin kay Kyle, mababanaag ang poot sa kaniyang mga binibigkas na kataga. “Wala na tayong magagawa, hindi ko rin ginusto ang nangyari, Crepssin,” sagot na lamang nito sapagkat hindi niya mabatid ang kaniyang sasabihin. Napahagulgol na lamang si Crepssin kasabay ang ubos lakas na sigaw na humalingawngaw sa loob ng sasakyan. Ni hindi niya na magawang patahanin ang kaniyang sarili sa tuwing naaalala ang kasintahan. Sinong mag-aakalang ganoon ang kasasapitin ni Peter. Hindi iyong halos matanggap ni Crepssin. Nagpatuloy naman sa pagmamaniho si Kyle hanggang sa umabot sila sa isang pader at agad na napatigil doon nang ilang saglit. Nakaharang ang mga electric wire na binangga niya noong umalis siya sa lugar na ito. Muli na naman nila itong inayos upang magsilbing proteksyon sa mga Zombies. Ito na nga ang quarter na tinutukoy ni Kyle. Ang safe na lugar kung saan pinamumunuan ni Robert at ng mga sundalo. Pinagmasdan muna ni Kyle ang paligid subalit tila abandonado ito kung titignan. Walang mababakas na tao sa buong paligid. “Nandito na tayo,” sabi ni Kyle sa kaniyang kasama. May halong pag-aalala sa tinig nito sapagkat hindi niya batid kung ito na nga iyon. Ngayon niya lamang ito makita ng ganoon kalapit simula ng mapadpad siya rito sakay ang Chopper. Pilit na inayos ni Crepssin ang sarili at pinahid ang mga luha sa kaniyang mga mata at pisngi. Inilibot muna ni Kyle ang kaniyang paningin sa paligid upang siguraduhing walang Zombies sa labas. Nang matantong wala nga ni isa ay naglakas loob na itong lumabas sa sasakyan. “Mga survivor kami!” sigaw ni Kyle mula sa labas. Hindi niya batid kung may nakikinig ba sa kaniya mula sa loob. “May kasama ako!” dagdag pa nito. Lumabas na rin si Crepssin mula sa backseat ng sasakyan dala ang kaniyang bag. Wala pa ring sumagot sa kanila kaya nagkatinginan na ang dalawa. “Ito ba talaga iyon, Kyle? Paano kung puro Zombies na rin ang nasa loob?” pag-aalala ni Crepssin. “Maghintay pa tayo, nasisigurado ko ito na iyon, hindi ako maaaring magkamali,” saad nito sa kasama. Maya-maya pa lamang ay bumukas nang bahagya ang gate. Napangiti si Kyle kaya inutusan na si Crepssin pumasok na sa loob ng sasakyan upang maiparada na ang sasakyan sa loob ng laboratoryo. Wala inaksayang oras si Kyle at agad na pumasok sa loob kasabay noon ay ang muling pagsara ng gate na gawa sa electric wire. Awtomatiko na itong nagsasara nang mag-isa dahil sa remote control. Pumarada si Kyle sa isang malawak na lugar kung saan napapaligiran ng iba’t ibang uri ng sasakyan. Makikita sa paligid ang mga armored vehicles at ilang mga sundalo na nagbabantay sa paligid. Agad na may lumapit sa kanilang dalawa at sinunuri ang mga mata nila upang siguraduhing hindi sila infected ng kumakalat na sakit. “Sir, nandito pa po ba sina Professor Wang at ang kasama niyang estudyante rin po?” agad na tanong ni Kyle sa sundalong nagsusuri sa kanila. “Oo, kausap nila si Sir Robert, may kasama nga silang babae eh. Maganda, kaso mukhang infected,” matigas na sagot ng sundalo sa kaniya na nagpabagting ng kaniyang tainga. “Talaga po?” mababanaag ang galak sa kaniyang tinig. Napakunot ng noo ang sundalo sa naging reaksyon niya. Tila bigla kasing sinilihan ang kaniyang puwet at gusto na agad makaalis sa kinatatayuan at puntahan sina Professor Wang. Si Crepssin naman ay nanatili itong walang imik sa isang tabi at nakatulala na lamang. Malayo ang tingin at halos wala sa sariling pag-iisip. Hindi niya mawari ang kaniyang gagawin sapagkat tila pinagbagsakan ito ng langit at lupa dahil sa pagkamatay ng kaniyang kasintahan. “Nasaan po sila ngayon, Sir?” “Nasa loob, sige na pumunta na kayo roon,” paliwanag ng sundalo sa dalawa bago ito tuluyang tumalikod sa dalawa. Nagpasalamat naman si Kyle sa kaniya bago tuluyang makaalis. “Tara Crepssin, puntahan na natin sila,” anyaya ni Kyle kay Crepssin. Nanatili namang walang gana at imik na sumama si Crepssin sa kaniya. Wala na rin naman siyang magagawa kung hindi ang tanggapin ang katotohanang wala na ang kasintahang minahal niya ng sobra. Napagpatuloy na lamang silang dalawa sa paglalakad patungo sa loob ng laboratoryo. Samantala, hindi pa rin nagkakamalay si Yrris simula nang siya’y mawalan ng malay tao. Bigla kasing tumibok ang puso nito dahilan kaya nabigla ang katawan niya at nawalan ng malay. “Prof anong pong nangyari sa kaniya? Bakit nawalan ng malay si Yrris?” tanong ni Marcial nang marating ang kinaroronan ng dalawang professor at ni Yrris. Nakita niya kasi si Yrris na napahiga na lamang bigla sa sofa ng tawagin niya ito. “Hindi rin namin alam eh. Namula itong bigla tapos nagka-pulso. Bihira kami maka-encounter ng ganito since bago ang sakit na ito, kailangan pa namin ng further examination para matukoy ang lahat ng mga ito, sa ngayon, observation lang ang magagawa namin,” paliwanag ni Wang sa kaniya. Umupo naman si Marcial katabi si Yrris na nakahiga lamang. Pinagmasdan niya ito nang mataman saka hinawakan sa balikat. “Yrris? Hoy? Gising na, Yrris!” sabi nito. Niyugyug niya iyon subalit hindi pa rin ito nagigising. Hinawakan niya ito sa kamay at pinulsuhan niya. Napalaki agad siya ng mga mata ng matantong walang pulso si Yrris. “Prof, wala na siyang pulso, naku, revive niyo naman. I-CPR niyo na, dali na! Ako na gagawa?! Ako na?” may pag-aalala nitong tinig sapagkat nakita niyang relax lang ang dalawang professor at walang ginagawa habang pinagmsmasdan si Yrris na walang malay. Bigla naman siyang nakatikim ng mahinang sapok mula kay Professor Wang. Bahagya naman iyong ikatawa si Robert habang nakatingin sa kanilang dalawa. “Baliw ka nga, hindi nga nagkakapulso iyan dahil sa isa na siyang Zombie, patay na iyan at tanging utak na lang ang gumagana,” walang ganang paliwanag ni Wang. “Aray naman kasi, Prof. Pwede namang ipaliwanag iyon ng hindi nananapok? Hindi ba? Saka, malay ko bang hindi pala nagkaka-pulso si Yrris?” “Ang OA mo kasi, Marcial! Ang dami mong dahilan! Magtigil ka na nga? Saan ka ba nagsusuot?!” sigaw ni Professor Wang na nagpatigil kay Marcial at tila nanliit na lang. Bigla namang tumayo si Yrris at tila nagulat sa sigaw ni Professor Wang. Kasabay noon ay ang pagbulwak ng dugo mula sa kaniyang bibig at natapon lahat sa mukha ni Marcial. Nang imulat ni Yrris ang kaniyang mga mata ay napatili ito nang sobrang lakas. “May Zombie sa harap ko! Aaaaaahhh! Get me out of here!” sigaw nito. Napakamot ng ulo si Marcial saka dahan-dahang hinilamusan ang mukha gamit ang mga tuyong palad. “Ew! Yaks ka, Yrris! Ako ito! Si Marcial!” sigaw nito. “Marcial?” Napagalpak naman ng tawa sina Robert at Wang sa kanilang nasaksihan tila hindi pinoproblema ang kalagayan ng mundo. “Kadiri ka! Ah! Bakit mo ako sinukahan?! Wala pa naman na akong maipampapalit!” Hindi ito halos makapaniwala at magkamayaw kakapahid ng mukha. Salong-salo niya lahat maging ang uniporme niya ay nabahidan din ng dugo. Kulay itim at patay na ang mga ito. May mga s**o-s**o na rin roon. “S-s-sorry,” paghingi ng paumanhin ni Yrris. Natuloy naman sa pagtawa ang dalawang professor na halos ikaubos na ng kanilang hininga. “Sorry?! Iyon lang?! Kainis ka! Ugh!” Tumayo ito mula sa kinauupuang sofa at agad na umalis ngunit hindi pa man ito nakakalayo ay napansin niya na sina Kyle na paparating. “Kyle, my Friend!” sigaw nito. Agad na napalingom si Yrris at napatayo pa sa kinauupuan subalit bigla ring nanlumo nang makita niyang may kasamang babae si Kyle. Si Marcial naman ay napatulala na lang kay Crepssin at nalaglag ang panga. Napatitig naman si Kyle kay Yrris ng ilang minuto. Tila biglang kumislot ang kaniyang dibdib at halos marinig na niya ang kaniyang puso mula sa pagtibok. “Kyle!” sigaw ni Wang na nagpabalik ng ulirat nilang lahat. “Mabuti naman at nakabalik ka pa, saan ka ba nanggaling bata ka? Hinanap ka pa namin sa Zucchini University pero hindi ka namin makita,” agad na bungad sa kaniya ni Wang. “Guys! I feel my head is aching, kayo na muna rito at iidlip lang ako. Wang, bukas na natin pagpaplanuhan ang gagawin nating pamatay sa mga Zombies,” hindi na halos ma-klaro at garalgal na ang tinig ni Robert. Tinamaan na ito ng kalasingan sapagkat kanina pa ito umiinom ng red wine. “Inom ka kasi ng inom eh. Sige na, ako na ang bahala rito. Matulog ka na sa silid mo,” sagot ni Wang. Tumalima naman agad si Robert saka kumaway sa mga kausap. Pa-zigzag itong maglakad patungo sa isang pinto. “Pumunta pa kayo ng Zucchini, Prof? Pumunta rin po ako roon para sunduin si...” napatingin siya kay Yrris na noon ay nakatingin sa malayo at iniiwas ang mata. “Yrris... Tika, bakit may dugo sa bibig mo?” Lumapit ito kay Yrris at pinunasan iyon gamit ang tuyong palad. Nagkatitigan naman silang dalawa at tila natigil sa pag-ikot ang mundo nila. Hindi nila pinansing may taong nakatingin sa kanila. Bigla namang napahagulgol ng iyak si Crepssin sa kaniyang nakita at tila naalala niya ang kaniyang kasintahan. Madalas kasi nilang gawin ang bagay na iyon ng kaniyang kasintahang si Peter. “Babe? Bakit, ha? May nanakit ba sa’yo? Tell me where it hurts, Baby. Come, tell me...” sabi ni Marcial saka lumapit na rin kay Crepssin at niyakap iyon nang mahigpit. Tila nakiayon naman si Crepssin sapagkat napayakap na rin ito kay Marcial na ikinatuwa niya pa at palihim na ngumiti. “Lord is this a sign?” dagdag niya pa. “Ang babata niyo pa ang lalandi niyo na,” pagputol ni Wang sa kanilang lahat na nagpabalik ng kanilang ulirat. “Umayos nga kayo, may mga dapat pa tayong problemahin,” sabi nito. Isa-isa silang nag-ayos ng sarili habang si Marcial ay nakaakap pa rin kay Crepssin. “Hoy, Marcial tama na,” saway ni Wang sa kaniya. “Hindi pa siya okay, kailangan niya ng yakap ko,” sabi nito habang nakapikit. Hindi napansin ni Marcial na hindi na pala si Crepssin ang yakap-yakap niya nang mahigpit. “Tama na nga iyang yakap mo sa bag ni Crepssin,” sabi ni Kyle kaya napamulat ito ng mata at napansing katabi na ni Kyle si Crepssin at bag na lamang ang kayakap nito. “Ah Prof, siya nga po pala, si Crepssin po, siya po at ang kasintahan niyan si Peter ang tumulong sa akin, sa kanila po ako tumira, na-aksidente po kasi ako at kung hindi dahil sa kanila baka isa na ako sa mga gumagala sa labas,” paliwanag nito. “Bakit kasi kailangan mo pang lumabas?” bungad ni Yrris. “Safe ka naman na rito eh? Bakit mo pa ako babalikan?” Hindi agad nakasagot si Kyle sa kaniya at napatitig na lamang. “Mabuti nga’t nakabalik ka pa rito ng buhay,” putol ni Wang sapagkat batid niyang hindi halos maibuka ni Kyle ang kaniyang bibig. “Taken ka na pala, Crepssin?” malungkot na bungad ni Marcial. “Nasaan na shota mo, bakit hindi mo siya kasama?” Muli ay humikbi na naman si Crepssin at hindi na sumagot. “Hoy, bakit?” Lumapit ito at hinawakan sa balikat si Crepssin. Imbis na tumahan ay mas lalo pa itong humikbi nang malakas. “Namatay si Peter nang paalis na kami, pinagpistahan siya ng mga Zombies,” paliwanag ni Kyle sa kanilang lahat. Tila bigla namang lumiwanag ang mukha ni Marcial sa kaniyang narinig at niyakap na lang nang mahigpit si Crepssin. “Okay lang iyang, Bebe. Okay lang iyan,” sabi ni Marcial saka hinaplos nito ang likod ni Crepssin upang patahanin ito. “Marcial, are you comflirting her?” sabi ni Yrris saka hinawakan sa balikat si Marcial at itinulak upang harapin si Crepssin. “Crepssin ako si Yrris,” sabi nito na ikinagulat pa ni Crepssin. Tila bigla itong tinakasan ng dugo sa kaniyang nakikita. “I-i-infected ka?” sabi nito at saka pinahid ang kaniyang mukha sapagkat punong-puno na iyon ng luha. Inayos na lamang ni Marcial ang kaniyang sarili sapagkat may mga dugo pa rin ang mukha niya na unti-unti ng natutuyo. “Yes, I am. Pero hindi ako tulad ng iba na kumakagat like, ew! Hindi ko bet mangagat ng tao ‘no. No!” maarte nitong sabi kaya tila parang nakaramdam ng kaunting pag-asa si Crepssin sapagkat hindi lang siya nag-iisang babae sa lugar. “I am so-sorry for your lost,” sabi nito. Bigla naman siyang yumakap kat Yrris nang mahigpit at umiyak sa mga balikat nito. Pinagmasdan na lamang sila ng tatlo habang magkayakapan nang mahigpit na aakalain mong wala ng bukas. “No one can really understand women, but a woman too,” saad ni Wang habang nakamasid sa dalawang babaeng nagyayakapan. Napatango naman si Marcial at Kyle bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Wang. -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD