Third person point of view
“Solstice, where are you?!” sigaw ng manager niya habang magkatawagan silang dalawa.
“I’m on my way, traffic mamsh.” naiiritang sambit ni Sol sa manager niya, at pinatay ang tawag. Dali dali siyang nag park at lumabas ng kotse para pumunta sa floor kung saan mangyayari ang photoshoot.
“Hi everyone, I'm late.” sambit ni Sol at nilapag ang mga gamit sa sofa.
“No worries ma'am, come here, I'll start doing your make up.” sambit ng makeup artist sakanya, huminga muna siya ng malalim at umupo na sa harapan ng salamin.
“You are really beautiful madam, you stand out among the models worldwide, aren't you planning to try pageantry?” tanong ng makeup artist sakanya na si Amanda.
“Nah, I don't like pageant that much.” sagot ni Solstice habang naka pikit dahil nilalagyan na ng eyeshadow ang lid ng mata niya.
“Oh, I just thought you'll do good, you're beauty and brains.” nakangiting sagot ni Amanda. Ngumiti si Solstice at hindi na sumagot.
“Come, come!” palaklak ng head ng company na siyang nag babantay sa photoshoot ni Solstice.
“You know what to do, Solstice.” sambit niya.
“Yes, I got this.” tango ni Solstice, pumunta na siya kung saan pag dadausan ang photoshoot niya. Halos isang oras siyang nag popose doon ng kung ano ano.
“Okay! That's the end of our photoshoot, the shots are magnificent. You're really good.” puri ng manager sakanya, ngumiti naman si Sol at pinuntahan ang kaibigan niya na kararating lang kanina.
“Tumatawag ang mommy mo, may ginawa ka ’no?” duda sakanya ng kaibigan niyang si Heiraya.
“What? None.” sagot pabalik ni Sol sa kaibigan at kinuha ang cellphone para tawagan pabalik ang kanyang ina.
“Yes mom? ha? why? okay, bye.” mabilis natapos ang pag uusap nila ng kanyang ina, napaupo ito na tila nanghihina sa tabi ng kaibigan.
“Oh anong sabi?” tanong sakanya ni Heiraya.
“Pinapauwi ako ng pinas.” naiiyak na sambit nito at natawa naman si Heiraya.
“I guess, kailangan ko na rin umuwi ng pilipinas, masyado akong nawili rito sa paris.” sambit ni Heiraya kay Sol, tumango si Sol at nakipag beso sa kaibigan dahil aasikasuhin pa nito ang passport niya.
*
“Hi mom, dad.” bati ni Solstice sa magulang na parehong nasa kusina, nag aayos ng mga pagkain, parehong chef ang mga magulang kaya palaging masarap ang hinahaing pagkain sa hapagkainan.
“Hi anak.” bati ng ina, pero hindi maharap ng maayos ang anak dahil sobrang abala nila sa pag aayos ng dining table.
“Hi baby.” bati ng ama at niyakap si Sol, yumakap pabalik si Sol sa ama.
“May celebration ba? Andaming foods.” nagtatakhang tanong ni Solstice sa magulang, wala na ang kaibigan nito dahil dumiretso na ito sa kwarto niya pagkatapos bumati sa magulang.
“We have visitor later, dress beautifully and sabihan mo rin si Heiraya para hindi mag tuloy tuloy ang tulog niya.” sambit ng ama niya, tumango naman si Solstice at nagpaalam na siya papuntang kwarto niya, magkaharapan lang ang kwarto nila ni Heiraya.
Kumatok ang dalaga sa kwarto ni Heiraya, binuksan ni Hei ang pintuan niya, sabog na sabog ang buhok ang bumungad kay Sol kaya natawa ito.
“Dress beautifully later at dinner, we have visitors, sabi ni daddy.” natatawang sambit ni Sol habang nakatingin sa kaibigan.
“Okay, matutulog na ako ulit.” antok na antok na sambit ni Hei.
“Hey! Mag prepare kana! Isang oras nalang dinner time na.” paalala ni Sol kay Hei, tumango lamang ito at sinarado ang pintuan pag talikod ni Sol.
Pumasok si Sol sa kwarto niya at nilabas ang mga damit niya, sumabog sa kama ang mga dress na pwede niyang suotin mamaya.
Matagal niyang tinignan ang tatlong dress na pinagpipilian niya, nakuha ng pansin niya ang isanb puting above the knee length fitted dress, tube style ito kaya nagustuhan niya.
“Okay, ito nalang.” mahinang bulong niya sa sarili at kinuha ang damit, binalik niya sa maleta niya ang mga damit niya at itira ang napili niya sa kama, pinili niya ang isang 3 inches silver heels para sa susuotin mamaya.
Dumiretso siya sa bathroom ng kwarto niya para maligo na.
“Sway me~ Make me ~” mahinang pagkanta nito sa paborito niyang kanta habang naliligo.
“I can hear the song of violin~”
Mabilis natapos ang dalaga sa pag ligo, Lumabas itong naka roba lang at isinuot na ang damit niya, para hindi na magulo ang buhok niya mamaya.
Sinimulan niya ang paglalagay ng mga kolorete sa mukha niya, ito ang isa sa mga natutunan niya sa pag momodelo, iba’t ibang istilo ng pag me make up, kaya kahit siya lang mag isa, kaya niya. Pagkatapos niyang mag lagay ng pulang lipstick, isinuot na rin niya ang heels niyang susuotin niya, pagkatapos ay pinalantsa niya ang buhok niyang hanggang balikat lang, at ang bangs niya.
Matapang ang mukha at presensya ni Solstice, kabaligtaran ng pangalan niya. Kaya minsan natatakot sakanya ang iilan, at iyon ang naging tulay niya para maka akyat sa tuktok, naiiba siya sa modelo sa Paris, nakilala siya sa matapang niyang mukha, na kinahumalingan ng lahat.
Kinatok siya ni Heiraya Kaya binuksan niya ang pintuan, contrast ang suot nila, long sleeve black dress ang suot ni Hei.
“Let’s go? May nakita na akong dumating na mga sasakyan, I think iyon na ang mga bisita.” sambit ni Hei sakanya, tumango naman si Sol at biniro ang kaibigan.
“Baka daddy mo talaga ang bisita?” natatawang sambit ni Sol habang nakatingin kay Hei, kitang kita niya ang pag kunot ng noo ni Hei kaya lalo siyang natawa.
“Ano namang gagawin nung matandang ’yon dito, tsaka ibang tao eh.” sambit ni Hei, bumaba silang dalawa at dumiretso sa dining area. Bumungad sakanila ang mga mukha ng mga taong hindi nila kilala.
“Anak, this is Mr. and Mrs. Handerson, and ang nag iisang anak nila, Zevian Handerson.” pakilala ng ina ni Solstice sakanya, ngumiti ng tipid ang dalaga at tumango.
“Greetings, gentlemen, mademoiselle.” sambit ni Solstice, at natuon ang paningin niya sa lalaking kanina pa nakatingin sakanya, hindi niya alam bakit pero may tingin sa mata nito na humihigop ng atensyon niya.
Tinaasan niya ng kilay ang binata at umupo sa tabi ng kaibigan.
“Hindi ko alam na dalawa pala ang dalaga ninyo.” natutuwang sambit ni Mrs. Handerson habang nakatingin sa'min ni Hei.
“Unfortunately, she's not ours. Pero parang anak na rin namin siya dahil kaibigan siya ng anak namin.” nakangiting sagot ng ama ni Sol habang kumakain, patuloy ang pagkain nila habang naguusap usap ang mga nakakatanda, tahimik lang si Hei, Sol at Zevian.
Naagaw ang atensyon nilang lahat ng tumikhim ang ama ni Zevian, itinigil ni Sol ang pagkain at tinuon ang atensyon sa lalaki.
“Nandito kami para hingin ng aking anak na lalaki ang kamay ng anak na babae ng mga Harts, matagal na itong napag planuhan, at ang kasal niyo ay nakatakda sa susunod na dalawang buwan.” sambit ng lalaki na nakapagpa gulat sa dalaga.
Nais kwestyunin ng dalaga ang mga magulang pero nang makita ang ngiti ng dalawa, pinilit niyang ngumiti at sumangayon sa kagustuhan ng mga ito.
“Bukas na kayo lilipat sa condo na titirhan niya. Please be good to each other.” sambit ng ama ni Zevian. Tumango si Sol at pilit na ngumiti.
“Yes dad.” napipilitang sambit din ni Zevian, dahil pareho silang walang magawa.
Lumipas pa ang ilang oras bago napag desisyunan ng mga Henderson na magpaalam na, dahil lumalalim na rin ang gabi.
“Bueno, mag papaalam na kami kumpadre.” sambit ni Den, ang ama ni Zevian.
“Mag iingat kumpadre.” sagot ni Henry, ama ni Sol.