Third person point of view
“Start packing your things anak, bukas na bukas din ay aalis kana rito, magsasama na kayo ni Zevian sa iisang condo.”
“Yes mommy.” matamlay na sagot ni Sol at tumalikod na ito para pumunta sa kwarto niya.
“Let me help you.” sambit ni Heiraya sa kaibigang parang lantang gulay na naglalakad.
“What if masama ugali niya?” naiiyak na tanong ni Solstice kay Heiraya na tinawanan ng kaibigan.
“Parang hindi, he look ruthless yes, pero mukha naman siyang mabait.” pampa gaan ni Heiraya sa loob ni Sol.
“Aish, never mind. I'm not kind either.” umirap si Solstice at deretsuhang pumasok sa kwarto niya para mag impake.
“Yeah, you're not kind either.” naiiling na pag sang ayon ni Hei sa kaibigan.
Magiging sakit lang ng ulo ni Zevian ang kaibigan ko, nasa isipan ni Heiraya papasok sa kwarto ni Sol.
“Ilang maleta na balak mong dalhin?” tanong ni Hei kay Sol.
“I think three nalang?” alanganing sambit ni Sol.
“Okay, ayaw mo ba sakupin walk in closet niyo ng magiging asawa mo?" Natatawang tanong ni Heiraya na nakapagpa ikot ng mata ni Solstice.
“I wonder what will happen to us tomorrow? Argh, this is so sad.” gigil na sambit ni Solstice habang nag lalagay ng mga damit sa maleta niya.
“Kung kulang pa ang mga damit mo, ayain mo nalang mag mall asawa mo.” nang aasar na sambit ni Heiraya.
“Gaga, anong asawang sinasabi mo r’yan?” iritang tanong ni Sol.
“Okay, Sol nalang. Gwapo siya, mukhang magaling sa kama.” tumatawang sambit ni Heiraya at lumayo kay Sol nang tumalim na ang tingin ng dalaga sakanya.
“Hey, it's just a joke. Mamimiss kita, baka bumalik nalang din ako sa condo ko, wala kana rito eh.” sambit ni Hei at humiga sa kama at nag kunwaring tulog.
“I’m a virgin pa kaya ’no.” sagot ni Sol habang sinasarado ang zipper ng mga maleta niya.
“Ayaw mo non, sa asawa mo ibibigay ang bataan mo?" Sambit ni Heiraya.
“Bataan what? What are you saying?” clueless na tanong ni Sol sakanya.
“Bataan? Virginity girl.” sagot ni Heiraya at hinampas ng unan si Sol.
“Hey! Masakit!” gigil na sagot ni Sol at kumuha ng unan para gumanti ng hampas, nag hampasan sila ng unan hanggang sa mapagod sila, tumatawa silang nahiga sa kama at natulala sa kisame.
“I’ll miss my room” humihikbing sambit ni Sol. Niyakap siya ni Heiraya.
“I told you, disobey your parents kung ayaw mo sa pinapagawa nila sa'yo, ikaw ang nahihirapan.” sambit ni Heiraya.
“I can't, I love them, you know that.” bulong ni Sol.
“Tara, tulog na tayo. Tabi tayo." Tumatawang sambit ni Heiraya at nauna pang umayos ng higa sa kama ni Sol.
“Goodnight Hei.” bulong ni Sol.
“Goodnight Sol.” bulong pabalik ni Hei, at sabay silang hinila ng antok.
Naunang nagising si Sol kaya dahan dahan siyang kumilos para lumabas, siguradong nag hahanda na ang mga maid ng pagkain, maagang umaalis ang mga magulang niya dahil maraming five star restaurants silang pinapatakbo.
Isang magaling na chef din si Solstice, pero mas pinili niyang tahakin ang mundo ng pag momodelo.
“Magandang umaga senyorita” bati ng isang kasambahay sakanya.
“Good morning manang, may pagkain na po ba?” tanong niya.
“Opo, nasa kusina na po, pinapasabi rin po pala ni senyora na susunduin ka ng fiance mo.” sagot ng kasambahay, tumamgo si Sol at dumiretso na sa kusina para kumain. Pagkatapos niyang kumain napag desisyunan na niyang maligo dahil baka parating na ang susundo sakanya.
Nag suot siya ng kulay pink na long sleeve dress, sinuklay niya ang buhok niya at binlower ito. Nauna na nilang ihatid ang mga gamit ni Sol kaya shoulder bag nalang ang dadalhin niya, dala ang mga ids niya and cash.
Bumaba na ito at lumabas na, nakita niya na ang kotse ni Zevian sa harapan ng gate, kaya dere deretso siyamg lumabas. Bumaba sa kotse niya at pinag buksan si Sol pintuan ng kotse, kitang kita ang pag lakbay ng mata niya sa kabuuan ng dalaga.
“Good morning” bati sakanya ni Sol bago ako pumasok sa kotse niya.
“Good morning too” sagot niya pabalik at umikot para maka sakay na sa kotse.
“Saan mo gustong pumunta? Sa condo na o gusto mo munang bumili ng mga gamit sa condo?" Tanong ni Zevian kay Sol.
“Hm, I don't know. Hindi ko pa nakikita ang condo, baka sa condo na muna.” sagot ni Sol na hindi tinitignan ang binata, tumango si Zevian at mag maneho patungo sa condo nila.
“We’re here” maikling sambit ni Zevian, sabay silang lumabas ni Sol at umakyat papunta sa floor nila. Binuksan ni Zevian ang condo, sumalubong kay Sol ang condo na walang buhay.
“This place is so lonely naman.” bulong ni Sol sa sarili niya at humarap kay Zevian.
“What color do you like?” tanong ng dalaga.
“Nothing in particular.” maikling sagot ng binata.
“I like pastel colors, is it okay to paint the whole unit pastel?” tanong ni Sol kay Zevian na titig na titig sakanya.
“Hm, let's do that.” tumatangong sambit ng binata.
“Let’s set a schedule since I'm planning to work na, pero hindi ko pa alam anong work hahanapin ko.” sambit ng dalaga, at kumuha ng papel at ballpen.
“What job do you want?” tanong si Zevian sakanya.
“Hm? I still don't know, I don't want to try modeling here in the philippines, maybe chef or something?” alanganing sagot ng dalaga at bumalik sa pwesto niya kanina.
“By my secretary, para malapit ka lagi sa'kin.” sambit ni Zevian.
Gulat na napabangon ng tingin si Sol sakanya at napaisip na. Hindi ba ayaw niya ang kasal na ’to, baliw ba siya?
“Huh?! Don't you have your secretary?” tanong dalaga sakanya.
“None as of the moment. Let's do schedule now, you'll be my secretary so buong araw tayong nasa bahay, ikaw let's do reverse, ako ang mag luluto ng breakfast, ikaw sa hapunan, kinabukasan ikaw ang mag luluto ng breakfast, ako ang sa hapunan. Get it?” sambit ni Zevian, tumango si Sol.
“I have a set of rules here. Rule number 1, walang makikielam ng mga gamit.” basa ni Sol sa rule niya.
“Okay let's do that, no other man while you're with me.” madiing sambit ni Zevian na tinanguan ni Sol.
“Don’t fall in love.” huling sambit ni Sol na nakapag pangisi kay Sol.
“Sure let's do that, what will be the consequences if ever someone will fall in love?” tanong ni Zevian.
“Wala akong maisip.” sagot ni Sol.
“Huwag na tayong mag lagay ng consequences, just don't fall in love. We'll share bedroom, we both know na we don't like this arranged marriage, pero wala tayong magagawa.” naiiling na sambit ni Zevian.
“Let’s file an annulment after 5 years of marriage.” sambit ni Sol, napatigil si Zevian sa pag pirma sa papel pero ipinilih nito ang ulo niya. At napaisip. Paano kung matagal na siyang hulog sa dalaga? Love at first sight? Corny, ani Zevian sa isipan niya.
Isinulat ni Sol ang huling sinabi niya at pinirmahan, nilagay nila ito sa safe na nasa kwarto nila.
“Let’s buy some furnitures tomorrow, naka leave ako ng 3 days.” sambit ni Zevian.
“I don't want to work as a secretary, can I just stay here?” biglang sambit ni Sol nang maisip ang bigat ng trabaho bilang sekretarya.
“Yes, you can do that.” tango ni Zevian.
“Okay, thank you enemy.” irap ni Sol.
“Enemy what?” natatawang tanong ni Zevian sakanya.
“I thought you're against of this marriage s**t, why I think you're enjoying?” pinasingkit ni Sol ang mga mata niya.
“Agree or not, wala akong magagawa dahil napag desisyunan na nila, I'll just enjoy being the fiance of the most highest paid model around the world.” nang aasar na sambit ni Zevian.
“I hate you.” asar na sambit ni Sol.