Kabanata 1

1310 Words
Third person point of view  “Solstice where are you?!” galit na sambit ng manager ni Solstice nang mapagalamang wala ito sa condo niya. “Nasa mall mamsh, nagli libot libot, ang boring sa condo ko.” sambit pabalik ng dalaga habang tinatakasan ang mga bodyguards niya. “Ipapaalala ko lang sa'yo ha, baka nakakalimutan mo na. You're the highest paid model around the world, tapos gagala ka mag isa sa mall? Binibigyan mo talaga ako ng sakit sa ulong bata ka.” nanggigigil na sambit ng manager niya mula sa tawag sa telepono. “Yeah yeah, nag iingat naman ako mamsh, hindi mo kailangan mag alala.” sambit ng dalaga at pumasok sa hallway na maraming tao. Sa gilid siya dumaan para hindi siya mahagip ng mga bodyguards niya, pero paglingon niya, saktong dumapo sakanya ang tingin ng isang bodyguard at tumakbo palapit sakanya, nanlaki ang mata niya at dali daling tumalikod para tumakbo, pero may nakabanggaan siyang lalaki, sa sobrang pagmamadali niya nahatak niya ang lalaki patakbo. “Hey miss, what do you think you're doing?” nagtatakhang tanong ng lalaki na nasasama sa pag takbo ng dalaga. “Shh!” galit na bulong ng dalaga at dinala ito sa likod ng mall, at doon niya sa wakas naligaw mga bodyguards niya. Inalis niya ang cap at mask niya para humingi ng sorry sa lalaking nahatak niya. “I’m sorry mister for dragging you into this.” paulit ulit na humingi ng pasensya si Solstice, habang ang kaharap niya ay tulala sakanya. “I’m so— merde!” bulong ni Solstice at iniwan ang lalaki nang matanaw niya ang bodyguard niya na palinga linga. Dumiretso siya sa entrance at nag para ng taxi, balak niyangumipat sa kabilang mall para makapag libot siya ng maayos, na walang humahabol sakanya, tinext ni Solstice ang manager na patigilin ang mga bodyguards sa pag hahanap sakanya, minura lang siya nito na tinawanan niya. Tinuloy niya ang pag gagala sa mall, pero nabagot lang din siya at dumiretso uwi nalang sa condo niya. Busy ang kaibigan niya kaya wala siyang mapag lilibangan, ayun ang akala niya dahil pagdating niya sa condo niya, nandon na ang kaibigan niya. “Oh? Saan ka galing gaga” sambit ng kaibigan niyang Heiraya pagka kita sakanya pumasok sa condo niya. “Mall, nababagot ako rito, pero mas nakaka bagot pala sa mall.” pagod na sambit ni Sol at pinahinga ang katawan sa sofa. “Tinakasan mo na naman daw ang mga bodyguards mo? Nako Solstice ha, kapag ikaw talaga pinauwi ng parents mo sa pinas.” naiiling na paalala Hei sa kaibigan. “Hindi ’yan, masyadong busy sila mommy sa business nila, atsaka I'm doing well here. I am making my own name.” malditang sagot ng dalaga sa kaibigan, umirap si Heiraya sa sinambit ni Sol. “You’re making your own name nga, e’ paano kung bigla kang pauwiin? As if kaya mong suwayin ang parents mo, baliw ka.” sagot pabalik ni Heiraya kay Solstice. Napaisip bigla si Sol sa sinabi ng kaibigan, kaya nga ba niyang suwayin ang kagustuhan ng mga magulang niya? “I can't.” nanghihinginang sambit ni Sol. “See? Kaya tigilan mo yang pagiging pasaway mo, dahil kapag uuwi ka ng pinas, uuwi rin ako, and ayoko pa makita tatay ko, please lang.” naiiritang sambit nito kaya inirapan siya ni Sol. “Ewan ko sa'yo girl.” naiiling na sambit ni Sol at pumunta na ng kwarto niya para matulog, hindi na siya nakapag palit ng damit dahil sa sobrang pagod sa mga ginawa niya buong araw. Nagising lang siya kabog ng pintuan, napilitan siyang buksan ito kahit pa na naiinis siya dahil sa ingay. “Nandito ang manager mo girl, hinahanap ka.” tumango si Sol sa sinabi ni Hei, bumalik siya pabalik sa kwarto para mag ayos. “Hi mamsh.” nakangiting bati ni Sol sakanyang manager. “Dala ko ang kontrata, hindi na ba talaga mag babago ang isip mo?” deretsuhang tanong ng manager niya. “Hindi na, sabi ni mommy by this month uuwi na ako ng pinas, kaya last nalang ang endorsement na ishshoot ko bukas. “Osiya, hindi naman kita mapipilit sa bagay na ayaw mo, balikan mo ako kapag gusto mo bumalik dito sa paris. Welcome ka lagi.” nakangiting sambit ng manager at tumayo na para magpaalam. “Paano pala kung hindi matuloy ang pagapapauwi sa'yo sa pinas?” tanong ni Hei kay Sol. “I don't know, pero feeling ko malayo. Kapag sinabi nila, mangyayari.” naiiling na sambit ni Sol, tumango ang dalagang kasama, dahil danas din tumira sa mansyon ng mga Harts, mababait ang nasa angkan ng mga harts, sadyang grabe mang pressure ng mga babae para makapag tapos. Dahil danas ng ibang kababaihan sa Harts ang maalipusta dahil sa hindi sila nakapag aral. “You made your own way to top, I know your parents are very proud of you sweetheart.” biglaang sambit ni Heiraya kay Solstice. “I hope so, sana nga proud sila, dahil isa sila dahilan kung bakit ako nag kukumahog pataas, I can't be a disgrace. People on our family expect me to be the number one.” naiiling na sambit ni Solstice habang tulalang nakatingin sa kisame, napatingin sakanya ang kaibigan niya na may ngiting napaka lungkot. “You should living on the validation of others darling, nahihirapan kana.” paalala ni Hei. “Hindi na maalis sa'kin, hindi ata ako mabubuhay nang hindi humihingi ng balidasyon, lalo na sa parents ko.” mapaklang napangiti si Solstice habang ang kaibigan niya ay hindi mawala ang paningin sakanya. “Old habits die hard I guess.” kibit balikat na sambit ni Heiraya at tumayo papunta kay Sol, niyakap niya ang dalagang parang lantang gulay na nakaupo sa sofa. “Sa’yo ko lang naramdaman na hindi ko kailangan mag madali sa mga bagay bagay, na ang mga maliliit kong achievements are still achievements. You made feel loved sweetie.” bulong ni Sol at niyakap pabalik ang kaibigang si Heiraya. “Hinding hindi kita iiwan Sol, ako ang magiging kakampi mo, kahit talikuran ka pa nilang lahat.” nakangiting sambit ni Heiraya na nakapag pangiti rin kay Sol, ninamnam ni Sol ang higpit at init ng yakap ni Heiraya hanggang sa makatulog ito sa bisig ng kaibigan. Nang lumalim ang paghinga ni Sol, dahan dahang gumalaw si Heiraya para umalis sa tabi ni Sol, kailangan niyang mag luto ng hapunan dahil pagod na pagod ang kaibigan. Nag hanap nalang siya ng pwedeng mailuto, dahan dahan siyang kumilos para hindi niya magising ang tulog na si Sol. Pagkatapos niyang mag luto, ginising na niya ang dalaga para sa hapunan. “Sol, sol... Wake up.” mahinang bulong ni Heiraya habang marahang tinatapik niya ang pisnge ni Sol, dahang dahang nag mulat ng mata si Sol at kinusot kusot ito at umayos ng upo. “What’s for dinner?” tamad na tamad na tanong ni Solstice. “Beef broccoli sweetheart, come let's eat.” hinila ni Heiraya si Sol patayo, kaya walang pag pipilian si Sol kung hindi tumayo at kumain kasama si Heiraya. “Wala ka bang balak mag hanap ng work here?" Nagtatakhang tanong ni Sol kay Heiraya. “Wala beb, tinutustusan ni daddy ang gastos ko rito, as if naman mamumulubi siya dahil sa pag sstay ko rito sa paris.” umirap si Heiraya kaya natawa si Sol. “That’s right, hindi mauubos yaman niyo kahit magpabalik balik ka sa Paris.” natatawang sambit ni Sol habang kumakain. “Gumagaling kana mag luto ha.” puri ni Sol kay Heiraya, mayabang naman ngumiti si Heiraya kaya natawa si Sol. “I learned from the best, you!” masiglang turan ni Heiraya at itinuro si Sol. Umupo na silang dalawa at nag simula ng kumain na may kasamang kulitan at kwentuhan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD