Simula
3rd person point of view
“Smile Solstice!” sigaw ng nanonood ng photoshoot ng dalagang si Solstice Harts, isang sikat na modelo sa bansang Paris.
“I’m smiling okay?” pikon na sagot ng dalaga sa nag g-guide kanya. Umirap ang dalaga at tinuloy ang pag popose sa harapan ng camera.
“It doesn't seem like it.” umirap pabalik ang manager niya kaya natawa siya, natapos ang photoshoot para sa isang sikat na brand sa bansang kanyang tinatapakan ngayon.
“Tumatawag ang mommy mo, may ginawa ka ’no?” duda sakanya ng kaibigan niyang si Heiraya.
“What? None.” sagot pabalik ni Sol sa kaibigan at kinuha ang cellphone para tawagan pabalik ang kanyang ina.
“Yes mom? ha? why? okay, bye.” mabilis natapos ang pag uusap nila ng kanyang ina, napaupo ito na tila nanghihina sa tabi ng kaibigan.
“Oh anong sabi?” tanong sakanya ni Heiraya.
“Pinapauwi ako ng pinas.” naiiyak na sambit nito at natawa naman si Heiraya.
“I guess, kailangan ko na rin umuwi ng pilipinas, masyado akong nawili rito sa paris.” sambit ni Heiraya kay Sol, tumango si Sol at nakipag beso sa kaibigan dahil aasikasuhin pa nito ang passport niya.
“Hey emily, can you please make an errand for me?” pakiusap ni Solstice sa kanyang PA.
“Yes madam?” tanong ng PA niya sakanya.
“Please get my passport and arrange my flight tomorrow, I'm going back to the philippines.” sambit ng dalaga, tumango si emily at dali daling umalis para asikasuhin ang pinapagawa niya.
Tumayo ang dalaga para mag bihis, ang totoo nito ay matagal na niyang alam ang plano ng mga magulang niya na pauwiin siya sa pinas kaya nag handa na siya ng resignation letter sa kumpanya na pinag ttrabauhan niya, pumasok siya sa office ng ceo at kinausap ito.
“Hey ma'am, this is my resignation letter, my reason is written on the paper.” deretsuhang sambit ni Solstice.
“Hm, okay. Approved. The truth is, I already saw this coming, thank you for being part of our family miss Harts, hope to work with you soon, again.” nakangiting sambit ng ceo at tumayo para makipag kamay kay Sol.
“I hope so too ma'am, goodbye." Huling sambit ni Solstice at tumalikod na para umalis. Nagpaalam lang siya sandali sa mga naka trabaho niya sa loob, at dumiretso na siya sa condo niya.
Nag aayos siya ng mga gamit na dadalhin pauwing pinas nang biglang may mag doorbell sa condo niya. Tumayo siya para tignan kung sino ang nasa labas.
“Oh, ang bilis mo naman?” nagtatakhang tanong ni Solstice sa kaibigan si Heiraya, dahil siya ang nasa labas. May dalang maleta na.
“Nakita ko na ’to sa hinaharap girl, kaya nga nag empake na ako noon pa.” sagot ni Hei na ikinatawa ni Solstice.
“Masyado nang tumatama mga hinala mo, ano pa ba?” natatawang tanong ni Solstice sa kaibigan.
“Wala pa naman ngayon, bakit ka raw pinapauwi? You're successful in Paris.” sambit ni Heiraya habang kumukuha ng pagkain sa ref ni Solstice.
“I don't know, basta pinapauwi niya lang ako. Alam mo naman si Mommy.” sagot ni Solstice at dumiretso sa kusina para kumuha ng pagkain sa ref at dinala sa kwarto niya.
“Alam mo, hindi masamang tumanggi sa kagustuhan ng parents mo Sol, masyado kang sunud sunuran sakanila, sakit mo na ’yan.” naiiling na sambit ni Hei at pinagmamasdan ang pag aayos ni Sol ng mga gamit.
*
“Welcome to Philippines.” natatawang sambit ni Heiraya na akala mo hindi siya pabalik balik sa pinas at paris, natawa rin si Solstice sakanya, may nag hihintay nang mga tao para sunduin sila.
“Welcome to the Philippines, Heiraya and Solstice.” nakangiting bati ng butler ni Sol, na naging kaibigan niya rin kalaunan.
“Thank you, Aeku. Where's mom?” tanong ni Solstice sa butler niya.
“At home, nagluluto para sa pagdating niyong dalawa ni Heiraya.” sagot ni Aeku.
“Oh okay” pagod na sagot ni Solstice at pumasok na sa sasakyan, nauna na ang kaibigang si Heiraya sa sasakyan dahil nakipag usap pa siya kay Aeku.
“Lalo kang gumanda, Sol.” puri ni Aeku na nakapag pa ngiti sa dalaga.
“Palagi naman.” bulong ni Solstice bago tinangay ng antok at pagod.
Ginising siya ng kaibigan pagkarating nila sa mansion nila, sa mansion ng mga Harts nakatira si Heiraya dahil lumayas siya sakanila. Hindi alam ni Sol ang tunay na dahilan dahil ayaw naman sabihin ng kanyang kaibigan kaya hinayaan niya nalamang ito.
“Hi mom, dad.” bati ni Solstice sa magulang na parehong nasa kusina, nag aayos ng mga pagkain, parehong chef ang mga magulang kaya palaging masarap ang hinahaing pagkain sa hapagkainan.
“Hi anak.” bati ng ina, pero hindi maharap ng maayos ang anak dahil sobrang abala nila sa pag aayos ng dining table.
“Hi baby.” bati ng ama at niyakap si Sol, yumakap pabalik si Sol sa ama.
“May celebration ba? Andaming foods.” nagtatakhang tanong ni Solstice sa magulang, wala na ang kaibigan nito dahil dumiretso na ito sa kwarto niya pagkatapos bumati sa magulang.
“We have visitor later, dress beautifully and sabihan mo rin si Heiraya para hindi mag tuloy tuloy ang tulog niya.” sambit ng ama niya, tumango naman si Solstice at nagpaalam na siya papuntang kwarto niya, magkaharapan lang ang kwarto nila ni Heiraya.
Kumatok ang dalaga sa kwarto ni Heiraya, binuksan ni Hei ang pintuan niya, sabog na sabog ang buhok ang bumungad kay Sol kaya natawa ito.
“Dress beautifully later at dinner, we have visitors, sabi ni daddy.” natatawang sambit ni Sol habang nakatingin sa kaibigan.
“Okay, matutulog na ako ulit.” antok na antok na sambit ni Hei.
“Hey! Mag prepare kana! Isang oras nalang dinner time na.” paalala ni Sol kay Hei, tumango lamang ito at sinarado ang pintuan pag talikod ni Sol.
Pumasok si Sol sa kwarto niya at nilabas ang mga damit niya, sumabog sa kama ang mga dress na pwede niyang suotin mamaya.
Matagal niyang tinignan ang tatlong dress na pinagpipilian niya, nakuha ng pansin niya ang isanb puting above the knee length fitted dress, tube style ito kaya nagustuhan niya.
“Okay, ito nalang.” mahinang bulong niya sa sarili at kinuha ang damit, binalik niya sa maleta niya ang mga damit niya at itira ang napili niya sa kama, pinili niya ang isang 3 inches silver heels para sa susuotin mamaya.
Dumiretso siya sa bathroom ng kwarto niya para maligo na.
“Sway me~ Make me ~” mahinang pagkanta nito sa paborito niyang kanta habang naliligo.
“I can hear the song of violin~”
Mabilis natapos ang dalaga sa pag ligo, Lumabas itong naka roba lang at isinuot na ang damit niya, para hindi na magulo ang buhok niya mamaya.
Sinimulan niya ang paglalagay ng mga kolorete sa mukha niya, ito ang isa sa mga natutunan niya sa pag momodelo, iba’t ibang istilo ng pag me make up, kaya kahit siya lang mag isa, kaya niya. Pagkatapos niyang mag lagay ng pulang lipstick, isinuot na rin niya ang heels niyang susuotin niya, pagkatapos ay pinalantsa niya ang buhok niyang hanggang balikat lang, at ang bangs niya.
Matapang ang mukha at presensya ni Solstice, kabaligtaran ng pangalan niya. Kaya minsan natatakot sakanya ang iilan, at iyon ang naging tulay niya para maka akyat sa tuktok, naiiba siya sa modelo sa Paris, nakilala siya sa matapang niyang mukha, na kinahumalingan ng lahat.
Kinatok siya ni Heiraya Kaya binuksan niya ang pintuan, contrast ang suot nila, long sleeve black dress ang suot ni Hei.
“Let’s go? May nakita na akong dumating na mga sasakyan, I think iyon na ang mga bisita.” sambit ni Hei sakanya, tumango naman si Sol at biniro ang kaibigan.
“Baka daddy mo talaga ang bisita?” natatawang sambit ni Sol habang nakatingin kay Hei, kitang kita niya ang pag kunot ng noo ni Hei kaya lalo siyang natawa.
“Ano namang gagawin nung matandang ’yon dito, tsaka ibang tao eh.” sambit ni Hei, bumaba silang dalawa at dumiretso sa dining area. Bumungad sakanila ang mga mukha ng mga taong hindi nila kilala.
“Anak, this is Mr. and Mrs. Handerson, and ang nag iisang anak nila, Zevian Handerson.” pakilala ng ina ni Solstice sakanya, ngumiti ng tipid ang dalaga at tumango.
“Greetings, gentlemen, mademoiselle.” sambit ni Solstice, at natuon ang paningin niya sa lalaking kanina pa nakatingin sakanya, hindi niya alam bakit pero may tingin sa mata nito na humihigop ng atensyon niya.
Tinaasan niya ng kilay ang binata at umupo sa tabi ng kaibigan.
“Hindi ko alam na dalawa pala ang dalaga ninyo.” natutuwang sambit ni Mrs. Handerson habang nakatingin sa'min ni Hei.
“Unfortunately, she's not ours. Pero parang anak na rin namin siya dahil kaibigan siya ng anak namin.” nakangiting sagot ng ama ni Sol habang kumakain, patuloy ang pagkain nila habang naguusap usap ang mga nakakatanda, tahimik lang si Hei, Sol at Zevian.
Naagaw ang atensyon nilang lahat ng tumikhim ang ama ni Zevian, itinigil ni Sol ang pagkain at tinuon ang atensyon sa lalaki.
“Nandito kami para hingin ng aking anak na lalaki ang kamay ng anak na babae ng mga Harts, matagal na itong napag planuhan, at ang kasal niyo ay nakatakda sa susunod na dalawang buwan.” sambit ng lalaki na nakapagpa gulat sa dalaga.
Nais kwestyunin ng dalaga ang mga magulang pero nang makita ang ngiti ng dalawa, pinilit niyang ngumiti at sumangayon sa kagustuhan ng mga ito.