CHAPTER 7 ISANG LINGGO ang mabilis na dumaan at naging maayos naman ang pagsasanay na nangyari kay Ziamber habang nasa headquarters siya ng Olympus Goddess. Kahit paano ay naging close din niya ang mga kaibigan ng kaniyang Ate Zandria na mababait naman din sa kaniya—maliban kay Meg na parang ang init ng dugo sa kaniya. Hindi naman sa mainit ang dugo. Tila ramdam niya kasi rito na ayaw nito sa kaniya bilang kaibigan kaya naman ilag din siya rito. “Ito na ang huling araw mo sa pagsasanay, Zia. Sa Lunes ay babyahe ka na pabalik sa Manila at didiretso ka sa office ni Luna Aballos,” ani Calix habang nakatingin sa kaniya nang tuwid. “Okay,” aniya saka napahinga nang malalim. Kahit kasi siya ay hindi makapaniwala na nalampasan niya ang pag-eensayo. Hindi madali ngunit nakaya niya