CHAPTER 1
CHAPTER 1
MALAKAS ANG palakpakan ng mga tao nang lumabas mula sa likod ng entablado ang sikat na modelo na si Ziamber Buenviaje. Kasama niya ang matalik na kaibigan na siyang may likha ng mga na ibinida nilang magagarang damit na si Elijah Sandoval— isang tanyag na fashion design.
Magkahawak kamay ang dalawa habang matamis ang ngiti sa mga tao. May mga artista, kapwa modelo, fashion designers at mga kilalang tao sa ganitong larangan.
"Are you happy, Eli?" tanong niya sa kaibigan na panay ang ngiti at punas ng luha sa mga mata.
"Of course, Berber. We did it! This is our dream since college. Oh my God!" Hindi pa makapaniwalang bulalas nito.
Natatawa niyang niyakap ang kaibigan saka hinalikan ito sa pisngi. "Congratulations! All your creations are so perfect and fabulous! Bagay na bagay sa akin!"
"Sa iyo rin. Maganda ka naman kasi talaga saka sexy. That's why my works suits on you. Thanks, Berber ko," malambing na wika nito sa kaniya.
Tama si Elijah. Mula noong nasa kolehiyo pa lamang sila ay magkaibigan na sila. They were classmate. Nakatutuwang isipin na halos lahat ng subject, nagkakataon naman na pareho sila ng pasok ng oras at araw.
Buwan lang ang tanda niya rito at magkapatid na halos ang turingan nilang dalawa.
"Saan ka pala after this?" tanong ni Elijah sa kaniya pagkababa sa back stage. Agad silang dumiretso sa dressing room kung saan nakalaan para lamang sa kaniya.
"Sabi ni Sir August, may after party pa tayo so dapat nandoon ako. You know me. I do love parties!" Nakangiti niyang sagot.
"Me, too! Kaso may flight ka bukas papuntang Korea, 'di ba?"
"After lunch pa naman 'yon, Eli. And I really want to enjoy this night with you. Ikaw naman! Gustong-gusto mo na akong umalis, ah!" Biro niya rito habang inaalis niya ang mga accesories na suot.
Nakaharap na siya ngayon sa tokador na may malaking salamin at mga bumbilya. Doon siya inaayusan palagi ng kaniyang Glam Team.
Si Elijah naman ay tumayo lang sa gilid niya. Paminsan-minsang may kinakausap dahil panay ang bati rito ng ibang mga modelo. May mga nag-aabot din ng iba't ibang regalo.
Syempre, hindi siya pahuhuli. Bago pa man sila makapasok sa dressing room kanina, punong-puno na ang mesa ng mga iba't ibang regalo para sa kaniya.
"Hindi naman sa gano'n, Ber. What I mean is, sobra na nga kitang naabala sa gabing 'to. We both know na bukas ang flight mo para doon sa Asia's Top Model. Big opportunity pa naman iyon," malambing na niyakap siya nito.
Tinapik niya ang braso nitong nakayakap sa ibabaw ng kaniyang dibdib. Tiningnan niya ito sa salamin.
"I can handle it, okay? You don't have to worry. Aabot ako bukas, promise!"
Lumayo ito saka hinawakan ang mga kamay niya. "Thank you ulit," wika nito.
Imbis na madala sa pagiging emosyonal ng kaibigan, ginulo na lang niya ang buhok nitong nakatali nang mataas. "You're always welcome. Let's enjoy this night."
AFTER THE show, tumungo ang mga staff at iba pang kasamahan nila Ziamber sa event sa pinakamalapit na club sa BGC sila dinala ng kanilang manager.
"So, how' s your feeling, darling? Bukas na ang flight mo papuntang Korea. Are you ready to meet some Oppa's?" Maarteng tanong ni Mami Pitchie—ang manager nila ng kaibigan niya.
Sumimsim siya ng margaritta. Ang pait at init nito ay dumaloy sa kaniyang lalamunan. Napapikit siya nang mariin dahil sa sobrang tapang nito.
"I am not going there for that. Pangarap ang dahilan kung bakit nagpakahirap ako makapasok do'n!" sigaw niya dahil malakas ang tugtog sa buong lugar. Mausok din at malikot ng mga ilaw na iba-iba ang
"Such a dreamer."
Hindi na lang siya sumagot. Mas gusto niya namnamin ang mga oras na malaya pa siya. Dahil kahit pangarap ang ipupunta nya sa ibang bansa, nalulungkot pa rin siya dahil iiwanan niya rito ang kaniyang mga mahal sa buhay.
"Look, ang sexy na si Luna Aballos, she's here!" wika ni August gamit ang malanding boses.
Wala sa sariling napalingon siya sa lalaking tinutukoy ng kanilang manager. Tama ito. Hot nga. Kahit nasa malayo, kitang-kita ni Ziamber ang ganda ng hubog ng perpekto nitong katawan. Ang mukha na kay ganda at sarap pagmasdan. Kahit medyo madilim sa kinauupuan nito ay tila nahihipnotismo siya ng kagandahan na nagsusumigaw.
A deep set of eyes, thick lashes, pointed nose, and those perfect thin lips. Hindi malaman ni Ziamber kung bakit hindi nya maalis-alis ang mga mata sa babaeng iyon. May kakaiba rin siyang kaba na ngayon lang niya naramdaman. Pinilig niya ang ulo. Marahil ay dala lang iyon ng nainom na alak.
"Ber, nag-vivibrate ang phone mo," ani Elijah na siniko pa sya sabay nguso sa mesa.
Tila natauhan naman siya at nang lumingon sa mesa, bahagya ngang nanginginig iyon at umiilaw. Kinuha nya iyon at sinilip ang tumatawag.
"I'll take this call. Si Ate," aniya sa mga kaibigan. Lumabas siya ng club upang marinig nang maayos ang boses ng kapatid. "Hello?"
"Where are you? Past eleven thirty na, Zia. May flight ka pa bukas!" Sermon ng ate niya.
"I know, I know. Don't worry, I'll be home before one," aniya rito.
"No. Nasaan ka ba? Susunduin na kita."
"'Wag na, ate. Kaya ko naman umuwi mamaya—"
"Ziamber, huwag ka na sumagot. Just tell me where exactly you are and I will pick you. Masyado ka talagang pasaway!"
"Alright. Take care, ate. I love you," aniya sabay tapos ng tawag. Bago pumasok sa loob ng club ay tinext niya muna rito kung nasaan siya.
"BERBER, ba't wala pa si Ate Zandria? It's 2:30 but she's still not here. Ano ba sabi niya sa iyo kanina?"
Sa totoo lang ay kanina pa sya kinakabahan. Iba na ang kutob niya. Wala rin siyang maisagot sa kaibigan kasi kahit siya, hindi niya alam kung bakit wala pa ang kapatid. Kilala niya ito. Kapag sinabi nito na susunduin siya, tinototoo. Never pumalya ang ate niya sa loob ng labinsiyam na taon siyang nabubuhay sa mundo.
Nanginginig na rin ang kaniyang mga kalamnan sa hindi maipaliwanag na dahilan.
"Ate, where are you?" wala sa sariling tanong nya. Panay ang type ang ginagawa niya sa kaniyang cellphone. She called her Auntie Mila para tanungin kung nasa bahay ba ito ngunit wala raw. Umalis nga raw bago mag-alas dose upang sunduin siya. "God, please take good care of my ate," mahinang dasal niya.
Ilang minuto pa silang naghintay sa labas ng club hanggang sa magdesisyon silang umuwi na lang. Hindi na niya inabala pa ang kaibigan na si Elijah dahil alam niyang pagod din ito.
Tila wala siya sa sarili hanggang sa makarating siya sa kanila. Wala pa ang kotse ng kaniyang ate. Mas lalo siyang kinakabahan.
Dahil na rin sa nainom na alak, nilamon kaagad sya ng dilim pagkapasok pa lang niya sa sariling kwarto.
MALALAKAS NA katok at sigaw ng kaniyang Auntie Mila ang gumising sa diwa ni Ziamber. Kahit wala sa huwisyo, dali-dali siyang nagtungo sa pinto at pinagbuksan ang nasa labas.
"A-auntie?" taka niyang tanong dito. Pansin niya ang pamamaga at pamumula ng mukha ng tiyahin. Kinabahan siya lalo na nang magsimula itong umiyak. "B-bakit?"
"Zia... A-ang ate m-mo, patay na!"