CHAPTER 16 HINDI NAMAN ganoon kalayo ang bagong condo na tinitirhan ni Zia sa opisina na pinapasukan. Alas sais y media na ng gabi ngunit nagtataka siya nang lumampas ang kotseng sinasakyan nila ni Luna roon. Lumingon siya rito na tila malalim ang iniisip. ‘Ano na naman kaya ang iniisip nitong isa na ito?’ tanong niya sa isip. “Miss Luna, lumampas na tayo,” aniya rito. Sinabi naman na niya rito kung saan ang exact address ng condo niya kanina. “I know,” anito saka siya saglit na nilingon. “Kaunting oras na lang naman na at mag-didinner na kaya naman mag-dinner na muna tayo,” anito. Hindi siya kumibo. Nagtataka man ay hinayaan na lang. It’s for her own good, sabi nga ng iba. Humugot siya ng malalim na paghinga bago tinuon sa labas ng bintana ang buong atensyon . Nanatiling tahimik s