CHAPTER 15 SA TAPAT NG isang sikat na bilihan ng ice cream huminto ang sasakyan ni Luna. Bakas sa mukha ni Luna na tila ba hindi nito gusto ang ideyang magtungo roon ngunit wala lang magawa dahil iyon ang nais ni Zia. Kahit naman sabihin nitong ayaw nito ay hindi papayag si Zia na hindi sila makakain ng ice cream. Stress din siya kay Mr. Sy kaya kailangan niya ng pampalamig ng ulo. Sabay silang bumaba at nauna siyang humakbang papasok ng ice cream shop. May mga lamesa at silya para sa mga customer na nais doon kumain ang siyang naabutan nilang dalawa sa lugar. Nagkatinginan pa silang dalawa ni Luna bago nagpatuloy sa paglalakad si Zia. Dumiretso siya sa kung saan nakikita niya ang iba’t ibang flavor ng ice cream at nang makita ang paboritong flavor, kaagad na lumawak ang kaniyang mga ng