CHAPTER 17 “MAGANDA NAMAN pala iyong Luna Aballos na sinasabi mo, Berber,” ani Elijah habang kumakain sila ng fastfood na inorder nila online. Ito lang ang kumakain dahil siya, busog pa dahil nabusog siya sa pesto pasta na kinain niya kanina. “Akala ko kasi medyo may edad siya tapos pangit.” Bahagyang natawa si Zia habang naglalagay ng facemask sa mukha. Nasa harapan siya ng vanity mirror niya kung nasaan nakalagay ang ilan sa mga paborito niyang gamit pampaganda aat kung ano-ano pa. Hindi niya dinala lahat dahil hindi niya iyon maaaring gawin. Maaari kasing magpunta si Luna sa condo niya kagaya ng ginawa nito kanina at mas mabuting handa siya na hindi ito magkakaroon ng pagkakataon na magtaka. “Maganda ba siya?” tanong niya rito. Well, tama naman ito. Actually, sobrang hanga siya sa g