CHAPTER 10 TATLONG ORAS na ang lumipas buhat nang magsimulang bigyan ni Luna si Zia ng trabaho. Bukod sa nangangawit na ang kaniyang mga kamay kaka-type sa napakaraming files sa desktop computer ay naiilang din siya sa presensya nito. Hindi siya sigurado kung normal ba na talagang nandito ito sa maliit niyang office at prenteng nakaupo sa silya sa harap ng kaniyang working table. Kanina pa rin kasi ito nandito at nagbabasa. Buti sana kung tungkol sa trabaho ang binabasa nito ngunit hindi. She’s reading a sexy magazine for men. Puro sexy na katawan at magagandang babae ang nakikita niya nang hindi sadya dahil sa harapan niya ito nagbububuklat. Ayaw niya na lang ito batiin dahil baka mapagalitan pa siya. Lihim na lang siyang nanalangin n asana ay magkaroon ito ng emergency call u