CHAPTER 9 HINDI MAIWASAN ni Ziamber ang mamangha nang makapasok sila sa isang silid kung saan hindi niya alam na nag-eexist sa loob ng opisina ni Luna. Ang tinawag nitong Elena ay pumasok sa main door kung saan sila pumasok dalawa kanina. May edad na ito. Tingin niya ay nasa early 40s ngunit dahil medyo balingkitan ang katawan ay hindi masyado mahahalata. Nang makalapit ito sa kaniya kanina ay tumalikod na si Luna at malayang tumanaw na sa tanawin mula sa kinaroroonan nila ngayon. Binuksan kasi nito ang makapal na kurtina na siyang tumatakip sa pader na gawa sa salamin. Si Elena na ang nag-asikaso sa kaniya. Sandali binasa rin nito ang kaniyang portfolio na dala saka binanggit ang pangalan niya. Ilang sandali pa ay iginiya siya nito sa isang pinto sa gawing kanan ng office na i