CHAPTER 11 TAHIMIK LANG si Zia habang lulan silang dalawa ni Luna sa sarili nitong sasakyan. Kahit ito ay tahimik lang din at walang kibo. Ang kaniyang mga mata ay nakatuon sa bintana. Hindi niya alam kung siya sumama kay Luna. Basta na lang kasi siyang hinila nito at sa pagkakabigla ay hindi niya nagawang umalma pa. Ramdam niya ang pmainsa-minsan nitong paglingon sa kaniya kaya naman titingin din siya rito ngunit agad namang iniiwas nito ang mukha at tinutuon sa kalsada ang mga mata. Humugot siya nang malalim na hininga. ‘Hindi ako dapat mailang sa kaniya. Tandaan mo, Zia. Mas mapapadali na gawin ang plano kung si Luna na mismo ang lalapit sa iyo.’ Iyan ang sinasabi niya sa sarili. Pilit niyang tinatatak sa isip na maganda nga na si Luna na ang siyang nagpaparamdam sa kaniya. Mas mapa