CHAPTER 4

2090 Words
CHAPTER 4   “SIGURADO KA ba talaga sa gagawin mo?” tanong ni Elijah sa kaniya habang nag-iimapake siya ng mga gamit na dadalhin. Upang makapagsimula kasi siya ng pag-eensayo sa Olympus Goddess ay kinakailangan niyang tumira sa headquarters ng mga ito.   Ngumiti  siya rito saka pinagpatuloy ang ginagawang pag-iimpake. “Oo nga, Eli. Alam mo naman na kailangan koi tong gawin.”   “P-paano kung mapahamak ka?” ani bestfriend niya na halatang nag-aalala sa kaniya.   Napaka-thankful niya dahil mayroon siyang matalik na kaibigan na kagaya ni Elijah kaya naman sobra niya rin kung ingatan ito. Na-aapreciate niya ang pagiging concern nito sa kaniya. “Hindi ka dapat mag-alala sa akin dahil ayos lang naman ako. Well, I guess magiging okay lang din naman ako.” Natawa pa siya.   Tumayo si Elijah buhat sa pagkakaupo sa kama niya saka lumapit sa kaniya at humawak sa braso niya. Napangiti siya dahil sanay na siya sa pagiging clingy nito. Humilig ito sa kaniyang braso saka malambing na nagsalita, “Hindi mo naman maaalis sa akin ang mag-alala, Zia. Hindi rin kasi ako sanay na wala ka dahil alam mo na halos sa iyo na ako nakadepende.” Bagay na totoo. Ganoon sila ka-close nito.   Gumanti siya ng paghilig sa ulo nito saka mahinang tinapik-tapik ang kaniyang braso. “I know.” Bumitiw siya rito maya-maya saka hinarap si Elijah. “Pero ito lang ang paraan para mahuli mapagbayaran ng Luna na iyon ang pagkamatay ng ate ko.” Muli ay bumangon ang galit at poot niya para sa babaeng kumitil sa buhay ng kapatid niya.   Huminga nang malalim si Elijah. Sa una pa lang ay hindi na ito payag sa gusto niyang manyari at ginawa na yata nito ang lahat upang mapigilan lang siya sa nais niyang gawin. Ngunit buo na talaga ang kaniyang isip. Isa pa, hindi niya maaaring palagpasin ang binigay na chance sa kaniya ng Olympus Goddess.   “Basta mag-iingat ka sa pagpa-practice mo, okay?”   Tumango siya saka huminga nang malalim. Kinabig niya ito upang mapayakap dito nang mahigpit. “Oo naman. Tatawagan naman kita palagi.”   “Ang layo naman kasi ng Sagada,” anito na malungkot na malungkot ang ekspresyon na mababasa sa mukha nito.   Natawa siya. “Malayo talaga iyon. Hindi ka naman pwedeng sumama dahil may negosyo kang maiiwan. Hindi mo maaaring iwanan iyon.”   “Ikaw din naman. Mayroon ka pang mga schedules di ba?” anito habang nakataas ang isang kilay.   “Hoy, pina-cancel ko na ang mga Go-see ko last month so wala akong project pa.”   Kumunot ang noo ni Elijah. “Paano? Sandali. You mean, last month mo pa talaga pinaghandaan ang pagpunta mo sa Sagada?”   Tumango siya. “Yes. After ko makauwi galing Sagada ay kinausap ko ang manager ko.”   “Buti pumayag si Mommy Pitchie?” Ang manager niyang bakla ang tinutukoy nito.   “Wala naman siyang magagawa kung ito ang gusto kong gawin. Ito talaga ang nais ko at alam ko na naiintindihan niya rin ako. Alam naman niya kung ano ang nangyari sa past ko so ayon, wala siyang nagawa pa.” Muli niyang pinagpatuloy ang pag-iimpake ng mga gamit.   Wala na ngang nagawa si Elijah. Nagpaalam ito sa kaniya upang  bumaba dahil nauuhaw ito. Siya naman ay naiwan sa silid. Sa silid nilang dalawa ng kaniyang ate. Mula nang mamatay ito ay mag-isa na lang siyang natutulog dito. Hindi niya alam kung paano niya natanggap ang pagkawala nito. Basta tumagal din ng dalawang buwan na iniiyakan niya ang pagkawala nito. Hindi lang naman kasi kapatid ang nawala sa kaniya. Nawalan din siya ng magulang bukod sa tita nilang naging guardian mula nang mawala ang kanilang mga magulang. Kahit ang tita niya ay ayaw din na ipagpatuloy niya pa ang binabalak ngunit wala na talagang atrasan.   Nangako siya noong araw ng libing na gagawin niya ang lahat para mapagbayaran ng taong pumatay dito ang pagkitil sa buhay ng ate niya. Gagawin niya ang lahat para lang makapaghiganti. Kahit sa anong paraan pa iyan.   BINASA NI Zia ang hawak na folder na siyang may laman ng mga information patungkol kay Luna Aballos. Kaunti lang nakalap na impormasyon tungkol dito dahil nga isa itong secret agent ngunit sapat na ang nakuha ng Olympus Goddess para magkaroon siya ng alam dito.   Wala sa sariling napatitig si Zia sa larawan nitong nakasama sa folder. Luna is beautiful. Mala-anghel ang mukha nito at ang mga mata, ang lakas ng dating. Tumaas ang isang kilay niya nang makita na ang kasarian nito ay lesbian.   “Kaganda namang lesbian nito. Hindi halata, ah?” Muli niyang tiningnan ang ilang mga larawan nito. Iba-iba ang suot nito sa mga pictures at masasabi niyang sopistikada ang babaeng kalalabanin niya. Natigilan siya nang makita ang tattoo nito sa likuran ng kanang tainga. Nilapit niya ang mga mata sa hawak. “Dream catcher?” aniya. Iyon ang nakalagay na tattoo doon. Maliit lamang iyon ngunit sapat na upang makita niya.   Ilang sandali siyang nakatitig doon at napapaisip kung bakit ganoon ang tattoo ni Luna. Nang may kumatok sa bintana ng kotseng sinasakyan ay kaagad niyang nalingunan si Aling Syoleng. Ngumiti ito saka kaniya. Inayos niya ang sarili saka dinampot ang bag na nasa shotgun. Bumaba siya saka nakangiting binati si Aling Syoleng.   “Kumusta naman ang naging byahe mo, hija?”   “Nakakapagod po ngunit ayos lang naman.”   Ngumiti ito sa kaniya. “Mabuti naman kung ganoon. Nasaan ang mga gamit mo?”   “Nasa compartment po. Marami po akong dala na mga maleta.”   Natawa ito. “Ayos lang iyan.” Lumingon ito sa lalaking palapit sa kanila.   Gwapo ito at may malapad na ngiti sa mga labi. Ang buhok nito ay naka-side part style na siyang bagay dito. Ang lakas ng dating nito sa suot na sunglasses. Ang linis nitong tingnan habang nakasuot ng longsleeves na kulay navy. Nakatiklop iyon hanggang sa siko habang nakamaong pants and white shoes.   “Mabuti naman ay dumating ka na,” anito sa kaniya sabay tanggal ng sunglasses sa mga mata.   Inirapan niya ito. “Magrereklamo ka ba? Hindi ba, ang usapan ay susunduin mo ako, Calix?”   Natawa ito. “Bakit? Chaperone mo ba ako? Hindi mo pa nga ako sinasagot,” anito saka kinamot nang bahagyang ang ibabang labi. Halatang inaakit siya.   Umikot ang mga mata niya. “Hindi mo ako madadaan sa ganiyan, no!” aniya saka hinarap si Aling Syoleng. “Tara na po sa loob,” aya niya rito.   “Mabuti pa nga.” Humarap ito kay Calix na nakangisi pa rin sa kaniya. “Calix, ikaw na ang bahala sa mga maleta ni Zia.”   “W-what? Bakit ako, Aling Syoleng?” Tinuro pa nito ang sarili.   This time ay si Zia naman ang ngumisi rito. Kitang-kita niya kung paano ito napanganga sa kaniya. Hindi niya ito pinansin saka kumapit sa braso ni Aling Syoleng at hinila ito papasok sa loob ng barn kung saan nandoon ang secret heardquarters ng Olympus Goddess.   HABANG KUMAKAIN sila ng almusal ay napansin ni Zia na nasa kaniya ang atensyon ni Calix. Kaibigan ito na matalik ng ate niya at balita niya ay maraming chicks ang lalaking ito. Babaero at madalas magpaiyak. Tinaasan niya ito ng isang kilay.   “Kung type mo ako, ngayon pa lang, sinasabihan na kita. You are not my type,” aniya rito saka ngumiti nang may pang-aasar.   Nagulat ito nang bahagya at lumingon kay Aling Syoleng. “Ang taas ng kompyansa ng bago mong alaga, Aling Syoleng.”   “Naku, e dapat lang naman iyan sa iyo at maloko ka sa mga babae,” anito rito saka ngumiti sa kaniya. “Tama lang na ganiyanin mo iyan. Ang dami na niyang pinaiyak, e!”   “Nababangging naman po siya ni Ate noon kaya na-briefing na niya ako about Calix.” Bagay na totoo naman. Ayon sa kapatid niya ay palaging may naghahanap dito ay sinasabing pinaasa at sinaktan a ng mga babae kaya dapat na mag-ingat siya.   Kahit naman siguro hindi siya nasabihan ng ate niya noon ay hinding-hindi siya papatol dito. Gwapo si Calix. Ideal man ito na masasabi kung sa pisikal na aspeto lang ngunit hindi niya ito type. Mula kasi nang mag-edad siya labintatlong taong gulang ay nakilala niya kaagad ang sarili. Alam na niya mula noon na hindi lalaki ang type niya kung hindi kapwa babae rin.   Ngunit kahit na magkaedad siya ay hindi siya naglakas ng loob na pasukin ang pakikipagrelasyon sa kahit na sino dahil natatakot siyang masaktan o makasakit. Siya rin iyong tipo ng lesbian na sopistikada at maporma. Palagian siyang naka-make up at ang trabaho niya, isang modelo.   Wala namang kinalaman ang pagiging lesbian niya sa kaniyang trabaho dahil bata pa lamang siya at gusto na talaga niya maging supermodel. Matangkad naman siya at makinis ang balat kaya naman iyon ang trabaho niya ngayon. Modelo siya ngunit hindi pa sa ibang bansa dahil may nangyari noon sa ate niya at napalampas niya ang pagkakataon.   “Hindi kita type, okay? Nakikita ko lang ang resemblance mo sa ate mo.” Pagbibigay linaw nito sa kaniya. Ilang sandali pa ay tumahimik ito saka tumanaw sa kung saan. “I miss her,” ani Calix.   Napalunok siya at iwas ng tingin dito. Mabilis kasing nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata. Gaya nito ay miss na miss na rin niya ang kaniyang ate. Sobra silang close nito kaya naman nahirapan talaga siya na matanggap ang anumang nangyari dito. Humugot siya nang malalim na hininga saka pilit na pinigil ang pagtulo ng mga luha.   Si Calix naman ay bumuntonghininga rin saka nilingon siya. “Masaya ako dahil pumayag ka na sa offer ng Olympus Goddess.”   “Oo. Para naman mahuli na ang gumawa ng masama sa kapatid ko.”   Nilahad ni Calix ang kanang palad sa harapan niya. “I will do my best to help you… just promise me one thing,” anito na seryoso nang nakatingin sa kaniya. “Don’t fall in love with that Luna Aballos.”   Ilang sandali siyang natigilan. Kumunot ang noo niya makalipas ang ilang sandali saka tumingin kay Aling Syoleng. Seryoso rin ang tingin nito sa kaniya na para bang ganoon talaga kaseryoso ang sinasabi ni Calix. Humugot si Zia nang malalim na hininga bago tinanggap ang palad ni Calix.   “Don’t worry. I will not,” aniya.   Ilang sandali silang nagkatitigan ni Calix pati na si Aling Syoleng. Tila bas a tinginan lang na iyon ay nagkakaintindihan silang tatlo.   Nang matapos silang mag-agahan ay hinatid na ni Aling Syoleng si Zia sa magiging silid nito. Habang nasa hallway ay manghang-mangha siya sa mga nakikita. Modern at masyado nang mateknolohiya ang pasilidad ng Olympus Goddess. Napansin din niya na naglalaro sa kulay ng pula, itim at puti ang mga dingding at kisame. Pati na rin ang ibang dekorasyon.   Tumigil sila sa isang silid. Nagkatinginan sila ni Aling Syoleng. “Ito na ang magiging silid mo. Ito rin ang silid ng ate mo noong siya ay nag-training pa lang din sa amin. Noong naging top agent siya ay binigay na siya kaniya ito at hindi na ulit napaukupahan sa iba kahit noong siya ay mawala.” Bakas ang lungkot sa mukha nito habang sinasabi iyon. “Hindi ka naman natatakot, di di ba?”   Umiling siya kaagad dahil hindi naman siya natatakot. Bagkus ay nakaramdam siya ng pananabik. Pakiramdam niya kasi ay makakasama niya sa isang silid ang ka niyang ate na sobrang hinihiling niya talaga hanggang ngayon. “Hindi po. Kapatid ko po iyon kaya naman hindi ako matatakot sa kaniya.” Ngumiti pa siya rito.   “Mabuti naman. Malinis sa kwarto ang kapatid mo at kung ano man ang pagkakaayos nito noon ay ganon pa rin hanggang sa ngayon. Pinapalinis namin kada dalawang linggo para hindi naman maging marumi.”   Tumango siya. “Maraming salamat po,” aniya nang buong puso.   Pinihit ni Aling Syoleng ang seradura saka binuklat nang tuluyan ang silid. Kaagad namang gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi nang makita sa nightstand nito ang larawan nilang tatlo kasama ang tita niya. Iyon ang araw na magtapos siya sa kolehiyo. Ang ganda ng ngiti nila roon ng kaniyang kapatid. Bukas na bukas ang ganda sa mukha nito.   Lumapit siya roon nang dahan-dahan saka dinampot ang picture frame. “Ate…” aniya at napasinghap na lang.   Naramdaman niya ang magaang kamay ni Aling Syoleng na humawak sa balikat niya. Kahit hindi ito magsalita ay nagpapasalamat siya rito dahil binigyan siya nito ng pagkakataon na dumito sa silid ng ate niya habang nag-tetraining siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD