CHAPTER 12 NANG MAKARATING si Zia sa kaniyang mini office ay ganoon na lang ang gulat niya nang makita si Trix sa loob ay prenteng nakaupo sa sofa. Dahan-dahan siyang naglakad palapit dito habang ito naman ay tila nauubusan ang pasensya na pinaikot pa ang mga mata bago tumayo. “Finally, dumating ka rin,” anito sa kaniya kaya naman kumunot ang noo niya. “Pakibuksan nga pinto na iyan,” dugtong ni Trix habang nakatura sa pinto na konektado sa opisina si Luna. Tumingin siya rito. Naalala niya na break na ito at si Luna kaya naman tingin niya ay hindi na ito dapat pa nagtungo roon. Bahagya siyang ngumiti. “I’m really sorry, Ma’am pero may schedule po ba kayo kay Ms. Aballos?” tanong niya sa magalang na paraang bago lumapit sa mesa niya. Hindi makapaniwala si Trix na tumingin sa kaniya. An