CHAPTER 13 NAKATITIG LANG si Zia sa kaniyang cellphone habang tinitingnan ang mukha ng kaniyang Ate Zandria. Malapit na kasi ang kaarawan nito at ilang taon na rin ang lumilipas na nag-cecelebrate siyang mag-isa dahil wala na nga ito. Humugot siya ng malalim na hininga saka nilapag ang cellphone sa ibaba ng nightstand. Nakaligo na siya at nakadamit pantulog. Nilapat niya ang likod sa malambot na kama saka pinikit ang mga mata. Sa maghapon na nagdaan ay tila ba pagod na pagod siya sa trabaho niya sa opisina ngunit kahit na ganoon, masasabi niyang nag-eenjoy siya sa ginagawa. Naisip niyang maaari din pala siyang maging secretary gayong malayo ang trabahong ito sa pagiging modelo. Nang maisip ang trabaho niya, awtomatikong pumasok sa isipan niya si Elijah na ilang araw nang walang paramda