John Ace's POV;
"Kuyaa! Umalis na tayo." Nanginginig sa takot na sabi sakin ni Jhoace. Kasama ko siya kasama ang matalik niyang kaibigan na si Shin Lorraine. kasama namin silang nanood ng isang Concert at ngayon pauwi na kami. Hinarang kami ng Sampung lalaki na may mga hawak na baseball bat ang grupong iyon ang Dating kaaway namin.
"Twin, Sumakay kayo sa kotse ni Matt Xander."sabi ko.
"Jhoace, Let's go sumakay na tayo!" Ani Shin Lorraine.
"Pero si kuya."
Tinitigan ko ng masama ang kakambal ko. "Jhoace, makinig ka sakin. Ayokong mapahamak kayo. Kami ng bahala sa mga ito."
"P-pero kuya.. Apat lang kayo hindi nyo sila kakayanin. tumakas na tayo."
Nilingon siya ni Clarence miguel. "Sumunod ka na sa kuya mo Jhoace, Sabihin mo kay Daddy ang gulong ito kapag nakatakas kayo dito."
"Clarence.."
"Matt Xander. Ikaw na ang bahala sa kakambal ko at kay Shin." sabi ko.
Tumango si Matt Xander. "Tara!"
Napansin naman iyon ng kalaban namin. Kaya tatangkain sana nila itong harangin upang basagin ang salamin ng kotse na sinasakyan nila Jhoace. Upang hindi sila makasakay. Ngunit bago pa sila makalapit sa Kotse. Hinarang na sila ni Brent Skyler at Sinuntok niya ang mga ito. Doon nagsimula ang gulo. Lumapit saming tatlo ang Gang na may hawak na baseball bat at dorposdos at kinuyog kaming tatlo. Sinikap namin silang Kalabanin. pero dahil may mga armas sila duguan kaming bumagsak sa semento. Nakalupagi na Si Clarence Miguel at Brent Skyler. Isang lalaking maraming tattoo na ang pangalan ay Timothy. Ito ang leader ng Gang na yon. Lumapit samin at hinampas si Clarence Miguel ng Baseball bat sa Likod napasigaw si Clarence miguel sa sakit.
"Makakaganti na din kami sa Magulang mo kapag napatay namin kayo..lalo kana Clarence."sabi pa nito.
"Wag nyong sasaktan sila. Mga hayuupp kayo!" anas ko sa mahinang boses. Hindi ko na kaya pang ikilos ang katawan ko. dahil sa dami ng palo sakin.
Binaling sakin ang tingin ni Timothy at lumapit siya sakin.
Inapakan ang daliri ko. Napasigaw ako sa sakit. "Gusto mo bang ikaw ang unahin ko?"
"Ako ang patayin nyo wag sila. Dahil oras na binuhay nyo pa ako. Pakikinabangan kayo ng mga uod sa lupa."
"Ah ganon!" Isang malakas na suntok ang dumapo sakin.
"Sya ang una nyong Dalhin sa kotse at patayin bago itapon!"
Binuhat ako ng Tatlong lalaki at pinasok sa loob ng kotse. "Mga duwag! Ako muna ang patayin nyo bago sila! Hindi nyo nga ako mapatay- patay sila pa kaya!" Sigaw ko. Gusto ko kasing galitin sila upang sakin matuon ang pansin nila. At nagtagumpay naman ako. dahil galit na galit na lumapit silang lahat hawak-hawak ang baseball bat. Napangiti na lang ako ng mapagtagumpayan ko silang ako ang puntiryahin nila. Ngunit bago pa sila makalapit sakin. Isang malakas na sigaw ang nagpagulo sa kanila.. Dahil isa sa mga Kasama nila ang Bumagsak sa lupa at duguan ang ulo. Wala ng buhay.
"Daddy..."
Napalingon ako at nakita ko doon si Tito Teo may hawak na baril. Kasama ang mga tauhan nito. Galit na galit si Tito Teo. habang pinagmamasdan nya kami. "Wala kayong ititirang buhay sa kanila!" Sigaw ni Tito Teo.
"Sibat na! Dali.!" Sigaw nila.
Hindi ko nagawang makaalis sa loob ng kotse nila. Dahil hindi ko magawang tumayo para tumalon. Kaya kasama ako ng mga kalaban na tumatakas. Gustong kong matawa sa kalagayan nila. Kahit anong gawin nilang pagtakas. Mamatay parin naman sila.
"Urgh!" Sigaw ng isa.
Walang tigil kasi ang pagputok ng baril nila Tito Teo sa mga lalaking kalaban namin habang sinusundan sila. Isa-isa silang nalagas hanggang sa dalawa na lang silang Natira.
"Tang Ina! Mamatay na tayo Timothy. Patay na lahat sila." Nanginginig na sigaw ng isang lalaki.
"Wag kang duwag! Bilisan mo pagpapatakbo. maabutan nila tayo!!"
Ngunit bago pa sila lumiko. Tinamaan ang Lalaking nagmamaneho. Mas lalong nanginig sa takot si Timothy kaya ng mahuhulog sa bangin ang kotse. Tumalon si Timothy ngunit huli na dahil pagtayo niya dalawang sunod na putok ang tumama sa kanya. habang ako nanatiling nasa loob ng kotse na mahuhulog kung saan. Wala akong magawa kundi ipikit ang mga mata ko dahil hndi ko kayang tumayo. "I'm dead." Pagkatapos tuluyan ng nanlabo ang paningin ko.
Pagmulat ng mga mata ko nasa isang Damuhan ako. Hindi ko na alinta ang Mga insektong kumakagat sakin. Sobrang sakit na ng ulo at katawan ko. Buhay pa ako." Saglit kong sinilip ang paligid ko. Wala ang kotseng sinakyan ko. Marahil napalayo ang bagsak ko kaya hindi ko makita.
"Tulong! Tulong!" Sigaw ko sa mahina kong boses. Sinisikap kong may mapadpad sa lugar na ito at nagbabasakali akong May tumulong sakin.
"Tulong! Tulungan nyo ako!"
Ilang saglit pa naririnig ko ang mga yabag ng Paa. "Andito ako! tulungan nyo ako!" Sabi ko. Ngunit unti-unti ng Nawawalan ako ng paningin. "Ito na ba talaga?" Pagkatapos kusang pinikit ko ang mga mata ko.
***
"Ang Gwapo naman ng Napulot mo Heira. Pang Artista! saan mo ba yan napulot?"
"Dyan lang Nay sa may talahiban. Akala ko nga Multo natakot ako. tao pala."
Dahan-dahang idinilat ko ang mga mata ko. Dahil sa naririg ko ang ingay. "Asan ako?"
"Ha? Ahh-— Eh, N-nandito ka sa bahay namin. Nay! tulungan nyo ako gising na yung Aso este taong napulot ko!"
Nakatitig lang ako sa mga nagiging kilos nila. Wala kasi akong lakas para kontrahin sila
Saglit kong pinagmasdan ang paligid ko. Isang maliit na barong-barong na kasing laki ng kwadra ng kabayo namin sa Batangas ang bahay na ito. Napansin ko din ang low class na Telebisyon na nakapatong sa Nakakadiring table. Mas maganda pa ang bahay ni Yaya Chedeng dito. Buti na lang may sakit ako. Kung hindi baka magsuka ako sa cheap na bahay na ito. Napangiwi ako sa babaing hindi nalalayo sa edad ko. I cant imagine na meron pang nabubuhay na ganyang kapangit na nilalang ngayong panahon. Akala ko noong panahon ng mga Java pa nauso ang mga panget na tao. Bakit may nabubuhay pa hanggang ngayon?
"Ikaw na ang kumausap dyan Heira! May ginagawa ako dito." Sigaw noong matandang dabyana na kamukha ni Dugong.
"Sige na nga!"
Napangiwi ako ng inilapit nya ang kamay nya sa mukha ko. At leeg ko. "Wala ka nang lagnat. Kamusta na ang pakiramdam mo? Gwapo."
"Pwede bang Magtoothbrush ka muna. Ang baho ng hininga mo eh, nakakadiri ka." Inis kong sagot.
Tinapat niya ang palad niya sa bibig nya at hiningahan iyon. Tapos muling tumingin sakin. "Wala namang amoy ah. Kakatoothbrush ko lang."
"Saang Allien ka nabibilang? Nasa ibang planeta ba ako?!"
Kitang-kita ko ang pag laki ng butas ng ilong nya sa galit sakin.
"I Knew it.. kalahi mo ang Baboy Ramo. Or maybe Relatives ka ng hippopotamus. Saang Juggle ka ba nabibilang?"
"Anong sinabi mo!" Gigil na ulit nya sakin.
"Narinig mo na diba? Uulitin ko pa ba? No way! binge ka eh,"
"Eh, kung sipasipain kaya kita dyan. Ha!"
"Call my Dad. and I'l pay you. Go hippo."
Natigila siya. "Hippo? Anong ibig sabihin ng hippo?" usisa ni ugly creature.
"Psh! Ugly Creature ka na wala ka pang I.Q. please call my Dad. gusto ko nang Umuwi dahil baka matetano ako dito sa Bahay nyo."
Nakataas ang kilay nya sakin. Habang nanggigil sa galit. "Eh, kung Patayin na kita ng tuluyan! Para matigil yang kayabangan mo! Ikaw na nga itong tinulungan. Katakot-takot na Panglalait ang sinabi mo samin."
"Pag pinatay mo ako. Lahat ng Angkan mo papatayin din ni Tito Teo at ni Dad."
"Ha? Ahh— Nagbibiro lang naman ako. Sige tatawagan ko na ang Daddy mo. "Kinuha nya ang Cellphone nya pagkatapos hininga nya ang Numero ni Dad,
Nakakunot ang noo ko. Habang nakatingin sa ginagawa nya. "What's Wrong Hippo?" Inis kong tanong.
"Ah.. kasi.. Wala na pala akonag load." Nakangisi pa siya sakin.
"The Hell! NapakaPulubi mo naman. Panget na nga Cellphone mo wala ka pang Load!"
Dinuro niya ako. "Hoy! Lalaking Gwapo na may ugaling Demonyo! kotang-kota na ako sayo ah. Kanina mo pa ako iniinsulto. Ikaw na nga tinulungan. Ikaw pa ang may ganang magalit. Saang School ka ba nag Aaral? At napakapanget ng ugali mo. Wala bang subject na GMRC? ang pangit ng Lumalabas sa bibig mo!"
"Stupid Hippo. Kung ayaw mo akong tulungan. Pakitawag na lang ng Matandang dabyana na kamukha ni Dugong siya na lang ang Kakausapin ko."
Isang Sampal ang dumapo sakin. Galit siyang nakatitig sakin. "Wala na talagang Tao na katulad mo ang Kasing Sama ng ugali. Kaya ka siguro nagkaganyan! dahil sa ugali mo. Bahala ka sa buhay mo. Kung gusto mong umuwi. Tumayo ka at maglakad ka pauwi sa inyo." Sabay talikod nya sakin.
Natulala ako sa ginawa nya. Dahil siya lang ang kauna unahang babaeng sumampal sa makinis kong mukha. "Kadiri ng kamay nya ang kapal ng kalyo."
Tinalikuran niya ako at hindi na muling lumapit sakin. Tanging ang Matandang dabyana na kamukha ni Dugong ang lumalapit sakin. Upang bigyan ako ng pagkain. Wala akong magawa kundi ang kumain ng pagkain nila. Kailangan ko kasing lamanan ang Tyan ko. Upang makainom ng gamot. Kung ano-anong halamang gamot ang inilagay nila sakin. Wala akong magawa kundi ang tanggapin na lang iyon.
Nang hapon din iyon, Isang Batang Lalaki ang Lumapit sakin. "Kuya kamusta na ang pakiramdam mo?"
Tinitigan ko siya. "Kuya? Hindi kita kapatid. Don't call me kuya."
"Ano Bang gusto mong itawag ko sayo? Hindi naman namin alam ang pangalan mo. Kuya ang tinatawag ko kapag hindi ko alam ang pangalan ng isang Tao. Paggalang ang tawag don."
"Psh! Hindi ko kailangan ng paliwanag mo."
"Ang suplado mo pala kaya suko sayo si Ate Heira."
"So Heira pala ang pangalan ni Hippo."sabi ko sa isip.
"Ako nga pala si Hairu. Ikaw po?"
"J.A." sagot ko.
Nakangiti siyang inilahad ang kamay nya sakin. "Nice Meeting you. J.A,"
Tinitigan ko lang kamay nya. Ang dumi kasi ng palad nya. Napansin naman iyon ni Hairu kaya ang ginawa nya naghugas muna ng Alcohol. "Malinis na ang kamay ko J.A."sagot pa nya.
Bigla ko tuloy naalala sa kanya ang bunsong kong kapatid na si John Axle. "You Can call me kuya. mukha ngang panget kapag J.A lang ang tawag mo sakin."
"Okay po kuya J.A"
"Ahmm.. Hairu, may Cellphone ka ba?"
"Opo kaya lang hindi siya Android."
"My load ka ba? I mean yung pwedeng gamitin sa pang tawag."
Tumango siya sakin. "Opo naka Unli call po ako. "Dinukot niya ang cellphone niya. At iniabot sakin.
Nagdadalawang isip akong tanggapin ang cellphone niya. Sa itsura ng cellphone nya. Halatang low class ang Model ng Cellphone nya. pero Kahit ganoon. May load naman. Hindi katulad noong kay Hippo. "Thanks." sagot ko.
Agad kong tinawagan si Daddy. At sinabi kong okay naman ako. Sinabi kong sunduin nila ako ngayon. Dahil hindi ko na kayang tiisin nag Lugar na kinaroroonan ko.
"Anong lugar ba 'to Hairu?"
Sinulat ni Hairu ang Address nila. Pagkatapos agad ko iyon. Sinabi kay Daddy.
"Okay sige Anak. Susunduin ka namin dyan. Within two hours." Sagot ni Frits.
"Thank Dad,"
"Sige hintayin mo ako. Mag iingat ka dyan ha. Pupunta na kami ng Mommy mo. Bye!"
"Bye Dad," Pagkatapos pinutol ko na ang tawag kay Daddy.
"Nakausap mo na kuya J.A?"
Tumango ako. "Thanks! Hairu."
"Nasaan na pala ang Ate Hippo.. I mean Si Heira at Nanay mo?" Napansin ko kasing wala sila ngayon dito."
"Sila ba? Nasa palengke nagtitinda ng Tsinelas. Kaya ako ang bantay mo dito. Mayamaya uuwi na din sila."
"Ah ganon ba?"
"Wag kang mag alala kuya J.A ako ang bahala sayo ngayon. Sabihin mo lang kung anong gusto mong kainin. May pagpipilian ka. Kanin na may Adobong Baboy. At Pandesal na may palamang itlog. tubig lang at kape ang Pwede mong inumin dito."
Lahat ng sinabi niya hindi ko kinakain. Ayokong kumain ng ganon. Lalo na ang pandesal? Hapon na bakit pandesal pa din? urgh! Hindi nga ako namatay sa mga palo ng Baseball bat nila timothy. Mukhang kapag tumagal pa ako dito. Mamatay din ako. Kung hindi sa gutom. Sa food poison. Buti na lang talaga parating na sila Mom, and Dad. Makakaalis na rin ako dito.
"Salamat, pero busog pa ako."
"Ayaw mo ba? Alam mo bang sa Linggo pa dapat naka schedule ang pagkain namin ng karneng baboy. Pero dahil sabi ni Ate Heira na Chusy ka daw kaya pinagluto ka nila ng Adobong Baboy. Mineral din ang Tubig mo. Don't worry. Mga bagong plato, kutsara, tinidor at baso. ang gagamitin mo kapag kumain ka. wag kang mag alala hindi ka mag kakasakit."
Bigla naman akong Nahiya sa ugaling pinakita ko. Hindi ko kasi naisip na ako dapat ang mahiya dahil ako ang tinulungan. siguradong naging malaking perwisyo ako sa kanila.
"Salamat, wag kayong mag aalala. Babayaran kayo ni Daddy ng doble sa Mga naitulong nyo sakin."
"Wag na po. Ang pagtulong sa kapwa ay hindi naghahangad ng anumang kapalit."
Umiwas ako ng tingin. Parang napahiya ako sa sinabi nya. Sa katulad nyang bata. marunong ng mag isip ng ganon.