CHAPTER 1
CHAPTER 1
JOHN ACE’S POV
“MOMMY at Daddy, bakit pa kayo sumabay sa'min nina Jhoace at Shawn Skyler dito? Nakakahiya mga binata at dalaga na kami,” sabi ko sa Mommy at Daddy ko.
Binabagtas na namin ang daan patungo sa school na pagmamay-ari ng pamilya naming, ang Saint Palace International Academy. Ngayon kasi magtatapos ang huling araw ng klase ngayong taon, at sa susunod na pasukan ay nasa unang taon na kami ng kakambal kong si Jhoace sa kolehiyo samantalang si Shawn Skyler naman ay nasa unang taon na ng high school. May kapatid pa akong bunso na nasa ikalimang baitang sa elementary, si John Axle. Isinunod ang pangalan niya sa first name ko. At dahil sakop ng school naming mula sa preparatory hanggang college, iisang school lang kaming lahat. Magkakaibang building lang kami ng pinapasukan.
“Be proud dahil kasama n’yo ang guwapo ninyong Daddy at ang maganda niyong Mommy. ‘Diba Wife?” sabad ni Daddy.
“Ikaw talaga, Husbie ko. Binobola mo na naman ako,” sagot naman ni Mommy.
“Mom, Dad, puwede ba. tigilan ninyo ang lambingam ninyo sa harap naming? Nakakahiya,” sagot ko.
“Inggit lang iyan sa inyo, Mom, Dad. Si Kuya John Ace kasi tatandang binata na iyan sa sobrang sungit,” sabad naman ng kakambal kong si Jhoace.
“Naku! Ganyan din ang daddy ninyong masungit. Ako pa nga ang nanligaw riyan.” Tumingin pa si Mommy kay Daddy.
“Talaga, Mommy?! Ang sweet naman ng love story ninyong dalawa. Sana may ganyan din kaming sweet love story,” kinikilig na sabi ni Jhoace.
"Wala pa ngang sinasabi si Mommy kinilig ka na agad, Jhoace? Nagpapalakas ka lang yata kay Mommy. Siguro may hihingin ka na naman sa kanila."
Tinitigan ako nang masama ni Jhoace. Kitang-kita ko na napikon siya sa sinabi ko. Ngumisi lang ako habang nakatingin ako sa kaniya. "Pikon!"sabi ko sa mahinang boses.
“Mommy, Daddy, si Kuya,oh!”
“John Ace, inaaway mo na naman ang kapatid mo,” sabi ni Daddy.
“Hindi po, Daddy. Pikon kasi siya.”
“John Ace, binata at dalaga na kayo hanggang ngayon ba, mag-aaway pa rin kayo?” tanong ni Daddy, habang nakatuon ang pansin sa kalsada siya kasi ang nagmamaneho ng kotse.
Tumahimik ako. Wala naman akong magagawa. Ako palagi ang dapat mag pasensiya dahil ako ang panganay na anak. Ako dapat ang umintindi sa mga nakababata kong kapatid.
Halos hindi na makapasok sa loob ng school ang kotse namin dahil sa dami ng mga estudyanteng nag-aabang sa harapan ng gate. Pagbaba nina Mommy at Daddy ay nagtilian ang mga estudyante. Napailing na lang ako. Ganito ba kasikat sina Mommy at Daddy noon para magmukhang may mall show ang school na ito?
“Mga Anak, bumababa na kayo riyan!” tawag ni Mommy.
Unang bumababa si Shawn Skyler, at naghiyawan na naman ang mga estudyante.
“Ang guwapo pala ni Shawn Skyler, mas guwapo siya sa personal," narinig kong sabi ng mga nasa gilid ng kotse.
Halos humalik na kasi sila sa kotse namin dahil sa dami ng tao. Medyo bukas ang salamin ng kotse kaya naririnig ko silang lahat.
Kahit hindi huling araw na ng klase ngayon marami pa rin ang nag-aabang sa’min.
“Oo nga! Ang ganda at guwapo naman kasi ng mga magulang. Look at them, my gosh! Parang magkakapatid lang sila kung hindi mo sila kilala.”
“Para silang mga vampire sa Twilight na hindi tumatanda.”
Sumunod na bumaba si Jhoace, ang maldita kong kakambal. Sabi nila nagmana raw si Jhoace kay Mommy. Hindi ako naniniwala dahil kung si Mommy ay maldita noon, si Jhoace ang upgraded version ni Mommy. Nakaka-badtrip ang kamalditahan niya.
Umiling na lang ako nang makita ko si Jhoace na may pagkaway-kaway pa, akala mo’y mayor na tatakbo sa eleksyon.
“Ang ganda ni Jhoace, grabe! Mukha siyang diyosa," usal ng lalaking nasa kaliwa.
“Oo nga. Mukha siya na ang matagal ko ng pinapangarap na babae.”
Kung maririnig iyon ni Jhoace, paniguradong isang daang kapintasan ang masasabi niya sa mga iyon. Gano’n siya kalaitera.
Bumaba naman ako. Pagbaba ko, malakas na hiyawan ang narinig ko.
“Andiyan na ang King of Casanova!”
“Oo nga. Siya ang King” Halos panawan na ng ulirat ang mga babaeng walang tigil sa pagtitili sa’min.
“Kuya, narinig mo? Tinawag kang King of Casanova. So, ibig sabihin kinabog mo si Daddy,” pang-aasar ni Jhoace.
Sumimangot ako. “Psh! Narinig mo rin ba ang bansag nila sa’yo?”
Ngumiti si Jhoace. “Ano, Kuya? Queen of Casanova?”
“Hindi. Queen of Upgraded Maldita.” Ngumisi pa ako sa kanya.”
Umikot ang mga mata niya sa’kin. Natuwa naman ako dahil nakaganti rin ako sa kanya.
“I hate you, Kuya.”
“I love you, Twin Sister.”
Inirapan niya ako. “Tse!”
Sumunod kami ni Jhoace kina Mommy at Daddy. Pagkatapos makipag-usap nina Mommy at Daddy sa principal at teachers, agad na silang umalis ng school dahil pupunta pa sila sa building ng elementarya upang ihatid si John Axle.
Tahimik akong nakaupo sa gilid malapit sa bintana. Nasa dulo ako dahil ayoko ng nai-istorbo ako ng mga kapwa ko estudyante. Hindi pa nag-uumpisa ang unang subject namin nang may lumapit sa aking isang babae. Napangiwi ako sa ginawa niya. Sinadya kasi niyang itaas ang palda niya upang tumambad sa’kin ang binti niya. Halos masilip na ang flower niya sa iksi ng palda niya.
“Hi, King!” sabi nito sa malanding boses.
Hindi ko siya pinansin. Nagkunwari akong abala sa pagbabasa ng librong binabasa ko. Ngunit sadyang epal talaga ang babaeng iyon dahil umupo pa siya sa desk ko. “Umalis ka riyan!” utos ko sa kanya.
Imbes na matakot ang babaeng iyon ngumiti pa siya sa’kin.
“Oh? Gusto ko iyan palaban. Ako nga pala si Patricia.”
“Are you stupid, Slut?”
“What?” Nanlaki pa ang mga mata niya.
“What do you want? Kiss or s*x with me, Slut?”
“How dare you?! Bastos ka!”
“Psh! What do you expect? Bibigyan kita ng sampaguita? Nagpapabastos ka. Ano’ng gusto mong isipin ko? Anyway, kung gusto mong halikan kita, then, I will give it to you, basta mag-toothbrush at mag-mouthwash ka. Kung s*x naman, kailangan ko ng medical certificate mo dahil choosy ako.”
“Bastos!”
Sasampalin niya sana ako ngunit mabilis kong hinawakan ang kamay niya at matalim ko siyang tinitigan.
“Hindi ako ang unang gumawa ng gulo. Kung type mo ako, sabihin mo lang,” sabi ko sabay baba ko sa kamay niya at tumayo ako sa kinauupuan ko.
Bago pa ako makalabas ng classroom namin may humarang sa’kin na dalawang lalaki. Sasapakin sana ako ngunit inunahan ko na sila. At kahit pagtulungan nila akong dalawa hindi sila mananalo sa’kin. Thanks kay Tito Teo. Siya ang nagturo sa’kin ng iba’t-ibang self-defense. Kaya naman namimilipit silang bumagsak sa semento.
“Boring. They're weak,” bulong ko bago ako lumabas ng classroom habang nakapamulsa ako.
************
“KUMUSTA, ang last day of school, John Ace?” tanong sa’kin ni Clarence Miguel. Kasama ko siyang naglalaro ng online game sa loob ng kuwarto niya. Madalas kasing dito ako tumatambay sa bahay nila. Si Clarence kasi ang naging pinaka bestfriend ko sa anim kong kaibigan dahil siguro malapit si Mommy kay Tito Teo.
Nakatuon ang pansin ko sa computer habang nagsasalita. “Boring kasi wala kayo, bakit ba hindi kayo pumasok?”
“Wala naman kasing gagawin dahil huling araw na ng klase.”
“Kung pumasok ka, maiinis ka lang. Marami pa rin pumasok na epal na mga estudyante.”
“Ano’ng klaseng epal? Mga chikababes ba?” Ngumisi pa siya.
“Magaganda? mayron naman siguro.”
“Asus! ‘Wag mong hanapin ang katulad ng Mommy mo dahil nag-iisa lang ang ganda ni Tita Ally. For sure may susulpot na magaganda riyan sa school.”
“Hindi ko naman hinahanap ang katulad ni Mommy kasi nag-iisa lang siya at walang makakapantay sa kanya. Gusto ko lang ding maramdaman ang naramdaman ni Daddy kay Mommy noon.”
“Hayaan mo darating din iyan at siguradong mararamdaman mo rin iyan. Sa ngayon mag-enjoy muna tayo sa pagbibilang ng mga bulaklak sa paraiso,” pilyong sabi ni Clarence Miguel.
“Ul*l ka!”
Tumawa nang tumawa sa’kin si Clarence Miguel. Ilang saglit pa dumating ang limang magugulo kong kaibigan sina Matt Xander, Brent Skyler, Clark Tristan, LordJereh Dale, at Zach Alexander.
Ang gugulo at ang iingay namin kapag kumpleto. Pito kaming lahat at ang mga magulang namin ay matatalik na magkakaibigan noon kaya naman para kaming magkakapatid. Kung papansinin n’yo ang pangalan naming, lahat ay puro dalawa. Ganyan kasipag ang magulang naming mag-isip ng pangalan at kailangang pahirapan pa kami sa pagsusulat kaya naman minsan mga letra na lang sa una’ at pangalawang name namin ang ginagamit namin.
Ang hilig naming magkakaibigan ay mag billiards, manood ng anime at mag bar. Mayroon kasing sariling bar sina Clarence Miguel kaya naman madalas kaming nandoon upang mag-hunting ng mga girls. Ngunit bago nila ako matikman, kailangan nilang sumunod sa rules ko. Una, kailangan nilang magbigay ng medical certificate. Pangalawa, mag-toothbrush at mag-mouthwash muna sila kung gusto nila akong halikan. Sabihin na nating choosy ako. Natural, ako yata ang panganay na anak ng nag-iisang lider ng Casanova sa Saint Palace International Academy noon kaya dapat lang na mag-inarte ako. Ako raw ang King ng school. Kapalit daw ako ni Daddy. Well, parang nagugustuhan ko na ang bansag na iyon dahil mukhang bagay talaga sa’kin. I am John Ace Ramirez Santiago, The King of Casanova of Saint Palace International Academy. And if you wanna play with me, just follow my rules.