CHAPTER 3
HEIRA’S POV
ARAW ng Sabado ngayon at ito lang ang araw ng exam para sa mga gustong maging scholar ng Saint Paul International Academy. Higit labing lima lang ang maaring maging scholar dahil limitado lang ito.
Nakaabang ako sa labas ng gate ng school. Sumama kasi ako sa mga kaibigan ko na mag-e-exam ng scholarship sa SPIA. Kahit walang akong mataas na IQ, sumubok pa rin akong mag-exam para sa scholarship nila.
Isang magarang sasakyan ang papasok sa loob ng SPIA. Halos lahat kami ay Gumilid sa dadaanan ng kotse.
“Heira, sino kaya ang may ari ng kotse na iyan?” tanong ni Phoebecate, isa sa mga matalik kong kaibigan.
“Ewan ko. Excited na akong makita kung sino.”
Bigla huminto at halos naputol ang paghinga ko habang inaabangan kong lumabas ang taong nasa loob noon.
Nagtilian na ang mga taong nasa labas nang lumabas ang guwapong lalaki. Halos panawan ako ng ulirat nang makita ko sa personal ang mahal ko.
“Frits!” sigaw ni Phoebecate.
Pakiramdam ko, nagdedeliryo na ako sa sobrang kilig na nararamdaman ko. “P*tcha! Frits, My Love.”
“Heira, ang guwapo pala sa personal ni Frits. Nakakakilig.”
“Oo nga.” Kulang na lang ay dumikit ang mata ko sa katawan ni Frits.
Lumapit sa amin si Maezy. “Si Frits Santiago kasama ang diyosa niyang asawa si Allyson Ramirez Santiago. Tingnan ninyo ang diyosa niya. Ang kinis at sobrang puti ni Allyson. Balita ko, ubod daw iyan ng maldita lalo na kapag may lumalandi sa asawa niya,” sabi Maezy.
Napasimangot ako. Panira naman ng momentum itong bruhilda kong kaibigan na si Maezy. Hindi tuloy ako makapag-day dreaming.
“Asar ka, no!” sabay irap ko sa kanya.
“Ginigising lang kita, Heira.”
“Iyan na! Papalapit na sila sa’tin,” sabi Phoebecate.
Pakiramdam ko hanggang utak ko na ang lapad ng pagkakangiti ko habang papalapit sila sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ako habang papalapit sila nang papalapit sa amin.
“Heira Irish, punasan mo nga ang ilong mo dumudugo,” sabi Maezy.
“Ha?” kinapa ko ang ilong ko.
May dugo na nga. Mabilis ko iyong pinunasan.
“Iyan na sila.” bulong ni Phoebecate.
Para akong nasisinagan ng liwanag nang makita ko siya sa personal. Ngumiti si Frits sa amin na labas ang dimples nito. “s**t! Ulam.”
“Kumusta kayo?” Tanong ni Frits sa amin.
Nang magtama ang mata naming ay tuluyan na akong bumigay. Kasunod noon, nagdilim na ang paningin ko.
“Heira! Heira!”
Iyon ang huling kong narinig mula sa mga kaibigan ko.
Pagmulat ng mga mata ko, nasa labas pa rin kami ng SPIA at nakaupo sa gilid ng daan. Bumangon ako. "Nasaan na ang Frits ko?
Umirap sa’kin si Maezy. “Gusto mo bang ihampas ko iyang batong nasa tabi mo para hindi lang ilong mo ang magdugo sa’yo?”
“Nakakaasar ka na, Maezy. Panira ka ng moment palagi,” sabi ko.
“Nakakahiya ka kasi. Nakita mo lang si Frits, dumugo na iyang ilong mo pagkatapos, hinimatay ka na. Para kang si Sunako,” sabi ni Maezy.
Kumunot ang noo ko. “Huh? Sino naman iyon?”
“Heira, si Sunako, anime character iyon na pinapanood ni Maezy,” sagot ni Phoebecate.
“Teka! ‘Diba hinimatay ako? Bakit hindi nalaman ni Frits na hinimatay ako?”
“Ano ka? Feel na feel mong mapapansin ka?! Muntik na nga tayong ma-ipit nang himtayin ka. Iyong mga taong magte-take ng scholarahip tulad natin, iyon sinundan si Frits sa unahan. Iyan tuloy, muntik na tayong mayupi dahil sa’yo.”
Nakaramdam ako ng panghihinayang. Kung hindi ako hinimatay, eh, ‘di sana matagal ko siyang natitigan. “Hays!”
Tumayo si Maezy at Phoebecate.
“Mag-e-exam na kami,” sabi Phoebecate.
Tumayo na rin ako. “Tara na!”
“Sure ka?” tanong ni Maezy.
Tumango ako. “Oo naman! Baka magkaroon ng milagro. eh. Malay mo, true or false lang tapos choose the correct answers lang ang mga tanong. Pwedeng-puwede ng tiyambahan.”
Napangiwi si Maezy. “Heira, ilan ang final average mo noong highschool?” Saglit akong napaisip. “Hindi ko matandaan kung 75% or 76% percent. Teka, titingnan ko.” Kukunin ko na sana ang card ko kaya lang pinigilan nila ako.
“Heira, ‘wag na! Kahit ma-average 80% pa iyan, walang milagro,” sabi ni Phoebecate.
“Mauna na kami sa’yo, Heira. Mauna ka nang umuwi,” sabi ni Meazy
“Teka lang!”
Ngunit hindi na nila ako pinansin at dire-diretso na silang pumasok sa loob. Tinanaw ko na lang silang dalawa at napansin kong hinarang sila ng security guard at pinakita nila ang Form 138 nila.
“Walang mawawala kung hindi susubukan,”
Pasipol-sipol pa ako habang papasok ako sa loob. Agad akong hinarang ng guard.
“Miss, mag-e-exam ka ba?”
“Yes! Why?’ pa-English ko pang sabi feeling matalino lang.
“Gano’n ba? Patingin ng form 138 mo? I-check ko muna.”
“Patay na!”
“Why? You’re just a security guard here. Why I need to give you my Form 138?”
Tumango ang guard. “Security guard ako at tungkulin kong sundin ang pinag-uutos ng boss ko. Kaya ibigay na ang Form 138 mo. Kung ayaw mong ibigay, makakaalis ka na.”
Kakamot akong iniabot ang form 138 ko. Napangiwi ang security guard nang makita niya ang card ko. Pagkatapos ay muling inabot iyon sa’kin. “Hindi qualified.”
“Why, Manong Guard?”
“Because your grade is pasang awa,” banat ni Manong Guard na sumubok na ring mag-English.
“Manong Guard, don't judge a book by its cover.”
“Pa-English English ka pa, pasang-awa naman iyang grades mo. Mataas pa ang grades ng anak ko sa’yo. Partida Grade One pa lang iyon. ‘Wag ka nang mangarap pumasok dito,” sabi ng security guard habang tinitulak ako palabas.
“Ay! Grabe siya.”
‘Bawal dito ang ganyang grades. ‘Wag ng mangarap, Ineng.” tinulak pa ako ni Manong Guard.
“Teka lang! Teka lang! ‘Wag ninyo naman akong itulak.”
“Okay sige. Umalis ka na.”
Nakaisip ako ng paraan para makapasok sa loob ng school. Ang Plan B. “Manong, tingnan ninyo po iyong mga iyon. May mga dalang mga baril at papalapit sila dito." turo ko kunwari.
Napangiti ako ng magpa-uto sa’kin ang security guard.
“Nasaan?”
Bigla akong kumaripas ng takbo papasok sa loob.
“Hoy! ineng! Bumalik ka rito.,” sigaw ng security guard sa’kin.
Pero sorry na lang sa kanya. Mas mabilis akong tumakbo sa kanya. Sumasali kaya ako sa marathon dati. Pagliko ko sa isang building nagulat na lang ako nang bigla kong mabangga ang isang bulto na lalaki. Dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga, unang bumagsak ang pwet ko.
“Aray ko!”
“Ikaw na bata ka! Ang tigas ng ulo mo,” sapilitan akong hinila palabas.
Paano nila nalaman na naroon ako? Nakakainis! Akala ko isang security guard lang ang bantay. Madami pala sila. Nakasimangot ako habang papalabas ng school.
“Buti nakita ninyo sa CCTV camera ang batang iyan, “ narinig kong sabi ng isang security guard.
Oo nga naman. Bakit ba hindi ko naisip na pang-mayaman ang school na ito? Natural, tadtad ito ng CCTV camera. “Urgh!”
Bago ako tuluyang lumabas ng school, lumapit muna ako sa security guard na tinakasan ko kanina. “Sorry po, Manong Guard. Gusto ko lang naman pong makapag-aral diyan sa school na ‘yan, eh.”
“Naiintindihan kita. Hindi lang ikaw ang nagtangkang pumasok sa SPIA para makapag-exam. Pasensiya na, kailangan naming sumunod sa rules nila at utos ng boss namin.”
Bumuntong-hininga ako. “Alam ko po iyon. Pasensya na.”
Bago ako tuluyang umalis sa school na iyon, tumingala ako sa arko ng SPIA. “Wala talaga akong pag-asang makapasok diyan. Siguro nga, tama silang lahat. ‘Wag akong mangarap ng sobrang imposible para hindi ko palaging nararanasan ang madalas na pagkabigo.” Pagkatapos ay bagsak ang balikat kong umalis na doon.
*******
NAKAHALUMBABA ako habang nasa harapan ko ang isang buong letchong manok. Kakain na kasi kami ng dinner.
“Heira!”
“Ate, tawag ka ni Nanay,” dugtong pa ni Hairu.
Isang hampas sa ulo ang nagpagising ng diwa ko. “Aray naman, ‘Nay! Kaya hindi ako matalino kasi lagi mo akong binabatukan ng sandok, eh.”
Nagpmaywang sa harapan ko si Nanay. “Aba, sinisisi mo pa ang sandok sa kahinaan ng utak mong bata ka! Kasalanan ba ng sandok na hindi ka masipag sa pag-aaral, ha?!”
“Oo na! Ako na ang hindi matalino. Ako na ang hindi maganda. Ako na ang hindi ma-suwerte. Ako na! Ako na lahat!”
Kinilabit ako ni Hairu. “Hugot pa more, Ate.”
Umikot ang eyeballs ko sa kanya. “Isa ka pa”
“Tama na iyang arte mo. Kumain na tayo. Magpasalamat tayo dahil may libre tayong isang buong letchong manok,” sabi ni Nanay. Umupo na ito sa tapat ng dining table at nag-umpisa nang kumain.
“’Nay, baka botcha yang manok na yan.”
“Hindi ‘yan botcha! Ibinigay ‘yan ng Mama ni Maezy. Libre raw niya ‘yan sa atin kasi nakapasa si Maezy sa Saint Paul International Academy. Ang talino talaga ng batang iyon.”
Nakaramdam ako ng lungkot at awa para sa sarili ko. “Buti pa siya nakapasok doon.”
“Hindi lang siya. Pati si Phoebecate nakapasok. Ang galing nila,” dagdag pa ni Nanay.
Parang gusto ko na tuloy umiyak dahil sa pagkahabag ko sa sarili ko. Bakit ako hindi biniyayaan ng talino? Unfair!
“Ate, kumain ka na,” sabi ng kapatid ko.
Tumayo ako. “Hindi na ako kakain.”
“Oh, bakit hindi ka kakain? Nagda-diet ka ba?” tanong ni Nanay.
“Hindi po, wala lang lang akong gana. Sige po aakyat na ako sa kwarto ko."
“Bahala ka. Masarap pa naman itong ulam natin. Kung kailan masarap ang ulam natin saka mo ayaw kumain.”
“Ate, uubusin na namin ni Nanay ang ulam.”
Pilit akong ngumiti. “Kayo ang bahala,” sabi ko sabay pihit ko patalikod at umakyat na ako sa kuwarto.
Pagpasok ko sa kwarto ko, pinagmasdan ko ang mga picture na nakadikit sa dingding. Puro larawan iyon ni Frits. “Kailangan ko nang tigilan ang pagpa-pantasya sa iyo para mapagtuunan ko ang totoong buhay na meron ako,” sambit ko sa picture ni Frits. Pagkatapos isa-isa kong pinunit ang mga iyon. Itinapon ko rin ang mga magazine ko at ang t-shirt na may mukha ni Frits na pinasadya ko pa ay itinapon ko na rin. Naglinis na rin ako ng buong kuwarto ko pagkatapos ay lumabas ako upang itapon ang mga basurang naipon ko. Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko si Nanay na nag-aayos ng mga tsinelas na paninda.
Napansin niya ang mga basurang itatapon ko. “Ano’ng hangin ang pumasok sa katawan mo, Heira, at itatapon mo na iyang mga larawan na iyan?” nagtatakang tanong ni Nanay.
“For a change. New dreams and new life na rin, Nanay.”
“Nakapaninibago talaga ‘yan. Samantalang dati para kang bakang umaatungal kung umiyak kapag nag punit nang kaunti iyang mga picture mo. Tapos ngayon, susunugin mo na? may himala nga.”
Nginitian ko na lang si Nanay. Simula bukas mangangarap ako ayon sa antas ng kabuhayan namin. Mangangarap ako nang may katotohanan para hindi ako palaging nabibigo. Walang Frits Santiago sa buhay ko, walang kalandian. Kailangan kong isipin ang pamilya ko ngayon lalo na at sumakabilang bahay na ang tatay ko.