CHAPTER 5

1919 Words
Heira's POV "Ate! Ate!" Malakas na sigaw ni Hairu sakin. Nagtatakbo pa ito papalapit sa tindahan ng Tsinelas. "Atee!!" Sigaw pa nito sa tapat ng Tenga ko. "Ano? Unli ka? Binge! Binge!"inis kong sagot. Habol ang pag hinga ni Hairu ng umupo sa bangkito. "Kailangan mo bang uminom tubig Hairu?" "Ate naman kailangan pa bang tanungin yan. pengeng tubig. " Agad naman akong sumunod sa kapatid ko. kinuha ko siya ng tubig. At iniabot sa kanya. "Oh! Tubig." "Salamat Ate. Wala bang tinapay?" Isang Batok ang pinatikim ko sa kanya. "Inuuto mo na ako e," Hawak ang ulo niya ng sumagot sakin. "Ate Heira. Bumalik na kayo ni Nanay sa bahay.  Bilis!" Nameywang ako sa Harapan niya Habang nakataas ang kilay niya. "Bakit? "Eh, kasi si Kuya J.A" "Sino namang J.A yon?" "Yung napulot mong Dark Angel." "Huh? Dark Angel? Wag mong lagyan ng Angel, Hairu. Dark Devil yon. Bakit ano bang nangyari sa kanya? Patay na ba?" "Hindi Ate. Susunduin na siya ng Magulang niyang Mayaman." "Paano mo nalaman na Mayaman? Ikaw talaga Hairu." "Ate. Kutis artista siya eh. Hindi katulad ng kutis mo—" "Ano ang kutis ko?" "Ahmm.. kutis Never Mind. Basta pumunta kayo doon. Kasi hindi ko kayang buhatin yon mamaya." "Isama mo na lang si Nanay. ako na lang ang bantay dito."sabi ko pa. "Ako na lang bahala dito. sige  kayo na lang ang maghintay sa magulang ni kuya J.A. ako ng bahala dito. Promise hindi ako mangungupit." "Sabihin mo kay Nanay kung papayag."sabi ko pa. "Nanay Umuwi muna kayo saglit ni Ate Heira. darating po kasi yung magulang ng napulot ni Ate eh," sigaw ni Hairu. "Okay sige."lumapit ito sakin. "Tara na anak." Ang bilis naman pumayag ni Nanay Nakakainis. Ayoko na nga sanang makita yung Dark Devil na iyon. baka ilibing ko siya ng buhay sa sobrang sama ng ugali. Kaya nga sila Hairu at Nanay na lang pinagbabantay ko. Kung alam ko lang ganon kasama ng ugali. Hinayaan ko na lang sanang kinagat ng Daga sa Damuhan. Akala ko kasi Fallen Angel eh. Nagkamali pala ako. Sumakay ako ng bisikleta habang si Nanay ay Sumakay sa padyak pauwi samin. Malapit lang naman kami sa palengke kaya hindi na kailangan sumakay ng Jeep. Pagpasok ko sa loob ng bahay nakita ko agad si Dark Devil na nakaupo na siya habang nakasandal sa dingding ng kwarto. Tinitigan niya ako. "Hi Heira!" Huminto ako sa tapat niya. habang nakatingin ako kay Dark Devil. Totoo ba ang narinig ko? tinawag nya ako sa pangalan ko. Lumapit ako sa kanya. "Tinawag mo ako sa pangalan ko?" Ngumiti siya sakin. s**t! Labas ang dalawang dimples. Parang may kamukha siya.. "Diba? Heira ang pangalan mo?" Tumango ako. "Paano mo nalaman?" "Sinabi ni Hairu sakin. Salamat sa tulong mo sakin." "Totoo ba ito. Nagpasalamat ka sakin. Walang himala!" Sigaw ko pa. "Pero wag mo masyadong ilapit ang mukha mo sakin baka magka allergy ako eh." "Aba't joke lang pala  pagiging mabait niya." Umarko na naman ang kilay ko dahil sa panglalait niya sakin. "Ganon? Ang arte mo!" "Heira! Pakainin mo muna yang Gwapong lalaking yan. bago siya umuwi sa kanila."sigaw ni Nanay. "Ayaw mo bang kumain?"tanong ko sa kanya. "Ang pangit mo namang magtanong. Pero ayoko baka lasunin mo ako eh." Nakangising sagot ni J.A "Bwiset kang Lalaki kaa!" Gigil kong sigaw sa kanya. susuntukin ko na sana siya ng biglang May kumakatok sa pintuan namin. "Si Daddy at Mommy na yan."ani J.A. Inirap ko siya bago ako umalis. Ako ang nagbukas ng pintuan pagbukas ko. Laking gulat ko sa nakita ko kaya hindi ko kinaya. Hinimatay ako.. Bakit kamo? Ikaw ba naman makaharap mo si FRITS SANTIAGO AT ALLYSON RAMIREZ SANTIAGO. magagawa mo pa bang kumilos. After five minutes.. Pagmulat ng Mata ko. Agad akong tumayo sumilip ako sa may sala namin. Nandito kasi ako kwarto namin. Siguro dinala ako dito ng himatayin ako. ang lapad ng ngiti ko. Nang makita ko si Frits at Allyson. nagtatalon ako sa tuwa. sumigaw ako sa kilig. "Hindi ba ako nanaginip?" Humarap ako sa salamin. Tapos sinuntok ko ang mukha ko ng dalawang beses. "Kyaahh! Ang sakit ng suntok ko. Gising ako! Gising! Teka? minsan sa panaginip nasasaktan din ako? Kaya ang ginawa ko. Inuntog ko ang sarili ko sa dingding. "Kyaah! Ang sakit! Sakit ng ulo ko. Hindi ako nanaginip. Nagtatalon pa ako sa tuwa. "Ate Heira. Anong ginagawa mo. Bakit mo sinasaktan ang sarili mo?" "Hairu? Kanina kapa? Akala ko ba? magbabatay ka ng tindahan sa palengke?" "Oo. Pinapanood kita sa ginagawa mo. Parang kang baliw dyan Ate. Sinarado ko muna ang tindahan." Sumimangot ako. Panira kasi siya ng Moment eh, "Umalis ka nga dito." "Hindi pwede. Pinatatawag ka ni Sir. Frits at Ma'am Ally. Gusto daw nilang magpasalamat sayo. " "Sakin? Sakin Talaga?" "Hindi sakin Ate," Binatukan ko siya. "Kaasar ka. Tsupi! Umalis ka na nga." "Lumabas  ka na dyan at pauwi na sila." "Oo na!" Pag alis ng kapatid ko. Nagpalit ako ng damit. pinaligo ko na din ang pabango ko. Pati bibig ko nilagyan ko ng pabango. Nag polbo at nagliptick ako. At pang final nag dala ako ng Tissue. Pagkatapos bumababa na ako. "Yan po Ma'am, Sir si Heira ang tumulong sa Anak ninyo." Sabi Nanay. Tumayo si Allyson. At Mabilis akong niyakap. Yung tuhod ko parang naghihina. Ang bango nya at ang lambot ng balat. "Hindi ako magpapalit ng damit." "Thank you sa pagtulong mo sa Anak kong si John Ace. Napakalaki ng utang na loob namin sayo." Ani Ally. "O-okay L-lang po." Nauutal kong sabi. Habang pinupunasan ko ang ilong ko. Dumudugo kasi.. Inilahad naman ni Frits ang Kamay niya sakin. Habang nakangiti sakin. Oh My Tsinelas.. akala ko sa panaginip ko lang mahahawakan ang kamay niya. Maari na akong mamatay." sabi ko sa isip. Gusto kong magsisigaw sa sobrang saya. Kaya lang nakakahiya. Kaya kahit feeling ko puputok na ang mukha ko dahil wala ng mapaglagyan ang mga ngiti ko. Ayun sa  ilong ko na lang dumaan. Nosebleed ako. "Maraming salamat sa pagtulong mo sa Anak ko. Ha! Sabihin nyo lang kung anong gusto nyo. Ibibigay namin."ani Frits. "W-wala po Y-yun." Nanginginig ang boses ko. "May epilepsy ba yang kapatid mo Hairu?"singit ni J.A Tinitigan ko ng masama si Dark Devil. Ngumisi lang siya sakin tapos nagpatuloy sa pag sasalita. "Wala naman kuya J.A," sagot ni Hairu. "Kanina pa kasi siya nanginginig eh. Tapos dumudugo ang ilong." "Kontrabida ka talagang Dark devil ka!" Sabi ko sa isip. "Hindi kuya. Idol kasi niya ang Parents mo kaya ganyan si Ate." Salamat sa kapatid kong nilaglag ako. Yan tuloy wala akong mukha maihaharap na  sa kanila. "Talaga Heira? Idol mo kami ng Wife ko?" Ani Frits. Tumango ako sa kanya. "Opo." "Sir Frits. Gusto po nyan mag Aral sa Saint Paul International Academy. kaya lang hindi Matalino si Ate Heira. Kaya hindi siya pwede sa Scholar ninyo." Sabat ni Hairu. Nakasimangot akong umupo sa sofa. Wala na sira na ang moment ko. Kainis! "Ganon ba? sige dahil tinulungan mo Si John Ace. Bukas na bukas din maari kang pumasok sa Saint Paul." Ani Frits. "No way Dad!" Sabat ni J.A "John Ace! Wag kang ganyan sa Taong nag ligtas sayo."ani Ally. "Sa ibang School nyo na lang siya ipasok. Wag sa Saint Paul. Papangit ang image ng School Dad, " "Nakapag desisyon na ako. Bukas na bukas din Heira ipapasundo ka namin dito." Natahimik ako. Nakita ko si J.A na nakasimagot. Hindi ko na yata kayang iabsorb ang Mga magagandang Nangyayari ngayon. Para akong nasa loob ng Panaginip ko. Na lahat ng bagay na nangyayari ay maganda. Pwera lang sa Anak nilang si John Ace. Nilingon ko si J.A. nakasimagot siya sakin. Bakit ba hindi ko agad napansin na kamukha siya ni Frits? Naasar kasi ako sa pinakita nyang kagaspangan ng ugali kaya badtrip agad ako sa kanya. Siniko ako ni Hairu. "Ate, Aalis na daw sila." "HA? Aalis na sila?" Tumayo kaming Tatlo nila Nanay. Nahihiya man akong sabihin kay Frits ang gusto kong sabihin. Nilakasan ko na ang loob ko. "Ah—Si, F-frits!" Nangangatal kong sabi. Ngumiti siya sakin. Kaya mabilis kong hinawakan ang garter ng panty ko. Baka kasi biglang malaglag "s**t! naman kasi ang Dimples eh. Nakakabuntis eh,"laglag lahat." "Bakit Heira?" "Ahh—K-kasi P-po.. P-pwede B-bang Mag Pa-Picture?" Hindi ko alam kung gaano ko katagal binigkas ang salitang yon dahil sa pagkabulol ko. Samahan mo pa ng kilig at nerbyos. "Sure!" "Hairu kunin mo ang Digicam ko sa aparador bilis!" Sa sobrang excited ko. Napalakas ang pagtulak ko kay Hairu. "Ate naman! Kumalma ka nga."inis na sagot ni Hairu. Lahat tuloy sakin nakatingin. "Humanda ka sakin mamaya Hairu. May Pektus ka sakin."sabi ko sa isip. NagSelfie kami iba't -ibang angulo. ang mag Asawang Allyson at Frits. May solo picture kami. si J.A lang ang hindi sumama sa  picture. Well who cares. hindi naman siya importanteng tao. pero sobrang saya ko talaga dahil may pang Profile picture na ako sa f*******: na  kasama sila. Siguradong maiinggit sila Maezy at phoebecate sakin. Kapag nalaman nila yon. Nang makaalis na sila. Wala akong ginawa kundi ang magtitili at magtatalon sa tuwa. Kahit na nga ilang beses akong binato ng tsinelas ni Nanay. carry lang ang saya! Saya ko talaga. Hindi na ako nagpunta sa palengke para magtinda. nagkulong ako sa Kwarto ko. At parang baliw na nangarap ng gising. Makalipas ang dalawang oras na umalis ang mga Santiago. May dumating naman sa bahay na may dala-dalang uniform ng Pang saint paul. Pinasulat kasi kay Nanay kanina ang size ng Damit ako at sapatos. Kaya ngayon dinala nila. Siguradong sigurado na akong sa Saint Paul ako mag Aaral bukas. Here i go Saint Paul International Academy. I am Princess Heira Irish Chuaford. Representing Baryo di Masupil. Pak na pak!" Kausap ko sa sarili ko habang sinusukat ko ang uniform ko. Isang malakas na Pagkatok ang ang naririnig ko. Kaya naman mabilis kong tinanggal ang suot kong uniform. At agad na pinag buksan ang dalawa kong kaibigan. Paanong hindi ko makikilala. Kulang na lang gibain ang pintuan namin. tapos kung makasigaw parang may kaaway. "Heira! Heira!" Nagtitiling sigaw. Inamoy-amoy ako ni phoebecate. Gosh! Naamoy ko pa ang pabango nila sayo." tumili ito at nagsisigaw. " heira pa share naman ng amoy nila. Sirain natin yang damit mo!" "Oo nga sirain na natin yan.. pampaswerte yan. Iipit ko sa Pitaka ko. Dali sirain natin yan. "ani Maezy. "Maghunos dili nga kayo! Sisirain. ayoko nga. Eto lang ang signature na damit ko." "Bibili na lang tayo ng bago. Sige na sirain natin yan. gusto mo bang labhan yan ng Nanay mo. Atleast kapag sinira mo yan. Madaming reserba kahit saan mo iipitin." Ani Phoebecate. "Sige na nga!" "Ayan!" Ani  maezy Nagpalit ako ng damit sinira namin ang Damit tapos pinaghati-hatian namin..tama nga si Phoebecate nakadikit ang amoy nila sa damit ko. "Mag kwento ka naman." Ani Maezy. "Yung napulot kong lalaki dyan sa may damuhan malapit sa Sapa. Anak pala nila Ally at Frits yon. Si John Ace." "Talaga! Anong itsura ni John Ace?"tanong ni Maezy. "Kamukha siya ni Frits. Pero abot langit ang Sama ng ugali." Nakasimangot pa ako habang sinasabi ko iyon. "Bakit naman? Baka inaaway mo?" Ani Phoebecate. "Siya na ang Tinulungan tinawag pa akong hippo si Nanay Dabyanang dugong." Nagbunghalit sila ng tawa. Kaya mas lalo akong nainis. "Pati ba naman kayo natatawa." "Grabe pa la yang anak nila. Sobrang laitero. Kamusta yung mag asawa?""ani Maezy. "Mabait sila.. sa katunayan Doon na ako papasok sa Saint Paul bukas. May unjform na din ako. Pinadala nila kanina." Gulat na gulat ang dalawa. "Ang swerte mo naman Heira. dream come true yan sayo. Anyway sabay-sabay tayo bukas pumasok." Ani phoebecate. "Ano ba ang kinuha mong course?" "Wala pa eh, nandito pa nga ang Requirements ko. Ibibigay ko bukas. may Mag Aassist daw sakin doon bukas. " "Wow VIP ka pala don bukas. Congrats Heira." Ani Phoebecate. "Goodluck sating Tatlo sana hindi tayo mabully doon." Ani Maezy. "Sana nga eh.. pero kung katulad ni J.A ang Mga estudyante doon. baka hindi ako tumagal." Sabi ko. "Kaya natin yan! para sa future natin." Ani phoebecate. Ngumiti na lang ako sa kanila. Excited na ako Para bukas. Pero may konting ka ba din akong nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD