Chapter 9: No Manners

1125 Words
Hindi kaagad nakasagot si Millie. Napasulyap lamang siya sa relo na suot ni Mr. Alfonso. Alas diyes pa lang ng umaga. Tatlongpung minuto pa itong maghihintay sa kanyang boss. Ibig sabihin ay tatlongpung minuto din niya itong sasamahan? Tanong niya sa isip. "Gusto ko lang ng kausap habang naghihintay." Nakangiting pangungumbinsi pa ng matanda sa kanya. Subalit hindi talaga siya palagay sa mga tingin nito sa kanya kaya naman nag-aatubili siya kung pagbibigyan ito. Tama, maayos at disente ang anyo nito dahil sa magara nitong kasuotan. Ngunit hindi niya maalis ang isiping may pagnanasa sa kanya ang matanda. Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "Sorry, Sir. Marami pa po kasi akong gagawin." Magalang na tanggi niya sa matanda. Nagsalubong ang kilay ni Mr. Alfonso na tila hindi nagustuhan ang pagtanggi niya. "Ms. Garcia, kung ayaw mong mawalan ng trabaho ay maupo ka at samahan ako sandali. Hindi mo yata alam na ako ang pinakamalaking kliyente ng kumpanyang ito. Kapag sinabi ko sa boss mo na ika-cancel ko ang aking kontrata dahil sa iyo, ano kaya sa tingin mo ang gagawin niya?" Pagbabanta sa kanya ng matanda na may kasamang pagmamalaki. Natakot naman si Millie sa isipin na mawawalan siya ng trabaho kaya pinagbigyan na niya ito at naupo siya sa tinuro nitong upuan kanina kahit labag sa kanyang kalooban. Umaasa na lamang siya na mali ang kanyang kutob. "Sir, kakasimula ko lang po sa trabaho." Kinakabahang saad niya habang bahagyang nakayuko ang kanyang ulo at magkadaop ang kanyang mga palad sa ibabaw ng kanyang mga hita. "Kakasimula mo pa lang, kaya dapat maging masunurin ka lalo na sa mga kliyenta na tulad ko." May laman na sambit ng matanda habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay huminto sa kanyang hita kung saan kita ng bahagya ang kanyang makinis at maputi na balat. Mabuti na lamang at medyo mahaba ang kanyang suot na dress. Hindi masyadong litaw ang malaporselana niyang mga hita kahit nakaupo. Ngunit hindi niya maiwasan na madagdagan ang kanyang kaba. Napalunok siya ng laway dahil biglang nanuyo ang kanyang lalamunan. "May ipag-uutos po ba kayo sa akin?" Tanong niya sa mahinahon pa ding tono. Hindi sinagot ng matanda ang kanyang tanong. Imbes ay nagtanong lang din ito sa kanya. "Ilang taon ka na, Ms. Garcia?" Napaangat siya ng ulo at napatingin sa matanda ng nakakunot ang noo. "Po? I mean, bakit n'yo naman po naitanong?" Balik-tanong niya. "Alam mo, iyong dating assistant ni Mr. Montenegro ay nakapamasunurin. Isang sabi ko lang, ginagawa agad. At isang tanong, isang sagot lang kami. Hindi katulad mo," sabi nito na medyo nakasimangot. "Pasensya na po kayo, Sir. Marami lang po talaga akong gagawin dahil baguhan pa lang nga po ako dito." Katwiran niya. Sa isip-isip niya ay ano kaya ang mga ipinag-utos nito sa dating assistant ng kanyang boss. "Dapat matuwa ka na kinakausap kita dahil bihira lang ang mga kinakausap ko na kagaya mo. So, ilang taon ka na nga?" Pag-uulit ng tanong nito kanina. "Twenty four po, Sir." Matipid niyang sagot. Ano naman ang katuwa-tuwa sa ganitong pag-uusap? Bulong niya sa isip. Napangisi ito. "Twenty four. Kaya naman pala, batang-bata. Marami-rami ka pang kakaining bigas. Anong pangarap mo sa buhay?" "Gusto ko lang pong makapagtrabaho ng maayos, Sir." Nakasimangot na usal ni Millie dahil hindi niya talaga gusto ang mga tanungan ng matanda. Muli siyang napalunok ng laway sa kaba. "Alam mo ba na ang mga katulad mo ang tipo kong babae?" Pabulong na wika ng matanda kasabay ng mapangahas na pagdampi ng kamay nito sa kanyang makinis na hita. Kinilabutan at nanlaki ang mga mata ni Millie sa ginawa ng matanda. Bigla siyang napatayo sa kanyang upuan upang iiwas ang kanyang katawan mula dito. Napatingin siya sa lamesa sa harapan niya kung saan niya ipinatong ang tsaa kanina. At sa galit ay ibinuhos niya ang mainit-init pang tsaa sa katawan nito sabay sigaw ng, "Bastos!" "How dare you?!"Bulyaw naman sa kanya ni Mr. Alfonso habang mabilis na tumayo. Namula ang mukha nito sa galit habang inaayos ang basang kasuotan. Napaatras siya ng kaunti nang mapagtanto ang kanyang ginawa. Ngunit hindi niya ito pinagsisihan. Sa isip niya ay tama lang ang ginawa niya dahil sa pambabastos sa kanya ng matanda. Humakbang palapit sa kanya ang matanda, kaya muli siyang napaatras. "Do you know what are you doing?" Nanggagalaiti na sabi nito habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya. "Kayo po? Alam n'yo po ba ang ginagawa n'yo? Sa edad n'yong 'yan ay dapat alam n'yo kung ano ang tama at mali." Magkasalubong ang kilay na sagot niya/ "Aba at talagang matapang ka? Tignan natin ang tapang mo!" Pagkasabi ng mga katagang iyon ay muling humakbang ang matanda palapit sa kanya. Mabilis na tumakbo si Millie papunta sa pinto upang takasan ang matanda. Ngunit parang nabasa ni Mr. Alfonso ang kanyang nasa isip kaya mas mabilis nitong nahablot ang kanyang braso. Nagpumiglas siya subalit mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso. Aktong magsasalita ang matanda nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Joaquin. Biglang nagsalubong ang mga kilay nito at dumilim ang mukha nang masilayan ang tagpo sa loob ng meeting room. Hindi naman naiwasan na mangilid ang luha sa mga mata ni Millie nang makita ang kanyang boss. It was a relief for her na dumating ito subalit hindi niya maiwasan ang kabahan dahil sa banta ni Mr. Alfonso sa kanya kanina. "What's going on here?" Joaquin asked bitterly. "S-Sir--" Sasagot sana si Millie ngunit pinutol siya ni Mr. Alsonso. "Mr. Montenegro, how did you train your new assistant? Look at what she did to my suit." Mr. Alfonso exclaimed. "Tell me what happened, Ms. Garcia." Joaquin urged, turning his head to Millie, who looked pale at the moment. However, Mr. Alfonso didn't give her the chance to speak. He spoke again instead. "She has no manners, Mr. Montenegro. Imagine, tinatanong ko lamang siya kanina upang makilala dahil bago lang siya dito. You know me. I have been your client for almost a decade. I always want to know everything in My Fashion including to know every people I deal with. Ngunit minasama yata ng iyong magaling na assistant ang pagtatanong ko. Bigla na lang niya akong binuhusan ng tsaa." Mahabang litanya ng matanda na lalong nagpasalubong sa mga kilay ni Joaquin. Hindi na napigilan ni Millie na tumulo ang kanyang mga luha dahil sa magkahalong galit at kaba na nararamdaman niya dahil sa pagsisinungaling ni Mr. Alfonso. Gusto niyang sumigaw na nagsisinungaling lamang ito. Ngunit natatakot siya na baka hindi siya paniwalaan ng kanyang boss dahil kung ikukumpara siya kay Mr. Alfonso ay tunay namang mas may matatag ng samahan ang dalawa dahil sa matagal na silang business partners. Subalit siya ay isang baguhan lamang sa paningin ni Joaquin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD