"S-Sorry, S-Sir--" nauutal na wika ni Millie, ngunit bumara lamang sa kanyang lalamunan ang mga susunod na salitang dapat ay sasambitin niya sapagkat bigla na lamang siyang tinalikuran ng kanyang boss.
Dali-dali naman niyang kinuha ang kanyang bag na binaba niya sa kama kanina. Hindi na siya nag-atubili pa na sundan ang kanyang boss kahit hindi niya sigurado ang kanyang itsura dahil kakagising lamang niya. Hinabol niya ang lalaki na ngayon ay nasa kalagitnaan na ng hagdanan.
Good thing, she's wearing flat shoes. She could easily run and follow him downstairs.
Ngunit sa sobrang pagmamadali ay muntik pa siyang mahulog habang pababa ng hagdan. Mabuti na lamang ay nakahawak siya sa handrail nito.
'Hay, muntik ka na naman, Millie.' ungol niya sa isip while pulling herself together.
Hindi nagtagal ay inabutan na niya ang kanyang boss na madilim pa din ang mukha dahil sa inis sa kanya.
"Here are the keys," masungit na sabi nito sabay hagis sa kanya ng isang bungkos ng susi bago ito makalabas ng pinto.
Mabilis naman niyang sinalo ang mga susi. Pagkatapos ay tinignan niya upang hanapin kung alin sa mga iyon ang susi ng main door.
Tumaas ang kilay niya nang mapansin ang keychain nito na hugis puso na yari sa metal at may nakaukit na JM.
'JM?' Tanong niya sa isip.
'Oh, JM for Joaquin Montenegro.' She uttered when she realized the initials of his name.
Maya-maya pa ay nakasakay na ang kanyang boss sa magara nitong kotse na kulay asul habang si Millie naman ay ini-lock muna ang pinto ng bahay. Pagkatapos ay mabilis na ding sumunod sa sasakyan.
Pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan ng isang lalaki na sa tantiya niya ay nasa singkwenta ang edad base sa medyo namumuti na nitong buhok. Ngumiti ito sa kanya ng matamis at binati siya ng good morning.
Ginantihan naman niya ito ng isa ding matamis na ngiti.
"Good morning din po," bati niya bago sumakay sa passenger's seat.
Ilang minuto pa ay tinatahak na nila ang daan patungo sa opisina.
"Mang Felix, siya si Millicent Garcia, ang bago kong Assistant." Malamig ang boses na pakilala sa kanya ng boss sa driver nito.
"Hi, Millicent. Ikinagagalak kitang makilala." Nakangiting sambit ni Mang Felix habang nagmamaneho kasabay ng isang mabilis na sulyap sa kanya.
"Ikinagagalak din po kitang makilala, Mang Felix. Millie na lang po ang itawag mo sa akin." Magalang na tugon niya.
Pagkatapos nilang magkakilanlan ay sumunod ang isang nakakabinging katahimikan.
Ilang sandali ang nakalipas ay nagsalita ang kanyang boss.
"Mang Felix, ilang taon ka ng nagmamaneho sa akin?" tanong nito sa driver.
"Mga sampung taon na po Sir Joaquin." Sagot ni Mang Felix habang sumulyap sa rearview mirror.
Tahimik namang nakikinig lang si Millie sa kanilang usapan habang nagmamasid sa kanilang dinaraanan.
"Sa sampung taon na iyon, may natatandaan ka ba kung nakabangga ka na or na-late ka na sa paghatid at sundo sa akin?"
"Ay, wala po, Sir. Ni minsan ay hindi po ako nakabangga dahil sobra po akong nag-iingat sa aking pagmamaneho. At hindi din po ako na-late ni isang beses dahil ayaw ko pong paghintayin kayo." Paliwanag ni Mang Felix sabay kamot sa ulo. Marahil ay nagtataka ito sa biglaang pagtatanong ng kanilang boss.
Parang gusto namang lumubog sa kinauupuan ni Millie dahil sa usapan ng dalawa na halata namang sinadya ng kanyang boss ang pagtatanong sa driver nito.
"Ten years, no late and no mishaps," Joaquin repeated while nodding his head, looking outside the window.
"Ikaw, Millie. Kumusta ang first day mo?" Baling sa kanya ni Mang Felix.
"Po?" usal niya na halos pabulong lang dahil hindi niya alam ang isasagot sa tanong nito, habang napatingin siya sa rearview mirror kung saan nahuli niya na nakatingin sa kanya si Joaquin ngaunit mabilis din itong nag-iwas ng tingin.
She heard when Joaquin cleared his throat.
"Mang Felix, huwag mo ng itanong dahil nabasag lang naman niya ang mamahalin kong vase at nakuha pa niyang ma-late ng ten minutes sa first day niya sa bahay." Pagpaparinig nito sa kanya.
Napakagat na lang ng labi si Millie. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dahil totoo namang nangyari iyon.
"Ayos lang po yan, Sir. Minsan po talaga ay may mga bagay na hindi maiiwasan." Pagtatanggol sa kanya ni Mang Felix. Pero napansin niya kung paano ito nagpigil ng ngiti.
"Sikapin mo na lang Millie na huwag mauulit ang mga pagkakamali na iyon." Dagdag ng driver.
Napangiti siya sa driver dahil na-touch siya sa payo nito sa kanya. Parang tumutukoy din kasi ito sa kanyang buhay kung saan ay minsan na siyang nagkamali.
"Opo, Mang Felix. Maraming salamat po sa payo n'yo," Matamis ang ngiti na turan niya. Pagkatapos ay bumaling siya sa kanyang boss. "Pero, Sir. Hindi ko po mababasag ang vase kung hindi n'yo ako nagulat kanina. At hindi po ako male-late kung umalis na po tayo kanina pagkatapos nating kumain." Katwiran niya ng maalala ang eksena kanina sabay nguso.
Napakunot naman ang noo ng driver dahil sa narinig. "Ano nga ulit iha? Sabay kayong kumain?" Tanong nito na parang takang-taka.
Sasagot sana si Millie ngunit biglang nagsalita si Joaquin.
"Mang Felix, may ipapabili nga pala ako sa iyo sa flower shop para mamaya." Mabilis na saad nito na parang umiiwas sa topic.
"Ah, sige po, Sir. Para po ba sa parents n'yo?"
"Yup, idaan natin bago tayo umuwi."
Hindi na lamang kumibo si Millie at nag-ayos na lang ng kanyang buhok dahil malapit na sila sa opisina. At makalipas lamang ang ilang minuto ay bumaba na sila ng sasakyan sa private parking ni Joaquin.
Pagkatapos ay tahimik siyang sumunod sa kanyang boss patungo sa private elevator nito paakyat sa top floor ng building kung nasaan ang office nito.
"What are my schedules for today?" Tanong nito pagkasakay nila ng lift.
Mabilis siyang tumalima at kinuha ang maliit na notebook mula sa kanyang bag kung saan niya isinulat kahapon ang schedule nito.
"You have a meeting at 10:30 am with Mr. Alfonso, Sir. Then a lunch meeting with Mr. Samaniego. And, and free na po kayo this afternoon." Pagsasaad niya.
"Alright. Prepare the meeting room for Mr. Alfonso. Serve him tea instead of coffee as soon as he arrived." Bilin nito sa kanya.
"Noted, Sir."
Isang pagawaan ng damit ang napasukang kompanya ni Millie, ang My Fashion Manufacturing Inc., na tanyag na halos sa buong mundo dahil sa mga unique at naggagandahan nitong mga disenyo. Halos ito na ang nagtatakda kung ano ang magiging uso na damit sa bawat season at tinitingala ng karamihan sa larangan ng fashion design maging ng mga kakumpetensya nitong kompanya sa industriya. At isa si Mr. Alfonso sa pinakamalaking client ng My Fashion. Isa siyang sixty-year old businessman na may-ari ng pinakamaraming boutique sa bansa.
Makaraan lamang ang ilang sandali ay dumating na si Mr. Alfonso. Matikas pa din ang tindig nito sa kabila ng edad at mukang magiliw. At gaya ng bilin ng kanyang boss ay ipinagtimpla niya ito ng tsaa matapos niya itong paupuin sa meeting room kung saan gaganapin ang kanilang meeting.
"Excuse me, Sir. Here's your tea while waiting for Mr. Montenegro." Magalang na bungad ni Millie pagbalik niya sa meeting room dala ang mainit na tsaa.
"Thank you, Ms. Garcia." Nakangiting sambit ni Mr. Alfonso.
"Please enjoy your tea," wika niya at akto na sana siyang aalis ngunit muling nagsalita ang lalaki.
"Please stay for a moment, Ms. Garcia." pigil nito sa kanya sabay hawak sa kanyang braso.
Nagsalubong naman ang kilay ni Millie sabay hila sa kanyang braso na parang napaso. Medyo kumalabog din ang kanyang puso dahil hindi niya gusto ang mga tingin nito sa kanya lalo ng bumaba ang tingin nito sa kanyang dibdib.
Ngunit sa kabila na iyon ay pilit pa din siyang ngumiti sa kliyente at umaktong professional.
"Do you still need anything, Sir?" Kalmadong tanong niya, tinatago ang kaba sa dibdib.
"Samahan mo muna ako dito habang hinihintay ko ang boss mo." Pakiusap nito sa kanya at itinuro ang upuan sa tabi nito na parang sinasabing maupo siya doon.