Chapter 10: Top Client vs. New Assistant

1176 Words
Joaquin frowned as he stared at Millie's pitiful expression. He gritted his teeth as he balled his fists. Lalong natakot si Millie nang makitang napasimangot ang kanyang boss. Hindi man ito magsalita ay nababasa niya sa expression nito na galit ito. Kung kanino? Marahil ay sa kanya, malungkot na hula niya. Napangisi naman si Mr. Alfonso nang mapansin ang madilim na expression ni Joaquin habang nakatitig sa umiiyak na dalaga. Sa isip-isip nito ay ganyan nga, umiyak lang siya at huwag magsalita dahil hindi din naman siya papaniwalaan ng kanyang boss. Kaya huwag na siyang magsayang ng laway dahil madidismaya lamang siya. "Look at her, Mr. Montenegro. She's crying because she's guilty." Komento pa nito upang lalo siyang madiin. "Huwag ka ng magpaawa dahil masasayang lamang ang mga luha mo," dagdag pa ng matandang lalaki. "Is that so?" Paninigurado ni Joaquin habang nakatitig pa din kay Millie na tila binabasa ang laman ng isip niya. Napakagat ng mali si Millie upang pigilan ang kanyang pag-iyak. Hindi niya mahahayaang yurakan ng matandang tulad ni Mr. Alfonso ang pagkatao niya. At hindi din niya kaya na manahimik na lamang gayong alam niya ang katotohanan lalo na kung ang trabaho niya ang nakasalalay. Kaya hindi siya makakapayag na mabaluktot ang tunay na nangyari ng ganon-ganon lang. At mas lalong hindi siya makakapayag na masisira ang tingin sa kanya ng kanyang boss ng wala siyang kalaban-laban. Kaya naman, nag-ipon siya ng lakas ng loob. Nilunok niya ang bara sa kanyang lalamunan at huminga ng malalim. "Sir, nagsisinungaling ang bastos na matanda na iyan!" Matapang na sambit niya habang pinupunasan ang kanyang mga luha. Medyo nanlaki ang mga mata ni Mr. Alfonso dahil hindi nito inaasahan na maglalakas siya ng loob na magsalita laban sa kanya. Ngunit mabilis itong nakabawi. "What are you saying, Ms. Garcia? Don't make up a lie." He refuted as he fiercely grabbed her arm. Lalong nagdilim ang mukha ni Joaquin. "Mr. Alfonso, bitawan mo siya," Mahina ngunit malinaw na utos niya. Natigilan si Mr. Alfonso sa sinabi ni Joaquin. Hindi ito ang inaasahan niya. Ngunit masama man ang loob ay binitawan nito ang braso ni Millie. Pagkatapos ay bumaling si Joaquin sa kanya. "Ms. Garcia, tell me what happened." Nang marinig niya ang tanong ng boss ay hindi na siya nag-atubili pa na isiwalat ang totoong nangyari. "Sir, sinabihan niya ako na samahan ko po muna siya dito habang hinihintay kayo. Tumanggi po ako noong una dahil sabi ko ay marami pa po akong gagawin. Ngunit pinagbantaan niya po ako. Kaya napilitan po akong samahan siya. Ngunit bigla na lang po niyang hinimas ang aking hita--" Lakas loob na pagkukwento niya. Subalit hindi siya natapos sa pagsasalaysaydahil biglang sumabat si Mr. Alfonso. "Ms. Garcia, you're unbelievable! I didn't expect that your imagination is so wild for you to make up those lies." Mr. Alfonso refuted. "Mr. Alfonso, I'm not asking you to talk! Let her finish!" Galit na bulyaw ni Joaquin. Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili sa matinding galit na nararamdaman. Gulat na gulat naman si Mr. Alfonso dahil nagawa siyang sigawan ni Joaquin. "Mr. Montenegro, are you yelling at me?" Magkasalubong ang kilay na tanong nito. Then he added, "Don't tell me you believe your assistant? She's obviously telling a lie. Bakit ko naman gagawin iyon? Siya nga ang nagpakita ng motibo sa akin. Dismayado siguro siya ng hindi ko siya pansinin kaya gumagawa siya ngayon ng kwento." Pagsisinungaling nito. Muling tumulo ang luha ni Millie dahil sa sobrang inis sa matandang lalaki. Napakasinungaling nito sa isip-isip niya. "S-Sir, hindi po totoo ang s-sinasabi niya," wika niya sa pagitan ng paghikbi. Ang buong katawan niya ay nanginginig na din sa magkakahalong emosyon na nararamdaman niya. "So, who's telling the truth here?" Tanong ni Joaquin habang palipat-lipat ng tingin sa dalawa. "Mr. Montenegro, don't forget na I'm your most valuable client. We've known each other for so many years. Bakit naman ako magsisinungaling? And have you heard anything like that about me before? Unlike nitong baguhan mong assistant. Hindi mo alam kung saang squatter iyan nanggaling." Madiin na saad ni Mr. Alfonso. "Hindi naman po dahil mas matagal kayong magkakilala ay ikaw na ang nagsasabi ng totoo at ako na ang sinungaling dahil baguhan lamang ako." Masakit ang dibdib na sabat ni Millie. Alam niya na wala talaga siyang laban kung tagal ng pagkakakilanlan ang pag-uusapan dahil totoo namang baguhan lamang siya at alam niyang hindi pa siya gaanong kilala ng kanyang boss. "Ms. Garcia, go back to your office. I'll talk to you later." Malamig ang boses na utos ni Joaquin nang hindi tumitingin sa kanya na siyang ikinagulat niya. Ibig bang sabihin ay mas pinaniwalaan niya ang sinabi ni Mr. Alfonso? Tanong niya sa isip. Hindi naman nakakapagtaka kung mas maniniwala ang kanyang boss kay Mr. Alfonso dahil mas matagal na nga ang samahan nilang dalawa kumpara sa kanya. Subalit gusto niyang tumutol dahil paano niya maipagtatanggol ang sarili kung aalis siya? Paano niya mapapabulaanan ang mga sasabihin na kasinungalingan ni Mr. Alfonso laban sa kanya? Gayunpaman, wala siyang nagawa nang tingnan siya ng kanyang boss ng magkasalubong ang mga kilay. "Ms. Garcia, go back to your office." Medyo mataas na ang boses at madiin na sabi ni Joaquin. Tutol man ay napilitang lumabas ng meeting room si Millie at bumalik sa kanyang office habang tumutulo ang kanyang mga luha. Iniisip niya na siguradong last day na niya iyon sa trabaho. Kaya mabuti na sigurong ihanda na niya ang sarili at magbalot-balot na siya. Sobrang sakit ng nararamdaman niya habang tinatahak ang daan pabalik ng kanyang opisina. Bakit hindi man lang siya pinakinggan muna ng kanyang boss? Sabagay, bakit pa e bago lang siya. Sino ba siya? Bakit naman siya nito papaniwalaan? Ngunit hindi niya talaga matanggap. Akala niya ay makakapagtrabaho na siya ng maayos. Napangisi siya sa sarili. May sumpa ba siya upang lahat na lang ng papasukin niyang maayos na trabaho ay hindi siya nagtatagal? Gusto lamang naman niya na makapagtrabaho ng maayos at kumita ng pera sa malinis na paraan. Ngunit bakit sadyang madamot ang tadhana at tila ba hinahadlangan ang maganda niyang hangarin? Napaiyak siyang lalo ng maalala ang kanyang lola at kaibigang si Aira. Ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa mga ito? Umalis siya sa grupo ng scammers para sa trabahong ito. Alam niyang hindi na siya makakabalik pa doon. So paano na sila ng kanyang lola? Ano na ang kakainin nila? Saan na siya kukuha ng pera upang panggastos nila sa araw-araw? Iyon ang mga katanungan na umiikot sa isip ni Millie hanggang makabalik siya sa kanyang office. Nanghihina na napaupo siya sa kanyang upuan at napadukdok sa kanyang lamesa habang tumutulo pa din ang kanyang mga luha. Sa kabilang banda, isinarado ni Joaquin ang pinto nang maiwan sila ni Mr. Alfonso. Napangiti naman si Mr. Alfonso nang makalabas ng meeting room si Millie dahil alam na niya na siya ang pinaniwalaan ni Joaquin. Hindi naman iyon nakakapagtaka para sa kanya dahil matagal na ang kanilang pinagsamahan lalo na siya ang top client nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD