Saktong nasalo na ni Millie ang vase. Ngunit biglang may humila sa kanyang bewang, dahilan upang mabitawan niyang muli ang vase.
Napaigtad siya dahil isang malakas na tunog ang umalingawngaw mula sa nabasag na vase, sabay ng pagkabangga niya sa isang bagay na mala-pader sa tigas.
Napaangat siya ng ulo at nakasalubong niya ng tingin ang mala-iceberg sa lamig na abuhing mga mata ni Joaquin. Napagtanto niya na ang lalaki ang humatak sa kanya at sa matipunong katawan pala nito siya bumangga.
'Ang tigas naman ng katawan nito,' reklamo niya sa isip habang sobrang bilis ng t***k ng kanyang puso.
Hindi niya alam kung dahil ba sa kaba, dahil aksidente niyang nabasag ang vase o dahil sa sobrang pagkakalapit nila sa isa't isa ng lalaki.
"Ms. Garcia," bulong nito habang nakatitig pa din sa kanya at nakapulupot ang mga bisig nito sa kanyang bewang.
Lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso ng dumapo sa kanyang pisngi ang mainit nitong hininga.
"Y-Yes, Sir?" Sagot niya, iniisip kung ano ang sasabihin ng lalaki sa kanya.
'Magpapaalam ba siyang hahalikan ako tulad sa mga napanood kong mga pelikula? Pero teka, papayag ba ako?' Kausap niya sa sarili.
"Do you know how much that cost?" Tanong nito sa kanya.
Napakagat naman si Millie sa kanyang ibabang labi dahil hindi iyon ang inaasahan niyang maririnig mula sa lalaki. Gayunpaman, his question brought her back to her senses. Dali-dali siyang kumawala mula sa pagkakayakap nito.
Joaquin crossed his arms, waiting for Millie's answer. Ngunit hindi makahanap ng maisasagot si Millie dahil alam naman niyang mahal tiyak ang vase.
Kaya naman muling nagsalita si Joaquin.
"It's only your first day, yet nabasag mo na ang isa sa mamahalin kong vase. Kahapon nagkamali ka nang kinuha mo ang kape ko, imbes na kape mo. Ganyan ka ba ka-clumsy, Ms. Garcia?" Masungit na pahayag nito na nagdulot ng pamumula ng mukha ni Millie dahil sa kahihiyan.
"I-I'm sorry, Sir. Hindi na po mauulit. Huwag n'yo po sana akong tanggalin sa trabaho." Pakiusap niya habang nakayuko ang kanyang ulo. Natatakot siya na sesantihin siya ng lalaki.
"And where do you get the idea na tatanggalin kita sa trabaho?" Tanong ng lalaki na nagpaangat ng ulo niya.
Namilog ang mga mata nya at hindi nya napigilan naang mapangiti dahil sa narining.
"Hindi n'yo po ako sesesantihin?" Pagkukumpirma niya.
"Hindi, dahil ikakaltas ko sa sahod mo ang halaga ng vase na nabasag mo. Kaya linisin mo na iyan." Malamig na utos nito sabay talikod sa kanya.
Muling napakagat ng labi si Millie dahil naisip niya na malaking halaga tiyak ang mawawala sa sahod niya. Ngunit bago pa nakalayo ang lalaki ay nagsalita siya.
"Sir, hindi naman na po sana mababasag yung vase kung hindi n'yo po ako hinatak dahil nasalo ko na po ito kanina." Katwiran niya.
Huminto ang lalaki sa paglalakad at bumaling sa kanya.
"So, sinasabi mo ba na kasalanan ko kung bakit nabasag ang vase?" Tanong nito sabay turo sa sarili.
"H-Hindi naman po sa ganon, Sir. Pero--"
"Pero sana hindi nabasag ang vase. Tapos ano?" Pagtutuloy nito sa sasabihin niya habang magkasalubong ang makakapal nitong kilay.
"W-Wala po, Sir." Tugon ni Millie sabay yukong muli ng kanyang ulo.
Hindi na niya magawang mangatwiran pa dahil na-gets niya ang nais iparating sa kanya ng lalaki. Dahil kung hinayaan siya kaninang saluhin ang vase at bumagsak siya sa sahig ay baka siya pa ang nabalian ng buto at baka mas mahal pa ang abutin sa pagpapagamot sa kanya.
Tumalikod namang muli ang lalaki at umakyat na sa maragang hagdanan.
Napabuntong-hininga na lamang si Millie ng maiwan ng mag-isa. Maya-maya ay nilinis na niya ang nagkalat na mga bubog at basag na piraso ng vase.
Pagkatapos ay inihanda na niya ang almusal nito. Sunny side up eggs, bacon, toasted bread at sliced banana at apple. Matapos niyang ihanda ang mga iyon sa lamesa ay tinimpla na niya ang black coffee no sugar nito.
Hindi niya alam kung tama ang kanyang timpla dahil hindi niya magawang tikman ang alam niyang napakapait na kape.
"Hay, ang bitter siguro ng buhay niya, kasing bitter ng lasa ng kape na ito." Bulong niya habang inilalagay na sa lamesa ang kakatimpla lang niyang kape.
"What did you say?" Tanong ng baritonong tinig mula sa kanyang likuran.
Nagulat si Millie kaya bigla siyang napatayo ng tuwid. Nakabalik na pala ang lalaki. Mabuti na lamang ay nailapag na niya ang kape sa lamesa bago ito nagsalita. Kung hindi ay baka naitapon pa niya ang kape sa gulat.
"W-Wala po, Sir. Kinakausap ko lang po ang sarili ko." Mahinang paliwanag niya na may pilit na ngiti sa mga labi.
Hindi na sumagot ang lalaki. Naupo na ito sa dulong upuan ng mahabang lamesa. Nanatili namang nakatayo si Millie sa gilid nito.
Maya-maya ay nagsalita ito. "Have a seat."
Napatingin siya sa lalaki na parang nagtatanong.
"I am not used to eat alone. Lalo na ng may nakatingin lang sa akin. Kaya saluhan mo ako." Sagot ng lalaki.
"Hindi po ako nag-aalmusal, Sir. Kape lang po ako sa morning." Magalang na tanggi niya na nagpasimangot sa lalaki.
"Kung hindi mo ako sasaluhan ay mabuti na lamang siguro kung humanap na lang ako ng bagong assistant." Pagbabanta nito.
Dali-dali naman siyang napaupo sa upuan dahil sa narinig na banta mula sa lalaki.
Joaquin moved the corner of his lips, suppressing a smile.
Hindi na ito napansin ni Millie dahil sa lamesa ng pagkain siya nakatingin.
Nahihiya man ay sinaluhan niya ang kanyang boss sa pagkain. At kahit hindi talaga siya sanay na nag-aalmusal at pinilit na lamang niya na kumain ng isang sunny side up egg at toasted bread. Ngunit nagulat siya ng bigla siyang lagyan ng bacon at sliced apple ng lalaki sa kanyang pinggan.
"Are you afraid that you'll get fat, kaya hindi ka nag-aalmusal?" Biglang tanong nito sa kanya.
"Hindi naman po, Sir. Hindi lang po talaga ako nasanay." Magalang na tugon niya.
"Simula ngayon, masanay ka na dahil you will eat breakfast with me. Tama lang din para magkalaman-laman ka." Saad nito, pagkatapos ay humigop ng kape.
Hindi naman alam ni Millie kung compliment ba iyon or insulto sa kanya. Napatingin na lamang siya sa kanyang manipis na katawan.
"Hindi naman ako payat. Sexy kaya ako," bulong niya.