Chapter 4: 24/7

1175 Words
  Medyo namumutla at mukang takot na takot si Ms. Cruz. Subalit biglang nag-aliwalas ang mukha nito nang mapatingin sa direksyon niya.   “Mr. Montenegro, I just found a new assistant for you.” Wika nito at lumakad patungo sa kanyang direksyon habang kumikinang ang mga mata.   Parang huminto naman ang t***k ng puso ni Millie. Masama ang kanyang kutob at parang nababasa niya ang nasa isip ni Ms. Cruz. Napahakbang siya paatras. Parang gusto niyang tumakbo palayo habang papalapit ang HR Manager sa kanya. Paano namang hindi? Mukhang nakakatakot ang lalaki base pa lang kung paano ito magsalita at sa reaksyon ni Ms. Cruz kanina. At kung tama ang kanyang hinala ay siya ang new assistant na tinutukoy ni Ms. Cruz dito.   Lumingon naman si Joaquin kay Millie. Subalit ang mata ni Millie ay nakapako kay Ms. Cruz na may matamis na ngiti sa kanyang mga labi.   “Mr. Montenegro, this is Millicent Garcia. Your new Personal Assistant.” Pakilala sa kanya ni Ms. Cruz na abot tainga ang ngiti.   Nanlaki ang kanyang mga mata habang napalunok siya ng laway. Bigla siyang nakaramdam ng pagkatuyo ng kanyang lalamunan sa bilis ng t***k ng kanyang puso dahil sa kaba. Umiling siya ng marahan kay Ms. Cruz upang ipaalam dito na hindi siya sumasang-ayon sa idea nito. Subalit mukhang desidido na talaga ito.   Saka pa lamang siya napatingin sa lalaki. Lumukso ang kanyang puso nang makita na naman ang guwapo nitong mukha. Siya nga ang lalaki kanina sa coffee shop. Sa katunayan ay hawak pa nito ang cup ng kape na binili nito kanina.   Sobrang guwapo talaga nito na may abuhin na mga mata, makapal na kilay at matangos na ilong. Parang huminto na naman ang oras nang sandaling magtama ang kanilang mga tingin.   “Are you sure, Ms. Cruz?” Tanong ng lalaki habang tinitignan si Millie mula ulo hanggang paa.   Tumingin naman si Millie ng taas noo sa lalaki dahil alam niya na presentable ang kanyang itsura. Pinaghandaan niya talaga ang kanyang unang araw sa trabaho at bumili ng maayos na damit. Maganda din naman siya tulad ng sabi ng kanyang lola at kaibigang si Aira. Natural ang kanyang mapupulang mga labi at makinis at maputi ang kanyang balat. Nagpahid din siya ng kaunting pressed powder sa kanyang makinis na pisngi.   Hindi siya nagbaba ng tingin kahit deep inside ay kinakabahan na talaga siya. Nanlalamig na ang kanyang mga palad sa kaba dahil naiisip niya ang first encounter nila ng lalaki.    'Lagot na.' Usal niya sa isip. Malamang ay negative na ang first impression nito sa kanya.    “Yes, Sir. It’s her first day today and supposed to work as an assistant of Ms. Del Rosario. But since you need an assistant very badly, I’ll assign her to you. Ms. Garcia, he’s our CEO, Mr. Joaquin Montenegro.” Mahabang paliwanag ni Ms. Cruz..   “Okay, come to my office.” Sabi ng lalaki sabay talikod. Ni hindi na nito hinintay pa na makapagsalita siya.   Parang napako naman ang mga paa ni Millie sa kanyang kinatatayuan. Hindi siya makakilos na parang tuod.   “Ms. Garcia, bilisan mo. Ayaw na naghihintay ni Mr. Montenegro.” Baling ni Ms. Cruz sa kanya na nagpabalik ng kanyang isipan.   “Pero Ms. Cruz-“   “Wala ng pero pero. Bilisan mo na.” Putol nito sa sasabihin niya habang hinihila siya papunta sa elevator.   Sinamahan siya ni Ms. Cruz papunta sa opisina ni Mr. Montenegro at habang nasa elevator ay nagbilin ito ng napakaraming do’s and dont’s na lalong nagpakaba sa kanya. Napag-alaman din niya na nag-AWOL ang dating assistant nito kaya ganoon na lamang ang galit ng lalaki.   “Ms. Garcia, mabait naman si Mr. Montenegro. Masama lang talagang magalit. Kaya ilista mo na lahat ng sasabihin niya sayo mamaya dahil ayaw niya ng paulit ulit. Sasabihin niya sayo kung ano ang mga gagawin mo sa araw araw. Routinary lang naman ang mga iyon kaya alam kong kayang kaya mo.” Pagpapalakas ng loob sa kanya ni Ms. Cruz.   “Okay po, Ms. Cruz.” Magalang na sagot ni MIllie. Naisip niya na wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang kanyang kapalaran.    Pagpasok nila ng opisina ni Mr. Montenegro ay nakakita sila ng mga papel sa lapag. Mukhang itinapon ito sa galit ng lalaki. Parang gusto na niyang tumakbo palabas at umuwi.    Buti na lang, nakatalikod ito sa kanila at nakatingin sa labas ng glasswall ng opisina nito habang may kausap sa cellphone.   'Lord, parusa po ba ito sa mga kasalanang nagawa ko?' Tanong niya sa isip.   Sinenyasan siya ni Ms. Cruz na pulutin ang mga papel, pagkatapos ay umalis na ito. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang ibinababa ang kanyang bag upang pulutin ang nagkalat na mga papel. Nadoble ang kaba niya nang maiwan siyang mag-isa sa opisina ni Mr. Montenegro.   “Ms. Garcia, these would be your daily tasks.” Sambit ng lalaki.   Nagulat siya at biglang napaupo sa sahig. Bigla siyang napatingin sa lalaki at nakita na nakaharap na pala ito sa kanya.   “Are you okay, Ms. Garcia?” Malamig na boses na tanong nito habang nakakunot ang noo.   “Y-yes, Sir.” Sagot niya habang tumatayo matapos pulutin ang mga papel.   He looked up at her and asked, “Are you ready?”    “Yes, Sir.” Sagot niya habang mabilis na kumukuha ng ballpen at maliit na notebook sa kanyang bag.   Sumandal ang lalaki sa kanyang swivel chair bago nagsalita. “Alright. First thing in the morning you need to prepare my breakfast. I’ll give you the list of my daily meals. I prefer black coffee, no sugar. Prepare my suit. Run through my schedule for the day. Sort all documents that need my signature. Attend meetings with me in and out of the office.”   Napalunok siya habang sinusulat ang mga task nang binanggit ng lalaki ang 'black coffee, no sugar' dahil naalala niya ang eksena kanina sa coffee shop.   ‘Paano kaya kung malaman niya na ininuman ko na ang cup ng kape niya kanina?’ Nanlamig ang kanyang buong katawan sa naisip.   “Are you listening, Ms. Garcia?” Narinig niyang tanong ng lalaki sa kanya.   “Y-yes, Sir.” Sagot niya. Hindi niya napansin na napahinto na pala siya sa pagsusulat.    “Wala ka bang alam isagot kundi yes, sir?” Nakataas ang kilay na tanong nito.   “Huh?”   “Never mind. You may go now to your seat. That’s your room.” Wika nito habang itinuturo ang kuwarto sa labas ng maliit na salamin na kadikit ng opisina nito. Nadaanan nila ito kanina ni Ms. Cruz at sinabi na iyon nga ang kanyang magiging office. Isang maliit na kuwarto ito bago makarating sa opisina ng CEO. Kaya lahat ng papasok ay dadaan muna sa kanya.   “Thank you, Sir.” Sambit niya at pilit ngumiti. Pagkatapos ay tumalikod na siya at binuksan ang pinto.   “Wait, Ms. Garcia. Did Ms. Cruz mention to you that I need you 24/7? Meaning, you’re going to stay in my house.”   “H-Huh?” Nanlalaki ang mga mata na bulalas niya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD