Nasa labas kami ng hospital kung saan dinala ang katawan ni Attorney Yvonne. Doon siya dinala dahil hindi alam ng mga awtoridad kung sinong kamag-anak niya ang tatawagan. As a matter of fact ay ako ang una nilang tinawagan dahil pangalan ko ang binigay ng secretary ni Attorney Yvonne. Wala akong maalalang may pinakilala siyang kamag-anak sa akin. Maliban sa papa niya ay wala na akong kilala. Ayon daw sa findings ay limang oras nang walang buhay si Attorney Yvonne nang makita siyang nakabitin sa loob ng kanyang opisina sa mismong bahay niya. They found her around seven in the evening. So basically, she hung herself at around two in the afternoon. Napabuntonghininga ako. Nang mga oras na iyon ay abala ako sa isang interview, pero abala rin ako kakatingin sa cellphone ko para silipin kung