I was too amazed that I couldn't utter any words. Katatapos ko lang basahin ang mga dokumentong dala ni Uncle Aro. Binabasa na iyon ni Brylle. Nasa labas pa rin kami ng hospital. Napapailing pa ako sa pagkakagulat. "How come?" "I told you, I have my sources," seryosong sagot ni Uncle Aro sa akin habang ang sama ng tingin kay Brylle. Para bang sinasabi niya kung anong ambag ni Brylle sa ganitong sitwasyon. Kulang na lang talaga ay taasan niya si Brylle ng kilay. Actually, I was amazed after reading those documents. Paano at saan niya nakuha ang mga iyon? Nakapaloob doon ang isang papel na may sulat-kamay ni Attorney Ambrocio Madrigal na nagsasabing kapag may nangyaring masama sa kanya ay ako ang magiging guardian ng anak niyang si Attorney Yvonne Madrigal. May mga supporting document na