Sumapit ang gabi pero walang tawag na dumating mula kay Attorney Yvonne. Hindi ko alam pero hindi ako mapakali. "Para kang natatae na manganganak dyan," sita sa akin ni Ate Sandra. Speaking of anak ay talaga ngang buntis siya. She's five weeks pregnant. Gusto ko ay lalakeng pamangkin naman. Tapos iyong hindi panay English. Huminga ako nang malalim at umupo sa tabi ni Ate Sandra sa may sala. Kararating ko lang at hindi pa ako nakapagbihis. "Nakakapanibago ka," puna niya sa akin. "Kapag ganitong loaded ang araw mo ay umaakyat ka kaagad sa kwarto mo para makapagpahinga." Nilingon ko siya. "Hindi pa ako tinatawagan ni Attorney Yvonne." "Baka hindi niya pa tapos pag-aralan?" Hinarap ako ni Ate at inalis ang ilang hibla ng buhok na nagkalat sa mukha ko. "You should take a rest, Rhia. Pagod