Ilang saglit na napuno ng bulungan ang buong library namin. Nakatitig lang ako sa babaeng nagtanong niyon. Ganoon din naman siya sa akin. It was like I owe her an explanation based on how the way she was looking at me right now. Sinasabi ng utak ko na part lang ito ng buhay ko bilang artista. Lahat naman kasi ng lalaking lalapit sa akin ay nili-link nila kaagad sa akin. Pero may part sa instinct ko ang nagsasabing there was more to it. Na may ibang ibig sabihin ang tanong na iyon. Na para bang... "What's your name?" tanong ko sa kanya na ikinatahimik ng lahat. Hindi nila inaasahan ang tanong kong iyon. Kahit si Miss Anchor ay halatang nagtataka sa naging tanong ko. Pero ang hindi nila alam ay may ibig sabihin ang tanong na iyon. "Copy," sabi ni Ate Lorna sa kabilang linya. Suot ko pa r