Chapter 12 - The Unexpected Question

1567 Words

Binabasa ko na ang mga tanong na maaaring ibato sa akin ng mga piling reporter na naririto sa library namin. Sa dami ng lugar ay dito pa nila napiling magpa-press conference. Hindi naman nila makikita ang secret room dahil nasa underground naman talaga iyon. Nandito lang sa library ang daanan. Sa harap mismo ng office table ko ay ang sahig na bumubukas pababa sa underground. Pinasadya ko talaga magpagawa ng isang underground hideout. Kung dati ay wala lang talaga ang secret room na iyon sa underground, ngayon ay mukhang magagamit na iyon sa isang mahalagang misyon— misyon na alamin ang tunay na nangyari limang taon na ang nakararaan. "Ayusin mo nga iyang kilay mo," saway sa akin ni Brylle. Sinamaan ko siya ng tingin at pinakunot pa lalo ang noo. "Kasalanan mo ito. Talagang dito pa? Paa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD