Rhia and Aro's first meet up five years ago, six months before Rhia's parents' death. "Rhia, anak, this is your Uncle Aro," pakilala sa akin ni Papa sa isang lalaking hindi pamilyar sa akin. Kagagaling ko lang sa school kaya nangangamoy pawis na ako at sigurado akong magulo na rin ang buhok ko. Bitbit ko pa ang bag ko habang nakabukas ang zipper niyon. So I could tell that I was a total mess right now. Hindi naman masyadong matangkad ang lalaki, kaya hindi rin ako gaanong nakatingala sa kanya. Matangkad lang talaga ako kaya ganoon. "Kaano-ano mo siya, Papa?" tanong ko kay Papa pero na kay Uncle Aro pa rin ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong tawag dito sa nararamdaman ko. I couldn't take my eyes off of him. Hindi naman nakakatakot ang awra niya. Hindi katulad ng ibang mga uncle n