Chapter 3 - Email

1396 Words
Nakahiga na ako sa kwarto pero ang isipan ko ay kung saan-saan pa napapadpad. Inaalala ang mga nangyari sa amin. Oo at isang taon lang kaming naghirap, pero ang karanasang iyon ay hindi ko basta-basta malilimutan. Lalo na ang araw na iniwan ako ni Uncle Aro. Napapaisip ako kung pinaglaruan niya lang ba ako noon, that he took advantage of me because I was too young and innocent? Pero kahit ganoon pa man ay nagpapasalamat pa rin ako. Dahil nakilala ko si Brylle. Napangiti ako nang maalala kung paano nagkrus ang landas namin ni Brylle— ang taong tumulong sa amin na gumising mula sa isang bangungot. ---- "Talaga? Bayad na iyong bills natin?" gulat kong tanong kay Kuya Rigor. Tama nga ako at nanganak na si Ate Sandra kaya hindi ako nasundo kaagad ni Kuya Rigor. Babae ang anak nila at hindi na ako makapaghintay pa na makita siya! "Oo, Rhia," sagot ni Kuya Rigor na biglang napayuko. "Pasensya ka na, ha? Napahamak ka—" 'Naku, Kuya, okay lang ako! Masamang nilalang ako kaya matagal pa akong mabubuhay!" natatawa kong sagot. Nakatanggap naman ako nang mahinang sapak mula kay Manang Nely. "Puro ka kalokohan. Iyong mga sakop mo nag-aalala sa iyo. Dadalaw raw sila mamaya sa iyo." Ngumuso lang ako at may biglang maalala. "Sino nga pala ang nagbayad ng bills natin, Kuya?" "Iyong nagdala raw sa iyo rito." Hanggang sa makalabas na kami ng hospital ay hindi namin nakilala kung sino man iyon. Isang linggo rin akong hindi nakapag-duty sa bar. Ayaw na nga nila Ate Sandra na bumalik pa ako roon, pero nagpumilit pa rin ako. "Rhia!" tawag sa akin ng waitress na si Violet— hindi niya totoong pangalan. "May gustong kumausap sa iyo. Nasa table five." "Hay naku! Alam mo namang hindi ako nagpapa-table," sagot ko naman sa kanya. "Ang sabi siya raw ang nagdala sa iyo sa hospital." Sa sinabing iyon ni Violet ay hindi na ako umangal pa at kaagad na pinuntahan ang kung sino mang nasa table five. Naniningkit ang mga mata ko dahil hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil nakasuot siya ng sumbrero. "Salamat nga pala sa tulong," panimula ko. "Nandito ka ba para maningil?" Napatawa siya na ikinabigla ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko? "May tulong ba na naniningil?" tanong niya, maskuladong-maskulado ang boses. "Pwede bang magtanong?" Tumango siya kaya nagsalita ako ulti. "Bakit nga pala tinulungan mo kami?" Napansin kong bigla siyang naging seryoso. Tumikhim muna siya bago nagsalita. "W-Wala ka bang naaalala bago ka nawalan ng malay ng gabing nasaksak ka?" Napaisip naman ako. "Hmm, naalala kong may dalawang lalaki sa loob ng kotse. Sinusubo ng—" Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at tumabi sa akin saka tinakpan ang bibig ko. "Shhh, baka may makarinig sa iyong bruha ka." Ngayon ko lang napagtanto na siya pala iyon lalaking tumili sa loob ng kotse. Siya iyong sumusubo ng ano, ng talong na buhay. Hindi ko naman nakita talaga lahat. Medyo lang. "Oh, bakit natahimik ka riyan?" tanong niya. Tinuro ko ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko at kaagad niya namang inalis iyon. "Dahil ba roon kaya mo kami tinulungan?" "Hindi mo ba ako kilala?" tanong niya pabalik sa akin. "Paano kita makikilala kung ganyan ang ayos mo?" tanong ko ulit sa kanya. Tinanggal niya ang suot na sumbrero at reading glass. "Ayan. Kilala mo na ako?" Kahit anong gawin kong pag-iisip ay hindi ko talaga siya kilala. Kaya umiling na lang ako. Gulat na gulat ang ekspresyon ng mukha niya na para bang hindi kanais-nais ang nasabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay na mas lalong nagpalukot sa mukha niya. "H-Hindi mo ako kilala?" Ako naman ang kumunot ang noo. "Sino ka ba kasi?" Napahawak siya sa dibdib niya at para bang umaarte na mahihimatay. Sapakin ko kaya ito para matuluyan? "Ako si Brylle Ortega." Brylle Ortega? May kilala ba akong Brylle? Parang wala naman. "Oh gosh! Hindi mo pa rin ako kilala?" Ang oa naman ng bading na ito. Sino ba kasi siya? Lumapit siya sa akin at bumulong. "Isa akong artista." "Ohh," sagot ko at napapatango-tango pa. "So nandito ka para sabihin na manahimik ako at wala akong nakita bilang kapalit ng tulong na binigay mo?" "Pero hindi mo talaga ako kilala?" Putris na bading ito! "Okay, okay! Aaalamin ko! At huwag kang mag-aalala, wala naman akong balak ipagkalat ang nakita ko." Tumayo na ako para sana magpaalam na dahil baka nasa labas na si Kuya Rigor at naghihintay. Pero hinila niya ang kamay ko at napaupo ako ulit sa tabi niya. "May iba pa akong offer sa iyo." Napataas naman ang kilay ko sa narinig. "Offer? Baka kung ano iyan ay huwag na lang." "Gusto kong maging ka-love team ka." Ilang segundo akong nakatulala lang sa kanya. Nabingi na ba ako o mali lang siya ng sinabi? "P-Pakilinaw naman." "May-ari kami ng isang talent agency at lahat ng talents doon ay nagkakaroon ng proyekto sa Union TV." Woah? Union TV ang pinakamalaki at sikat na TV network sa loob ng bansa! "Pina-prank mo lang ba ako?" tanong ko sa kanya dahil hindi ako naniniwala. Hello! Bakit ako? "I'll meet you again tomorrow." May binigay siyang calling card sa akin at umalis siya nang walang paalam. Habang ako ay nakatulala pa rin sa calling card na nasa kamay ko. Dahil desperada ako ay nakipagkita ako kay Brylle kinabukasan. Tinawagan ko siya at binigay niya naman sa akin ang address ng talent agency nila. Malapit lang ang building nito sa Union TV. "I saw your video—" "Video?" nagtataka kong tanong sa katabi ni Brylle na bading din— si Manager Sonya, ang manager ni Brylle at ang magiging manager ko na rin daw. Pero putris! Anong video ang sinasabi niya? Pinakita naman sa akin ni Brylle ang video na tinutukoy ni Manager Sonya. It was me, singing on the stage. "Maganda ka, hija, at you have the talent. Mabilis na lang para sa iyo ang maging artista," saad pa ni Manager Sonya. "Ang gagawin na lang natin para unti-unti kang makilala ng mga people ay mag-model kayong dalawa ni Brylle, tapos isasama ka na rin sa iba niyang endorsement. Tamang-tama ang dating mo dahil may up-coming movie si Brylle five months from now at wala pang napipiling partner niya." Hindi yata maproseso ng utak ko ang mga sinabi ni Manager Sonya. Pero biglang nawindang ang diwa ko sa mga sumunod na sinabi ni Brylle. "Anak ka ni Gerome Zamora— ang may-ari ng El Zamora Corporation. Sorry, but I did a background check on you. Nagtataka lang ako bakit hindi napunta sa iyo ang kayamanan ng yumao mong tatay?" tanong niya na halatang kuryoso nga. "Hindi ko man alam pero nararamdaman kong may foul play na nangyari. Why not magtulungan tayo?" "What do you mean?" kaagad kong tanong. Hindi ko makuha ang pinupunto niya. "Sign a ten years contract to be my love team and I'll help you claim what was yours." "Sandali lang, ha." Itinaas ko pa ang kamay ko. "Nag-research ako tungkol sa iyo at sikat ka nga talaga. Abala kasi ako sa ibang bagay kaya nito ko lang nalaman. Ang isang sikat na katulad mo ay magtitiis sa isang katulad ko?" "Dahil magiging komportable na ako," sabi ni Brylle na mas lalo kong ipinagtaka. "Dahil sa wakas ay ang makakapareha ko ay alam ang tunay na ako. Iyong iba ko kasing nakakapareha, they were too clingy at sila pa ang nagsa-suggest ng kissing scene whici is so eww!" Ayun at gets ko na rin. Sa araw na iyo ay pumirma nga ako ng kontrata. Lumipat ng bahay at kinupkop ang mga kaibigan na nakilala ko sa kalye. --- Nabalik ako sa kasalukuyan nang tumunog ang cellphone ko. Nabasa ko ang pangalan ni Jenny kaya sinagot ko iyon kaagad. "Yes, Jenny? May problema ba?" Masyado nang malalim ang gabi. Hindi siya tumatawag nang ganiting oras kapag hindi importante. "May nag-email po, ate. Ang sabi, inaanyayahan kayo para sa board meeting bukas ng alas ocho." Napataas ang kilay ko at napabangon ako bigla. "Board meeting?" "Yes, po. Board meeting sa El Zamora Corporation main building," paliwanag ni Jenny na parang wala lang ang ibinalita niya sa akin. "At may nakalagay na important notice na galing kay Arturo Zamora, pumunta ka raw po kung ayaw mo ng gulo." Putris! Ginagalit mo ako lalo Uncle Aro!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD