Chapter 4 - Mall Tour Gone Wrong

1205 Words
"Mawawalan tayo ng fans sa ginagawa mo," saway sa akin ni Brylle. "Kanina ka pa nakasimangot. Iisipin nila na masungit ka." Napabuntonghininga na lang ako at pilit na ngumiti. Nasa backstage kami at naghahanda. Every week kasi ay may mall tour kami. "Sisihin mo si Arturo!" Napahagikhik naman si Brylle. "Ang bantot ng pangalan ni Papa Aro, ah. Pero parang may dating pa rin. Lalaking-lalaki." "Manahimik ka nga riyan," inis kong saway sa kanya. "Gwapo naman siya sa mga picture. Pero iba pa rin iyong personal. Gaano ba kalakas ang dating niya, Rhia?" tanong pa ni Bryll. Tsk! Alam niya talaga paano ako asarin. "Iyong tipo ba na namamasa ang iyong kiffy?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Brylle. "Putris ka." Pigil na pigil ko ang sarili na hindi siya mabatukan. Kahit kailan talaga ang bading na ito! Kapag kaming dalawa lang ay napakarumi magsalita. Pero gentleman ang datingan kapag nasa harap ng maraming tao. Nabaling ang atensyon namin sa mga tumitili sa likuran namin. Mga VIP yata ito at nabigyan ng access makapasok dito sa backstage— tatlo sila na sa tingin ko ay mga high schooler pa lang. "Magpapa-picture lang sana kami..." saad ng babaeng sana ay nag-panty na lang. Nagsuot nga ng palda pero isang maling galaw ay makikitaan na siya. Pakiramdam ko ay si Brylle ang pakay nila. "At autograph na rin sana." Nabigla ako nang makita ang hawak niyang VCD— iyon ang latest album ko na na-release last month. Ibig bang sabihin ay ako ang pakay nila? Binabawi ko na pala ang sinabi ko kanina. "Sure!" sagot naman ni Brylle at palihim niya akong siniko. "Umayos ka riyan." "Ayan!" bulalas ng babae na nagpa-autograph sa akin matapos naming magpa-picture. "May ipagmamayabang na ako sa kanila." "Matanong ko lang pala, Miss Rhia," saad naman ng isa pang babae. "Screen name lang po ba ninyo ang Rhia Zamora?" Medyo nagtaka ako bakit niya iyon natanong. Ayaw ko sanang sagutin pero mukhang naghihintay sila ng sagot. Tumikhim ako at ngumit bago nagsalita. "It's my legal name." "See!" bulalas ulit ng babaeng nagpa-autograph sa akin. "We're cousins!" "What?" "Ano?" Halos sabay pa kaming nagsalita ni Brylle. Nabigla na lang ako nang hinawakan ng babaeng nagpa-autograph sa akin ang kamay ko. "Don't tell Mommy that I am your fan!" Saglit akong napaisip. "Mommy? You mean, Tita Amanda?" "See?" sabi niya sa dalawa niya pang kasamahan. "She knows my mother." Napatango-tango naman ang dalawa pang babae. "Pero bakit tinanggi mong may ugnayan ka sa El ZaCo?" Hindi talaga maiwasan na may mga fan na parang mga reporter ang datingan. Hindi ko rin sila masisisi dahil nga totoong tinanggi ko na may ugnayan ako sa El ZaCo. Kahit sina Uncle Garry at Uncle Raul ay itinangging kaano-ano nila ako, kaya itinanggi ko rin na kamag-anak ko sila. "Alam naman ninyo, girls! Ayaw ng pamilya namin na masangkot sa showbiz. We're a family of businessmen! Kaya idol ko itong si Ate Rhia. Siya ang kauna-unahang lumabag sa batas ng pamilya namin at tinupad ang pangarap niya!" Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o maiinsulto. Syempre, alam kong hindi iyon ang rason kung bakit itinanggi nila tito ang totoong ugnayan ko sa kanila. Makukwestyon sila kung bakit nila ako pinabayaan. Maaapektuhan ang mga negosyo nila. Iyong kasikatan nila sa business world ay kaya kong higitan sa showbizness. Walang-wala sila sa mga follower ko. Nilingon ko ang dalawang babae. "Pwede bang mauna na kayo sa labas? Kakausapin ko lang ang pinsan ko." Tumango naman sila at bakas sa mga mukha nila ang inggit. Nang makaalis sila ay hinarap ko ulit ang anak ni Tita Amanda. Nakangiti lang siya sa akin. Kung pagbabasehan ang hitsura ay mukhang hindi naman siya demonya katulad ng nanay niya. "What's your name?" tanong ko. Hindi ko kasi alam na may anak pala si Tita Amanda. How would I know? Never naman silang nakipaghalubilo sa amin. Kaya imposible talagang ipamana ni Papa kay Tita Amanda ang lahat— na ngayon ay delikado pang malugi. "Sorry pero hindi talaga ako close sa Mama mo o kahit kila Uncle Raul at Uncle Garry." "Iyon din ang sinabi ni Mommy, lalo na noong namatay si Tito Gerome, kaya I understand," sagot niya naman sa akin. "I'm Princess Chloe Zamora. Just call me Chloe." "How old are you?" tanong ko pa ulit. Mukha naman siyang nasisiyahan sa pakikipag-usap sa akin. "I'm sixteen. I have an older brothers— Kuya Neil, twenty-three and Kuya Ivan, twenty." Oh? Nauna palang nagkaanak si Tita Amanda kaysa kay Papa. "Can I have your number?" tanong ko pa. She seemed nice and I have this feeling that she didn't know what her mother did to me. "I want to know more about my cousin. Of course, it's a secret. Lalo na kay Tita Amanda." Kulang na lang yata ay maghugis puso ang mga mata ni Chloe. "Of course! It's an honor, Ate Rhia!" Matapos magpalitan ng mga numero ay nagpaalam na siya. "Ano namang binabalak mo, babaita?" tanong ni Brylle habang nakataas ang mga kilay. Nakikinig lang siya sa amin ni Chloe kanina. "Getting to know my enemy," simpleng sagot ko. "Mukha namang inosente iyong bata," sabi pa ni Brylle. "Baka isipin niya ay ginagamit mo lang siya para makapaghiganti sa mama niya." Napahinga ako nang malalim. "Ipapaliwanag ko sa kanya kung sakali man." Nagkibit-balikat lang si Brylle. Ilang minuto pa ay naghanda na kami. Una akong pumasok sa stage at sigawan ng mga fans ang sumalubong sa akin. "We love you, Rhia!" Iyon ang halos maririnig sa kanila. Kumaway-kaway ako sa kanila at binigay ang pinakamatamis kong ngiti. Halos hindi na magkamayaw ang mga audience. Bitbit ang gitara ko ay umupo na ako sa bangkong nakapwesto sa pinakagitna. I started to strum my guitar and the crowd was getting more wild. Lalo na nang kumanta ako. Pagkatapos ng kanta ko ay saka lumabas si Brylle na may bitbit na bulaklak. Mas lalo tuloy nagkagulo ang mga nanonood. Putris. Kapag kaya nalaman nilang bading naman si Brylle, ano kayang magiging reaksyon nila? Hindi ko ma-imagine. Konting tsikahan lang at pumwesto na kami sa long table para tumanggap ng mga magpapa-autograph at magpapa-picture. Nilingon ko ang pila at parang napagod na ako bigla sa sobrang haba niyon. Napatingin ako sa wristwatch ko. Tanghali na. Naalala ko na naman ang board meeting na sinabi ni Uncle Aro. Kaninang alas ocho pa iyon. Ni hindi ako nagpadala ng reply sa email nila. Gagaw kaya ng gulo si Uncle Aro? Sana naman ay hin— "Bakit hindi ka pumunta sa board meeting?" Pakiramdam ko ay tumigil sa pagtibok ang puso ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Naririnig ko na ang mga bulung-bulungan. "Huwag ka pong gumawa ng eksena rito," magalang na saway ni Brylle. "I'm not talking to you." Napapikit na lang ako dahil hindi ko na alam kung anong gagawin. Ni ayaw kong salubungin ang mga tingin niya sa akin. Putris! Five years din ang lumipas! Tapos sa ganitong paraan kami ulit magkikita? Ilang beses ko nang inisip ang magiging tagpo namin kung sakali mang magkita kami ulit. Pero ni sa hinagap ay hindi ko naisip na ganito ang mangyayari. "Answer me, Rhianne Christine Zamora!" What to do!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD