Chapter 16 - Pag-Aari Niya

1243 Words

Gaya nang sinabi ni Attorney Yvonne ay pinag-aralan niyang muli ang kontrata. Buong araw akong naghihintay ng tawag niya habang abala rin sa kaliwa't kanang mga interviews at guestings. Paulit-ulit lang din ang mga tanong. "Totoo bang may ugnayan ka talaga sa El Zamora Corporation?" Nakaririndi na. Hindi ba nila napanood ang press conference ko kahapon? Putris na iyan! Parang mga sirang plaka! "Oh, bakit ganyan ang mukha ng disney princess namin?" nang-aasar na tanong sa akin ni Brylle habang nakatingin sa phone niya. Inirapan ko lang siya kahit hindi niya naman iyon nakita. Pabagsak akong umupo sa couch dito sa opisina ni Brylle sa Union TV. Oo, bukod sa narito ang agency nila ay may sarili siyang opisina rito. May sarili rin naman akong dressing room dito sa building ng Union TV.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD