Hindi natapos ang mall tour namin dahil sa eksenang ginawa ni Uncle Aro. Kinausap siya ni Manager Sonya at ilang guards na rin ang umawat sa kanya.
Natataranta na ko dahil kaagad na kumalat sa social media ang larawan naming dalawa. Tapos ang headline pa ay...
'Nagsinungaling nga ba ang aktress at singer na si Rhia Zamora na wala siyang ugnayan sa El Zamora Corporation? Kung oo ay bakit naman?'
Sumasakit ang ulo ko.
Mabuti na lang at nagawan kaagad ni Ate Lorna ng paraan. Na-hack niya ang lahat ng account na nag-upload ng picture namin ni Uncle Aro. Na-block niya na rin ang lahat ng link na konektado sa bagay na iyon. Pero hanggang social media lang ang kaya niyang gawan ng paraan. Hindi niya na kayang pigilan ang media kung mapapabalita iyon sa telebisyon.
Nakailang tawag na rin si Ate Sandra sa akin pero si Jenny ang sumasagot. Ayaw ko na munang may makausap. Nag-iisip pa ako kung paano ito malulusutan.
Putris ka Uncle Aro! Ginulo mo na naman ang buhay kong nakaahon na mula sa pang-iiwan mo!
"Rhia," tawag sa akin Manager Sonya at hindi ko nagugustuhan ang reaksyon ng mukha niya. Like he was disappointed or whatsoever. "Hindi matatapos sa araw na ito ang gulo na ginawa ng uncle mo. Nagbanta siya na kapag hindi ka sumama sa kanya ngayon ay gagawa at gagawa siya ng gulo."
Pabagsak ako ng umupo sa couch. Nandito na kami ngayon sa agency nila Brylle.
"Magpapa-press conference na lang tayo pagkatapos mong maayos ang kung ano mang gustong mangyari ng Aro na iyon," saad naman ni Brylle. "I know it's hard for you, Rhia. Pero walang patutunguhan ang lahat kapag patuloy mong tinatakasan ang nakaraan. It's time to face it. Ako na ang bahalang kumausap kay Direk Manuel. Next week na lang ulit."
Nilapitan ako ni Brylle at lumuhod sa harapan ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko at pinisil iyon. Kung hindi ko lang alam na bading siya ay siguro kinilig na ako.
"Nandito lang ako kung sakaling makaisip ka na ng plano."
Naalala ko na naman ang pinirmahang kontrata sa kanya.
Magiging love team kami at ang kapalit ay tutulungan niya akong mabawi ang kung anong dapat ay sa akin. Tutulungan niya akong makapaghiganti. Hindi ko na naiisip pa ang tungkol sa bagay na iyon. I was contented to what I have right now. Inisip kong magsimula na lang sa sarili kong mga paa.
Not until now.
Ginulo na naman nila ako.
Una, si Chloe na anak ng babaeng kinuha ang lahat sa akin. Pangalawa, si Uncle Aro na sinaktan ako nang sobra-sobra nang iwan niya ako sa ere at hindi man lang nagpaalam.
Bumalik lahat ang sakit. Bumalik ulit ang pagnanais ko na makaganti sa lahat ng sakit na pinaranas nila sa akin. Bumalik ulit ang kagustuhan kong malaman kung anong tunay na dahilan ng pagkamatay nina Mama at Papa.
Huminga ako nang malalim. Tumango ako at tinawag si Jenny na nasa labas ng opisina.
"Yes, Ate?"
"Cancel all my appointments this week."
Narinig ko ang malalim na paghinga ni Brylle. "Naghihintay siya sa parking lot."
Oo, sinundan talaga ako ni Uncle Aro hanggang dito.
"I'm so sorry, Brylle."
"Don't be sorry. Alam kong mangyayari ito. Masyado tayong naging abala at hindi binigyan ng pansin ang posibilidad na mangyayari ito." Tumayo na siya at hinila ako patayo. "Now go. Sa pagkakataong ito, huwag mong hahayaan na manalo na naman sila."
Tipid akong ngumiti. "I'll call you then."
Kaagad na akong pumunta ng parking lot. Nakasunod sina Jenny at Nicole. May klase si Joy kaya wala siya. Nakita ko naman kaagad si Uncle Aro na nakasandal sa kotse niya. Tinted iyon.
Putris! Naalala ko tuloy ang ginawa namin noon sa loob ng kotse niyang tinted din. Gusto kong batukan ang sarili dahil sa kung ano-ano ang naiisip ko.
"Send them off," salubong ni Uncle Aro sa akin at inagaw ang dala kong shoulder bag.
Ito na naman ang puso ko. Nagwawala sa simpleng bagay na ginagawa niya. He was too sweet. Kaya marahil ay nahulog ako sa kanya kahit pa ang layo ng agwat namin sa isa't isa.
Biglang sumagi sa isipan ko na ginagawa niya na ito noon pa man. Sa twing sinusundo niya ako ay kinukuha niya talaga ang bag ko. A simple gesture that would make my heart beat so fast.
"Sa kanila ako sasabay. Saan ba ang punta—"
"Send them off."
Putris! Ampon siya ng kadiliman! Akala niya ba ay katulad pa rin ako ng dati na masunurin?
"Who are you to tell me what to do?" Mabuti na lang at artista ako. Kaya kong itago sa loob-loob ko ang kabang nararamdaman ko. I made a straight face. "Pagkatapos mo akong iwan at pinabayaan na makuha lahat ni Tita Amanda sa akin ay ito ka at nagpi-feeling responsable?"
Hinawakan niya ang kamay ko at hinarap sina Jenny. "Mauna na kayong umuwi. Ako na ang maghahatid sa kanya."
"Ang sabi ko—"
"Gusto mong halikan kita sa harap nila?" bulong na tanong niya sa akin.
"f**k you," bulong ko rin pabalik sa kanya.
"Oh? Suwail na pala talaga ang pamangkin ko," nang-uuyam niyang saad sa akin. "Ano kayang magiging headline bukas? Rhia Zamora, may relasyon nga ba sila ng tiyuhin niya?"
He got me there. Wala na akong nagawa pa kung hindi ang magpaanod na lang sa paghila niya. Pinasakay niya ako sa passenger seat at mabilis na sumakay sa driver seat.
"Can you please calm down, Uncle—"
Hinila niya ang batok ko at nabigla sa ginawa niyang paghalik sa mga labi ko.
Holy son of a bear!
Para akong poste na nakaupo lang at halos hindi makagalaw. While he was insisting to put his tounge inside my mouth. Hindi pa rin nagbabago ang epekto niya sa akin. Mas lumala pa yata.
Napabuga ako ng hangin nang humiwalay siya sa akin. Pakiramdam ko ay tumakbo ako ng milya-milya at kinakapos ako sa hangin.
"You're still my sweety, don't forget that."
Lihim akong napamura. "Tsk. How dare you?"
Hindi siya sumagot at pinaandar na ang kotse niya. Baka sa kumpanya ang diretso namin. Hindi ko alam kung handa na ba akong harapin si Tita Amanda at ang tanong ng mga tao.
Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa sobrang dami kong iniisip. Naalimpungatan na lang ako nang tawagin ako ni Uncle Aro.
"We're here."
Pagdilat ko ng mga mata ay mukha niya kaagad ang nakita ko. Ngayon ko lang napagmasdan muli ang mukha niya sa ganito kalapit. Pinatubo niya ang balbas niya at halatang alagang-alaga niya ito. Ni hindi man lang siya tumanda. Mas lalo pa siyang naging gwapo sa paningin ko.
Putris! Ano ba itong pinag-iisip ko? Saka ko lang napansin na nakahiga pala ako sa kama. Napabalikwas ako ng bangon at nilibot ang tingin sa paligid.
"Where are we?" natataranta kong tanong.
"Calm down. Para namang may gagawin ako sa iyong masama," natatawa niyang saad saka tumayo. "Nandito tayo sa townhouse ko."
"Townhouse? Out of town tayo?" gulat na gulat kong tanong. Ganoon kahaba ang itinulog ko? "This is kidnapping!"
"Kusa kang sumama, Rhia."
"Iuwi mo na ako!" sigaw ko at padabog na tumayo.
Pero nahila niya ang kamay ko at kinulong niya ako sa mga bisig niya. Nagpumiglas ako at nakawala naman ako sa yakap niya. "I said, take me home!"
"I'm your home, Rhia..." he said calmy. I can sense the sincerity.
Natigilan ako sa sinabi niya. "Home? You left me! Ni hindi ka man lang nagsabing aalis! Ni hindi ka nagbalak na makausap ako all those years! And now you're saying your my home? That's bullshit! f**k you!"
Pero mas nagulat ako sa ginawa niya. He kneeled in front of me and he was crying.
Oh gracious goodness!