Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng magiging opisina ko. Isa ito sa mga kondisyon na gusto ko at kasali rin ito sa plano— ang magkaroon ako ng posisyon sa El ZaCo at makuha ang dating opisina ni Papa, na ngayon ay opisina pala ni Tita Amanda. Hindi ko pa naririnig ang sagot niya. Pag-iisipan niya raw muna. Kaya naman ay naglibot-libot na muna ako sa loob ng opisina. Ang plano namin ni Uncle Aro ay kumalap ng mga ebedensya na magdidiin kay Tita Amanda sa pagpatay kina Mama at Papa. Ang plano naman ni Brylle ay ang alamin kung anong tunay na rason kung bakit pumayag si Tita Amanda na tumapak ako sa kumpanyang ninakaw niya sa akin. Isa pa, malaking tulong sa career ko ang pagkakaroon ng involvement sa El ZaCo. Mas dodoble ang kasikatan ko. Iyon nga lang ay magiging abala na ako sa bawat a