"W-What are you doing?" Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa panginginig ng boses ko. "Five years. Five years iyon! Tapos iiyak ka lang diyan? I deserve an explanation!" Inangat niya ang tingin sa akin at nadudurog ang puso ko sa nakikita. I never saw him in this state. He was strict, sweet, and playful. But not like this one. Para bang pasan niya ang buong mundo. "Yannie..." Parang bigla na lang nanlambot ang mga tuhod ko. Siya lang ang tumatawag sa ganoong pangalan dahil siya mismo ang gumawa niyon para sa akin. "S-Stop targeting my weaknesses. It won't work. Salamat sa iyo at naging ganito ako katigas ngayon." Tinalikuran ko na siya at handa nang umalis. Pero natigilan ako sa sinabi niya. "She blackmailed me. Masyado siyang makapangyarihan ng mga panahong iyon at wala