Nanlaki ang mga mata ko habang nakadampi pa rin ang mga labi ng lalake sa mga labi ko. Hindi ako makagalaw na para bang napako na ako sa kinatatayuan ko. Lasang alak ang laway niya. Pero nalalasahan ko pa rin ang gamit niyang mouthwash. Putris! Naiisip ko pa ang mga bagay na iyon sa ganitong sitwasyon! Kinalma ko ang sarili at nagpumiglas. Kaso wala pa yata sa kalahati ng lakas niya ang lakas na mayroon ako. Pamilyar ang amoy niya. Sinubukan kong igalaw ang kamay ko para sana itulak siya papalayo sa akin. Pero sa hindi ko malamang dahilan ay para akong nawawalan ng lakas dahil sa pagkakahawak niya sa akin. Putris! Sino ba kasi ang lalakeng ito? Mabuti na lang at inilayo niya na ang mga labi niya sa akin. "R-Rhia..." Eh? Bakit parang kaboses yata ni Uncle Aro? Sa nanlalaking mga mat