Chapter 5

2850 Words
Chapter 5 Carli’s POV Tinulungan ako ni Rozo maka-baba mula sa ibabaw ni Lucy. Ginulo ko ang buhok ni Lucy, parang hindi siya napagod katatakbo at ayaw niya pang malayo kay Zoro. Hinintay muna namin ang mga tauhan ni Papa na magdadala ng mga kabayo pauwi. Habang naghihintay ay umupo kami ni Rozo sa ilalim ng malaking puno. Tumitirik na ang araw, halos isang oras kaming nangabayo kanina. “Tara na at simulan na natin ang pag-akyat,” masiglang wika ko. Tumakbo ako paakyat ng bundok. Hinabol ako ni Rozo. Ilang minuto ang lumipas ay tumigil ako sa pag-takbo dahil napansin ko na hindi na naka-sunod sa akin ang mga kasama ko. “Señorita, huwag kang tumakbo paakyat baka maubusan ka ng hangin,” sabi ni Rozo. Humarap ako sa kaniya at agad akong tumawa, hindi pa kami nangalahati sa bundok pero pinawisan na siya nang todo. “Ano ba iyan, Rozo? Parang hindi ka lalaki, ha! Tingnan mo nga ang sarili mo, ikaw ay pawis na pawis! Pinaligo mo yata ang pawis mo!” Puwersado siyang umiling kaya ay tumatalsik kahit saan ang butil ng mga pawis niya. Kung iba siguro ang pinapawisan ay tiyak akong masusuka ako dahil sa pandidiri, kaso, hindi e. Si Rozo kasi ang tumatagaktak ang pawis sa harapan ko ngayon kaya ay wala akong magawa maliban sa pag-hanga sa kaniya. Parang gusto ko ngang sumilong at isipin na patak ng ulan ang mga butil ng pawis niya. “Oo nga, señorita! Ang init,” aniya sabay tanggal ng backpack niya. Napakapit ako sa punong kinasasandalan ko ngayon nang makita ang makintab na mga pandesal na maayos na nakahilera sa tiyan niya nang hinubad niya ang kaniyang pantaas na kasuotan, bale tig-apat ang mga pandesal sa magkabilang bahagi ng tiyan niya. Napalunok tuloy ako nang sinundan ng sulyap ko ang mga buhok na naging gabay patungo sa ibabang bahagi ng katawan ni Rozo. Halos himatayin ako dahil nalimutan kong huminga nang makita ang magandang V-line niya. “A-Ang init nga!” Napa-paypay ako ng mga daliri ko at agad akong humarap patungo sa daan paakyat sa parque. Hindi maalis sa isipan ko ang magandang hubog ng katawan ni Rozo. Ginagambala nito ang bawat sulok ng utak ko, maging sa kaliit-liitang ugat sa aking utak ay naroon ang detalye ng katawan niya, mula sa adams apple niya, pumuputok niyang muscles, matikas niyang dibdib, mga pandesal sa tiyan niya, ang V-line niya at lalo na ang mga buhok na gumagabay patungo sa susi ng langit na hatid niya. Pinupukpok ko ang ulo ko pero ganoon pa rin, naiisip ko pa rin ang katawan niya. “Señorita, okay ka lang? Kaya mo pa ba?” Ang sarap niyang sagutin. Okay lang ako. Kaya ko naman umakyat kahit na medyo mainit ang panahon, kaso parang ang hotness niya ang hindi ko kayang tiisin. Nanghihina talaga ako kapag nakikita ko ang hubad niyang katawan. “Oo, Rozo, don’t worry. Okay lang ako,” tugon ko sa kaniya. Nakita ko ang puno ng bayabas kaya ay binalik na naman ako nito sa nakaraan. Dito ako madalas umaakyat kapag pumupunta kami sa parque. Puno rin ito ng mga alaala naming magkakaibigan. “Señorita, may bunga ang bayabas!” sabi ni Rozo. Napangiti ako patakbo papunta sa ilalim ng puno ng bayabas. Ang tanda na nitong puno ng bayabas na ito pero matayog pa rin ito, mas matanda pa nga siguro ito kumpara sa akin. Halos nag-unahan kami ni Rozo papunta sa ilalim ng bayabas. Mabuti pa siya dahil hindi niya kailangan pang umakyat. Inabot niya na lang ang mga bunga ng bayabas. Dahil umunat siya ay naging firm pa ang bawat detalye ng kaniyang katawan. Napalunok ako nang makita ko ang kaniyang kili-kili na medyo mabuhok. Pinipigilan ko ang mga mata ko na pumailalim ang pag-sulyap pero nabigo ako. Dumiretso na kasi ito sa malaking bukol sa gitna ng mga hita ni Rozo na nakaunat para maabot ang bunga ng bayabas. “Ang laki,” sabi ko bigla. Hindi ko alam kung saan galing ang mga salitang iyon. Ayaw ko ring maniwala na hindi ko iyon sinabi dahil narinig ko mismo na boses ko ang bumanggit ng dalawang salitang iyon habang nakatitig ako sa malaking umbok sa gitna ng mga hita ni Rozo. “Malaki talaga, señorita!” nakangiting sabi ni Rozo kaya ay puwersa kong binawi ang mga titig ko sa kaniyang umbok. Binato ko sa kaniya ang aking mga sulyap. Nakita ko ang magkabilang mga kamay niya na may hawak na tig-tatatlong bayabas habang ang kaniyang bibig ay ngumunguya. “Ito, señorita. Malalaki talaga ang bunga ng bayabas na ito.” Binigay niya sa akin ang tatlong bayabas. “Tatlo, para I love you!” naka-ngising sambit niya. Umiling na lang ako at umupo habang pinupunasan ko ang mga bayabas gamit ang manipis na blazer jacket sa aking baiwang. “Tumigil ka nga sa mga pabibo mong wika, Rozo. Nakakarami ka na sa akin,” sabi ko sa kaniya habang kinakagat ang bayabas na hawak ko. Pinapaypay ni Rozo sa sarili niya ang kaniyang puting damit. Ang suwerte siguro ng nobya nitong lalaking ito. “Hindi pa-bibo iyon, señorita! Mapag-mahal lang akong tao. Mahal ko ang mga kapatid ko, mahal ko ang mga magulang ko, mahal ko ang mga amo ko, mahal ko ang mga kabayong inaalagaan ko at mahal kita!” Kumindat siya patingin sa akin kaya ay natigilan ako sa aking pag-nguya. Ilang araw pa lang kaming magkasama ni Rozo pero nagiging musika na sa akin ang kaniyang mga sinasabi. Natatakot tuloy ako sa posibilidad na mahulog ako sa kaniya, he is kind, handsome and funny to be with, kaya ay tiyak ako na hindi ko maiiwasan ang ma-fall sa kaniya kapag palagi na lang siyang mag-sabi ng mga mabulaklak niyang wika. “Rozo, kapag narinig ka talaga ni Papa ay tiyak akong papagalitan ka niya. Strikto si Papa, Rozo,” sabi ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin kaya ay napaatras ako nang kaunti. Umatras ako nang umatras dahil usog siya nang usog. Napabuntung-hininga na lang ako nang wala na akong maaatrasan pa, nakadikit na kasi ako sa isang puno ng kahoy. “Señorita, kung mamahalin mo lang ako ay kaya kitang ipag-laban kahit na si Papa mo pa ang haharapin ko, hindi ako natatakot,” sabi niya. “Kulang pa ang acting skills mo para maniwala ako sa iyo,” sabi ko. Tumayo ako at nagdesisyon na kainin na lang ang mga bayabas habang naglalakad ako paakyat ng bundok. Naririnig ko ang bangayan ng mga magulang ko kaya ay lumingon ako sa kanila. Hinintay ko silang dalawa. “Si Rozo?” tanong ni Mama. “Hindi ko alam, Mama.” “Ano’ng hindi alam, Aena Carlisse? Dalawa kayong nauna kanina,” sabi naman ni Papa. Sinimangutan ko sila dahil ang sama ng mga titig nilang dalawa sa akin. “Grabe naman ang mga titig niyo, Papa, ang lakas mambintang!” “Tara na nga, Mariesse!” “Balik tayo sa pinag-uusapan natin kanina,” buelo ni Mama nang nalagpasan nila ako. Ibang klase naman ang matatandang ito, hindi man lang sila napagod at parang naglalakad lang sila sa kapatagan. Ako naman itong si babaeng hingal, hingal na hingal na at wala na akong lakas. Malapit na kami sa aming patutunguhan, siguro ay dalawang daang hakbang pa ang hahakbangin namin para makarating. “Nasaan na ba ang lalaking iyon?” tanong ko sa sarili habang nagsagawa ng nakakapagod na hakbang. Hinang-hina na ang mga paa ko sa paghakbang. Parang gusto ko na lang tumakbo pababa at umuwi na lang sa mansion. Yumuko ako at nang sinubukan kong angatin ang aking mukha ay sumakit ang aking ulo. Dumilim ang aking paningin. “N-Nangyayari na naman ang nangyari sa n-nobela,” sabi ko sa sarili. Sinubukan kong labanan ang nararamdaman ko pero hindi ko na ito nakayanan pa. “Señorita Aena Carlisse!” sigaw ng isang taong pamilyar sa akin ang boses. Namanhid nang tuluyan ang aking katawan at nawala ang aking ulirat. Nagising ako sa isang magandang silid. Nakita ko ang isang pamilyar na mukha na lumapit sa aking hinihigaang single bed. “Ikaw pa rin ang nurse dito sa Parque de Antacio?” tanong ko kay Nurse Ade. Adelaida ang totoong pangalan ng nurse pero nasanay na kami na Nurse Ade ang itawag sa kaniya. Masaya ako na nakita ko siyang muli. Sinuri niya lang ang t***k ng puso ko, pulso ko at temperature ko. Ang sabi niya ay nagulat lang ang katawan ko kaya ako hinimatay, nanibago raw kasi ito dahil matagal na akong hindi nakakapag-hike ulit. “You are a grown-up woman now, Aena Carlisse. Hindi ko inakala na magkikita pa tayo at maaabutan mo pa ako,” sabi niya. Ngumiti ako at nilapit ko ang mukha ko sa kaniya. Ibang klase ang mga tao rito sa Tierra de Antacio, daig pa nila ang mga nagsasagwa ng black magic para mapanatiling bata ang mukha at malusog ang pangangatawan. Parang hindi man lang nag-bago ang lahat kay Nurse Ade maliban na lang sa kaniyang buhok na ang ibang hibla ay naging kulay abo na. “Kayo naman po, Nurse Ade, ay walang ikina-tanda! Ang ganda niyo pa rin!” naka-ngiti kong sabi sa kaniya. Nakatitig ako sa kaniyang mukha dahil hindi siya nakakasawang tingnan. “Ikaw talagang bata ka, Aena Carlisse, hindi ka talaga nag-bago!” “Hmmmm… nag-bago kaya ako. Bumait na ako at hindi na ako ang supladitang teen-ager na kinaiinisan ng mga tao sa Tierra de Antacio,” pabiro kong sabi sa kaniya. “Mabait ka naman talaga, eneng! Sadyang gusto mo lang na sundin kung ano ang gusto mo. But, I guess, you learned your lesson naman,” sabi niya. “Kung isa-isahin ko ang mga bagay na natutuhan ko ay kulang ang isang taon bago ko ito matapos.” Umatras ako at inayos ang aking pagkakasandal sa malambot na unan na pumagitan sa likod ko at sa matigas na kahoy. Naalala ko ang nangyari bago ako nakarating sa clinic ng parque. Napalunok ako at pinikit ko pa ang aking mga mata dulot ng prustrasyon. “Okay ka lang, Aena Carlisse?” Minulat ko ang aking mga mata at tumitig ako kay Nurse Ade. Seryuso niyang tinutugunan ang mga titig ko na nagtatanong sa kaniyang mga mata. “Sino po ang dumala sa akin dito?” tanong ko sa kaniya. “Ako,” sabi ng lalaking pumasok sa clinic. Sabay kaming napalingon sa lalaking nag-salita. Kinabahan ako nang lumapit sa aming gawi si Rozo. Tinanod ng mga mata ko ang pag-lagay niya ng basket na may mga prutas sa ibabaw ng lamesa. Kikiligin ba ako o matatawa ako dahil sa ginawa niya? Dinalhan niya ako ng mga prutas kahit na hinimatay lang ako at siya ang dumala sa akin dito sa clinic. Tumayo si Nurse Ade at kumindat siya sa akin. Wala ngang masyadong nag-bago sa nurse na ito, nanatili kasi siyang mahilig sa panunudyo. “Maiwan ko na muna kayo,” paalam ni Nurse Ade. Nakasandal sa pader si Rozo at nakatitig siya sa akin. Kahit na hindi niya sabihin ay halata na natatawa siya dahil hinimatay ako. “Wow, Rozo! Ang plastik mo. Alam ko na tawang-tawa ka, kaya kung ako sa iyo ay humalakhak ka na lang. Plastik!” napipikon kong sabi. Sa halip na humalakhak tulad ng turan ko ay umayos siyang tumayo at humarap sa mga prutas na dala niya. “At saka mo na ako sungitan, señorita, kung hindi ka na nahihimatay kapag umaakyat ka ng bundok,” sabi niya habang abala sa ginagawa. “Magpapasalamat sana ako sa iyo, caballero, kung hindi mo ako inaasar ngayon,” sabi ko sa kaniya. Humarap siya sa akin at nilahad niya sa akin ang mga ginayad na mansanas sa malalaking i-slice. Sa tuwing naiinis ako sa kaniya ay agad naman siyang bumabawi. “Narinig ko ang usap-usapan tungkol sa iyo, señorita. Bukod daw sa suwail ka ay napaka-supladita mo,” sabi niya. “Kumain ka nitong mansanas, señorita, upang mawala ang inis sa puso mo at ako naman ang ipalit mo riyan,” sabi pa niya sabay kindat. Hindi ko pinahalata sa kaniya na bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya. Minabuti kong kunin ang dahon ng saging kung saan niya nilagay ang ginayad niyang mansanas. Kumagat ako ng isang slice at minadali ko ang pag-nguya nito dahil manamis-namis ito at medyo maalat-alat. Kahit sa pag-kain mansanas ay alam niya kung paano ko ito gustong lantakin, binudburan niya ito ng asin sa ibabaw. Umupo si Rozo sa isang silya habang may hawak siyang lapis at papel, kinuha niya siguro ang mga ito sa lamesa ni Nurse Ade. Tahimik ang buong paligid. Nais ko siyang kausapin at kahit na pang-aasar ang gawin niya ay okay lang, basta, huwag lang tumahimik nang tulad nito ang paligid. Nabibingi ako sa katahimikan at ayaw ko nito. Magsasalita na sana ako pero tinikom ko na lang ang aking bibig nang mapagmasdan ko siyang naka-ngiti habang may kung ano na sinusulat sa may kalaparang papel na hawak niya. Sa halip na basagin ang katahimikan ay sinulit ko na lang ang pagkakataon na namamasdan siya sa ganitong kalagayan, naka-ngiti lang at hindi bakas sa mukha na may problema siya. Halos trenta minutos ang lumipas nang inangat niya ang titig sa akin, ganoon rin ako katagal na nakatanaw sa kaniya mula rito sa ibabaw ng kama. “Tara na, señorita. Magmadali ka dahil mas maganda ang sunset dito!” masayang sabi niya. Ayaw ko ring makaligtaan ang unang sunset na matutunghayan ko rito sa parque sa muli kong pagbabalik kahit na hindi ko ganoon ka-gusto ang pag-lubog ng araw. Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. “N-Nakabihis ka na pala,” sabi ko bigla. Tumigil siya sa pag-hakbang at hinintay niya ako hanggang sa pantay na kaming dalawa. Halos sabay rin ang ginawa naming pag-hakbang kaya ay nakatitig sa amin ang ibang tao sa loob ng clinic. “Bakit, señorita, mas gusto mo ba na palagi akong walang saplot?” Kinabahan ako sa kaniyang sabi. Baka napansin niya na tinititigan ko ang katawan niya kanina. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng hiya dahil sa naiisip kong iyon. “R-Rozo, puwede ba na tumahimik ka? Hihimatayin yata akong muli dahil sa mga sabi mo,” sabi ko sabay irap. Pilit akong nagmamadali pero pilit rin siyang nakikipag-sabayan sa aking pag-hakbang. Nakarating kami sa labas ng clinic na parang nag-uunahan sa paglalakad. Napatigil kami nang sabay naming nakita ang kalangitan. “Ano, señorita, natameme ka?” tanong niya sa akin. Ngayon ko lang na-appreciate ang sunset dahil kay Rozo. Dati kasi ay naiinis ako sa sunset dahil iniisip ko na matatapos na naman ang araw na kasama ko si Andrew. Natatakot talaga ako kapag dumarating ang pag-lubog ng araw dahil pakiramdam ko ay tinatapos nito ang masayang panahon na kasama ko ang lalaking iyon. Naka-ngiti akong humarap kay Rozo. Wala akong inis na nararamdaman sa kaniya ngayon, pawang mapagpasalamat na damdamin ang mayroon ako para sa kaniya sa mga oras na ito. “You made me fall in love to sunset, Rozo. Pina-ibig mo ako sa bagay na kina-aayawan ko noon. You are wonderful,” sabi ko sa kaniya. Tumikhim siya at agad niyang pinakita sa akin ang pinagkaka-abalahan niya kanina sa loob ng clinic. Naawang ang bibig ko nang makita ang sarili ko sa sketch pad na hawak niya. Inabot ko ito at agad kong tinitigan ang kaniyang gawa. Ilang minuto niya lang ginuhit ang imaheng ito pero perpekto niya itong nagawa. “Nagustuhan mo ba, señorita?” parang nahihiya niyang tanong sa akin. “Oo naman, Rozo! Paano ko naman hindi magugustuhan ang bagay na ito? Napaka-galing mo,” sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya. Malungkot na naman ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin. “Doon ka na lang tumitig at sulitin mo ang magandang pag-lubog ng araw,” sabi niya at pinaharap niya ako sa araw na patuloy na nilulubog ang sarili sa gitna ng mga bundok. Hawak-hawak ko pa rin ang sketch pad ni Rozo. Tinitigan ko saglit ang ginuhit niya at nakita ko ang pirma niya. “M. Delguerra?” patanong kong wika na nakatingin sa kaniya. “Matheurozo Delguerra, señorita,” sabi niya. “M. Delguerra, ang caballerong magaling gumuhit,” naka-ngiti kong sabi. “Hi, sunset,” panimulang wika ni Rozo at lumakad siya paabante. Pares na kaming nakaharap sa lumulubog na araw ngayon. “Ngayong araw na ito ay marami akong nagawa, pero ang pinaka-magandang bagay na nagawa ko ay ang pag-guhit kay Señorita Aena Carlisse. S-Siya ang unang ginuhit ko matapos kong isumpa ang pag-guhit. Masaya ako kasi nagustuhan ni señorita ang ginawa ko. Masaya ako na siya ang nasa unang pahina ng sketch pad ko,” nakangiti niyang kuwento sa sunset. Habang pinakikinggan ko siya ay nakaramdam ako ng kilig. Hindi siya nag-kulang sa pagpapakilig sa akin kahit sa simpleng mga bagay na ginagawa niya lang. “Hello, sunset, I am so happy today,” bulong ko pero kay Rozo ako nakatitig. He smiled and that made the sunset more beautiful.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD