Chapter 4

2747 Words
Chapter 4 Carli’s POV Pinilit ko ang sarili kong maka-tulog subalit walang nangyari; sumakit lang ang ulo ko at nainis ako nang hindi alam ang gagawin. Bumangon ako at hinarap ang sarili ko sa malaking salamin. Naalala ko ang nobelang binabasa ni Mama kaya ay napagdesisyunan kong lumabas mula sa silid ko at pumunta sa aklatan ng mansion. Mabilis ang ginawa kong pag-hakbang pababa sa hagdan ng mansion. Nasa sulok ng mansion ang aklatan, malayo ito sa sala at sa kusina. Mahilig sa pagbabasa ng mga aklat si Mama kaya ay pinagasyahan niyang ipuwesto sa tahimik na lugar ang aklatan marahil ayaw niyang naaabala ang kaniyang pag-babasa. Nagkataon lang kanina na sa sala siya bumasa dahil malamang ay pinilit na naman siya ni Papa. Napatitig ako sa bawat paintings na nakasabit sa wall ng mansion. Kahit saang sulok ng mansion ay may paintings na nakasabit, para tuloy museo ang mansion. Huminga ako nang malalim nang mahawakan ko na ang doorknob ng aklatan, inikot ko ito at tinulak ang pinto papasok. Kabubukas pa lang ng pintuan subalit agad na akong napapikit matapos malanghap ang amoy ng mga libro. Ang weird ni Mama, ang sabi kasi nito ay mabango raw ang library, e, hindi naman. Amoy luma at bagong papel lang naman ang malalanghap mo sa aklatan niya. Niliwaliw ng mga mata ko ang buong paligid. Halos malula ako sa taas ng mga kabinet at sa dami ng mga aklat na naririto. Naalala ko ang sadya ko kaya ay agad akong tumalima sa unang kabinet. Nakita ko kanina na pumasok si Mama rito at tiyak ako na sa unang kabinet niya nilalagay ang librong iyon para mabilis niya rin itong makita. Para akong magnanakaw na binabantayan kung may papasok mula sa pintuan dahil natatakot akong mahuli. Malakas ang aircon pero pinagpapawisan ako dahil sa paghahanap sa aklat na iyon. Marahan lang ang pagtitingin ko sa cover ng mga libro at binabalik ko sa ayos ang mga libro dahil ayaw na ayaw ni Mama na wala sa ayos ang kaniyang mga aklat. “Finally, I found you,” ngumingiting sabi ko nang nakita ko na ang aklat na ang cover ay isang lalaki na nakasakay sa kabayo at ang likod nga nito ay magandang pag-lubog ng araw. Tumungo ako sa upuan at agad na sinuri ang aklat. May lungkot akong naramdaman nang tinitigan ko ang cover ng aklat. Ang ganda ng cover pero may masidhing lungkot akong naramdaman habang tinitigan ito. Sinimulan kong basahin ang kuwento. Nagsimula ito sa mahabang pagbibiyahe ng anak ng alkalde pauwi sa kanilang probinsiya. “This can’t be,” bulong ko nang mabasa paano sinakay ng kabalyero ang dalaga pauwi sa hacienda ng mga ito marahil ay wala na itong masasakyan sapagkat ay gabi na. Naging interesado ako sa kuwento kaya ay patuloy lang ako sa pagbabasa. Napapangiti ako sa mga linyang binibitawan ng kabalyero, napaka-hambog nito at pala-biro. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na lumikha ng ingay dahil sa kilig na nararamdaman ko nang mabasa ang kaganapan sa taas ng burol kung saan matatanaw ang kabuuang pag-lubog ng araw. Nakakakilig kasi ang yugtong iyon sa pagitan ng kabalyero at anak ng alkalde, para tuloy akong nanonood ng telenovela. I was about to flip the book to its next page but someone entered and it caused me to fold the book and hide it under my nightgown. “Aena Carlisse, ang laki ng mga letrang nakasulat sa tapat mo pero hindi mo pa rin ito mabasa?” tanong ni Mama. “Ah…eh… Pasensiya na po, Mama,” sabi ko. Sinamaan niya ako nang titig bago siya umupo sa tapat ko. Inayos ni Mama ang kaniyang brunette na buhok. Habang tinititigan ko si Mama ay iniisip ko kung gaano ako ka-suwerte na siya ang nanay ko. Pinamana ni Mama sa akin ang kaniyang kulay brown na mga mata at ang maliit na mukha niya. Sabi ng nakararami noon ay parang kapatid lang ako ni Mama dahil magkamukhang-magkamukha kami. Kaya raw siguro ay masyadong seloso si Papa dahil sa kagandahan ni Mama. Parang hindi rin tumanda ang mga magulang ko dahil sa kanilang malulusog na pangangatawan at mga pustura. “Ano ba ang umudyok sa iyo, Aena Carlisse, bakit ka pumunta rito? Ang ingay-ingay mo pa! Huwag mo sanang itaboy ang magandang inerhiya na dulot ng katahimikan sa lugar na ito. This is my resting place, don’t ruin it,” diing sabi ni Mama. “Mama, naman. Natatawa lang ako sa—” “Where is the book that you are reading, Aena Carlisse?” tanong ni Mama. Lumunok ako. Umiling ako nang ilang beses dahil sa tanong ni Mama. Ang alam ni Mama ay sa mga telenovelas ako mahilig at hindi sa pagbabasa ng mga nobelang nasa libro. “R-Reading? H-Hindi ako nagbabasa, Mama,” sabi ko. Humalukipkip si Mama at tinaasan niya ako ng kaliwang kilay. “Okay, I rest my case,” sabi ko at kinuha agad ang libro na inupuan ko. Nakita ko kung paano nasira ang mukha ni Mama nang tumitig siya sa librong hawak ko. Lumingon ako sa libro at nagulat ako sa nakita ko. Natupi ang cover ng libro ni Mama; kinuha niya ito mula sa akin. “What did you do to my baby, Aena Carlisse?” naiiyak na tanong ni Mama. “Mama, naman. Akala mo naman kung napaano na. Mababasa mo pa rin naman iyan,” sabi ko at agad na tumayo. Pilit na inaayos ni Mama ang natuping cover ng libro na hawak niya. Tumayo na lang ako at hinayaan si Mama na halos maiyak dahil sa nagawa ko. “Pasensiya na, Mama,” sabi ko. “In fairness, natawa ako sa kuwento. It feels realistic!” sabi ko pa. Tumayo ako at agad na humakbang papalayo. Napapailing na lang ako habang naglalakad ako pabalik sa aking silid. Kinaumagahan ay bumaba ako papuntang sala matapos akong naligo at bumihis. Masaya akong tumungo sa mga magulang ko kung saan naka-tayo ang mga ito. Mabuti kasi ay parang naka-move on na si Mama dahil sa nangyari kagabi. Umatras ako matapos kong hinalikan sa pisngi si Mama at matapos akong halikan ni Papa sa noo. “Himala! Wala kayong gagawin?” masayang tanong ko. Buong-buhay ko ay ngayon ko lang sila naabutan na nasa bahay pa rin kahit Alas Otso na sa umaga. “Mayroon, Aena Carlisse,” sabi ni Mama. My shoulder pushed down because of disappointment. “Akala ko pa naman—” “Wala kaming gagawin dahil tayong apat ang may gagawin, Aena Carlisse,” sabi ni Papa. Napatingin ako sa kaniya. Ngayon ko lang napansin na naka-suot sila ng pang-camping na mga kasuotan. “S-Saan!?” eksayted kong tanong. “We will be camping at Parque de Antacio, Aena Carlisse. Hindi ka na namin inabala ng Papa mo dahil mahimbing ang tulog mo. Inayos na rin ng mga katulong natin ang mga gamit mo kaya ay mag-bihis ka na lang ng maayos at hubarin mo na iyang daster mo,” anang Mama. Lalo akong na-excite dahil sa sinabi ni Mama. Matagal na akong hindi nakakapunta ulit sa park namin. Kakaiba ang park namin dahil aakyatin pa iyon sa bundok. Nasa taas kasi ito ng pinakamataas na bundok dito sa Tierra de Antacio kaya ay sabik na sabik akong maka-balik doon. Tiyak ako na mas gumanda pa iyon dahil moderno na ang panahon. Daig ko pa ang kidlat kung kumilos. Bumalik ako sa taas para bumihis. Agad akong bumaba muli nang makapag-bihis na ako. Hiningal ako dahil sa pagmamadali ko. “Tara na?” alok ko sa mga magulang ko. “Sana kanina pa tayo umalis, bandang Alas Quattro ng umaga sana tayo umakyat ng bundok para masaksihan natin ang pag-gising ng haring araw. Tiyak ako na maganda ang sunrise kanina dahil hindi maulap ang kalangitan,” sabi ko at binato ang tingin sa bintana. “Kumain ka na muna, Aena Carlisse, baka himatayin ka na naman habang umaakyat tayo,” sabi ni Mama. Itong si Mama talaga, kahit na gaano na katagal na natapos ang mga bagay-bagay ay hindi niya pa rin ito nakakalimutan. “Naalala ko tuloy ang babae sa paborito kong nobela, hinimatay siya habang paakyat sila ng bundok, mabuti na lang dahil nandoon ang kabalyero para buhatin siya,” pagpapatuloy ni Mama. “Puro ka na lang nobela, Mariesse,” sabi ni Papa. Pekeng tawa ang pinakawalan ko. Kinabahan na ako sa maaaring mangyari mamaya kapag aakyat na kami sa bundok. Kahit ayaw kong maniwala na parang nagkakatotoo ang mga tagpo sa nobelang binabasa ni Mama ay may mga bagay at scenario na nangyayari sa totoong-buhay na pinapakita na parehong-pareho ito sa mga ganap sa loob ng nobela. Puwersa akong umiling. Huminga ako nang malalim. Inisip ko na lang na imposible naman na mangyari iyon mamaya kasi wala naman si Rozo at kami lang nila Mama ang aakyat patungong Parque de Antacio. Ngumiti ako nang napalagay ang kalooban ko. Masyado akong nadala sa nobelang iyon. Gusto ko tuloy matawa sa sarili ko. “Pasensiya po kung natagalan ako, Don Lauro at Doña Mariesse!” Lumingon ako sa lalaking nag-salita. Kinabahan ako nang magkatitigan kami. “A-Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kaniya. Tumikhim si Papa. “He will come with us, Aena Carlisse. Tatlong araw tayo sa parque kaya isasama natin si Rozo para may magiging bantay ka.” Humarap ako kay Papa at binigyan siya ng nagpoprotestang sulyap. Umiling din ako bilang pag-tutol. This man can’t go with us. Paano na lang kapag bigla na naman maisa-buhay ang mga ganap sa nobela? I’m getting nuts here! “Papa, matanda na ako para magkaroon ng bantay. H-He m-must be busy working for the horses! K-Kaya ko naman mag-isa! Besides, nandoon kayo ni Mama,” parang baliw kong sabi. Lahat sila ay nakatitig sa akin at parehong ekspresyon ang nakikita ko sa mga mukha nila. Iniisip siguro nila na nababaliw na ako. Inisa-isa ko silang tiningnan. Napako ang sulyap sa kay Rozo nang magkatitigan kaming dalawa. Tumibok nang hindi normal ang puso ko dahil sa pustura niya, he is wearing a plain white fitted shirt and a faded jeans. Napatitig ako sa kaniyang basang buhok na mas nagpa-hot pa sa kaniya. Ang aga-aga pero pakiramdam ko ay ginisa na ako ng init ng araw sa tanghali dahil sa lalaking nasa harapan ko. “Huwag ka na kasing tumutol, Aena Carlisse. Go to the dining area and eat already. Bilisan mo na upang maka-alis na tayo,” sabi ni Mama. “Rozo, samahan mo na ang señorita mo,” utos ni Papa kay Rozo. “Masusunod, Don Lauro,” masunuring sabi ni Rozo. Napa-lunok na lang ako at agad na hinarap ang daan patungo sa dining area namin. Hindi na ako pumrotesta sa winika ni Mama, may kasalanan pa kasi ako sa kaniya, baka mamaya ay bigla niya na lang maalala iyon. Umupo ako nang wala sa sarili. Naka-handa na pala ang kakainin at pagkakainan namin ni Rozo. Sumulyap ako habang lumalakad siya papunta sa dining table. Komportable na talaga sa mansion ang lalaking ito, makakapunta at makakapasok siya kahit na walang paalam kay Papa. Ganoon na lang ba siya ka-pinagkakatiwalaan ng mga magulang ko? Umupo siya sa tabi ko at nilapit niya pa ang mukha niya sa akin. Napa-atras ako dahil sa ginawa niyang pag-kindat. Namalayan ko naman at napansin ang pagpunta niya sa tabi ko pero hindi ko lang magawang bawiin ang mga titig ko. “Señorita, may nagawa ba akong kasalanan sa iyo?” tanong niya. Napansin niya siguro na iniiwasan ko siya kaya ay natanong niya ang bagay na iyon. “H-Huh!? W-Wala naman. N-Naisip ko kasi na b-baka busy ka s-sa trabaho kaya’y—” “Ang bilis namang mag-bago ng desisyon mo, señorita. Ang sabi mo sa akin ay magmomonitor na lang ako at ikaw ang unahin ko. Mas pina-aga ko na nga ang pag-gising para matapos agad ang trabaho ko upang matiyak ko na mababantayan kita at masasamahan kahit saan, tapos ay ganoon lang ka-bilis sa iyo na sabihin iyan? Babae nga naman,” umiiling niyang sabi. Hindi ko na lang siya pinansin. Minabuti ko na lang ang kumain para maka-alis na kami. “Señorita,” malambing na tawag ni Rozo sa akin. Nanigas ako sa kinauupuan ko at nalaglag pa nga ang kutsarang hawak ko nang hinawakan niya ang aking baba at pinaharap niya ako sa kaniya. Alam ko naman na tinanggal niya lang ang butil ng kanin sa tabi ng labi ko pero para sa akin ay malaking bagay na ito. Ang bilis ko namang tamaan sa lalaking ito! Diyos ko, tulungan po ninyo ako! “Dahan-dahanin mo ang pag-kain. Puwede mo namang sabihin sa akin kung hindi ka komportable na ka-sabay ako sa hapag-kainan at pupuwede akong ma-una na lang sa sala. Sumatutal ay busog din naman ako,” sabi niya matapos niyang naalis ang butil ng kanin sa tabi ng mga labi ko. He was about to fold the white sheet above his lap when my hand moved to stop him. My fingers wrapped his wrist and my muscles gave force to push him down to stay in his seat. “S-Sorry, Rozo. M-Mali ang iniisip mo. Kumain na tayo,” sambit ko. I forced a smile. Tama naman talaga siya na hindi ako komportable na ka-sabay siyang kumain pero isang kabastusan rin kapag hinayaan ko siyang umalis dahil sa rason na iyon. Isa pa, hindi niya naman alam na nagkakaganito ako marahil nabasa ko ang nobelang iyon na halos ang bawat tagpo ay nabibigyan namin ng buhay. Bahala na nga ang aklat na iyon! Maling tratuhin ko nang ganito si Rozo dahil wala siyang alam sa kahibangan ko. He is a kind man and he makes me smile every time we are together. Halos sabay kaming natapos ni Rozo kumain. Kahit papaano ay naibabalik ko na ang pagiging komportable ko kapag kasama ko siya. Nag-pahinga kami saglit bago tuluyang lumabas. Kaming apat ay may mga dalang backpack at may bitbit na mga importanteng bagay. Nang maka-labas ako ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Lucy na naka-handa. Ang gandang kabayo ni Lucy. Tumakbo ako patungo sa gawi niya at agad ko siyang niyakap sa kaniyang leeg. “Wiiiheeeeeeheeeeeeeh!” hiyaw ni Lucy nang ginulo ko ang buhok niya. “Dahan-dahan lang, Aena Carlisse!” paalala ni Papa nang lumundag ako pasakay sa likod ni Lucy. Nakita ko rin na nag-aalala si Mama nang ginawa ko ‘yon. Kung gaano naman nag-alala ang mga magulang ko ay ganoon naman ka-tuwa ang lalaking nakasakay sa likod ni Zoro. Ang lawak ng kaniyang ngiti dahil sa mataas kong pag-lundag. Sinimulan na naming tunguhin ang aming unang destinasyon. Magkakabayo kaming apat patungo sa paanan ng bundok na aakyatin namin patungo sa Parque de Antacio nang sa ganoon ay hindi kami masyadong mapagod at makapag-ipon kami ng lakas paakyat ng bundok. “Bagay si Lucy at Zoro, ano?” biglang tanong ko sa kaniya. Inisip ko kasi na ang guwapo o hindi naman kaya ay ang ganda ng magiging anak ng mga kabayo namin ni Rozo. Kumindat siya at mas dinikit niya pa kay Lucy si Zoro. Nagka-lingunan naman ang dalawang kabayo at halos sabay na humiyaw. “Do you agree?” tanong ko sa kaniya muli. “Haw!” Pinatigil niya ang kaniyang kabayo kaya naman ay iyon din ang ginawa ko. “Haw, Lucy!” sabi ko. Inabot ni Rozo ang mukha ko agad niyang sinabit ang ilang hibla ng mga buhok kong naka-kalat sa pisngi ko. Hindi ko tuloy napigilan ang malakas na pag-t***k ng puso ko dahil sa ginawa ni Rozo. “Ano nga iyong sinabi mo, señorita?” Imposibleng hindi niya narinig ang sinabi ko sa kaniya, ang lakas kaya noon at ang linaw. “Sabi ko, bagay si Lucy at Zoro,” sabi ko. Ngumiti siya. Nilapit niya ang katawan niya sa akin at nagpalihis siya sa ibabaw ni Zoro. Tiniyak ko muna na hindi nakatingin sa amin sina Mama at Papa bago ko nilapit sa kaniya ang tainga ko. “Mas bagay ang mga amo nila!” sabi niya bago pinatakbo nang matulin si Zoro. Naiwan akong nakatulala ngunit naka-ngiti sa ibabaw ni Lucy habang pinagmamasdan lang na malayo na ang agwat namin ni Rozo mula sa isa’t isa. Napansin siguro ni Lucy na malayo na si Zoro sa kaniya kaya ay agad rin siyang tumakbo kahit na hindi ko naman siya pinalo. “Ang landi mo, Lucy,” umiiling kong sabi kay Lucy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD