Chapter 6

2861 Words
Chapter 6 Carli’s POV Hanggang natapos kaming kumain ay nasa mga labi ko pa rin ang mga ngiting dinulot ni Rozo. Tiyak ako na nakakawindang isipin na nahulog ako sa kaniya agad-agad, kaso, wala akong magagawa kung ganoon na lang kadali ang lahat. Tulad nga ng mga sinabi ko, hindi siya mahirap mahalin at posibleng mahulog ako sa kaniya. Nahulog din siguro ako marahil ay matagal na akong hindi nakararamdam ng isang lalaki sa buhay ko. Bigla kong naisipang lumabas mula sa tent ko. Tatlong tent ang nilatag namin sa ilalim ng maningning na kalangitan. Isa sa akin, isa kay Rozo at isa naman para sa mga magulang ko. Napayakap ako sa aking mga bisig nang humangin nang malamig. Ang sarap langhapin ng sariwang hangin sa buong paligid. Naka-ngiti akong naglalakad sa parque. Hindi ko inakala na ganito na pala ka-ganda ang Parque de Antacio. Marami na ang mga puno sa parque, may mga cottages na at marami na ang mga upuang naka-latag sa buong paligid. Sa harap nitong parque ay ang 4 storey inn na mayroong maraming silid para sa ayaw lumatag ng tent. Sa tabi naman ng inn ay nakapuwesto ang nurse clinic na para bang maliit na ospital dahil sa kompletong mga kagamitan nito. Sa gitna ng buidling ay naka-ukit ang Parque de Antacio na umiilaw na ngayon. Niligaw ko ang aking mga sulyap sa paligid. Hinahanap ko si Rozo pero hindi siya makita ng mga mata ko dahil sa dami ng tao. May mga batang naglalaro at may magbabarkadang nagkakantahan habang ang isa sa kanila ay buong pusong tumutugtog ng gitara. Hindi rin nawala ang mga magkakasintahang nagde-date dito sa parque. Tumabi sa akin si Mama. Hindi ko namalayan ang kaniyang pag-lapit kanina dahil abala ako sa pag-masid sa buong paligid. Lumingon ako sa kaniya sabay ngiti. Ngumiti rin si Mama. “Mama, ang dami na palang nag-bago, ano? Ang ganda na pala ng parque at hindi na ito tulad nang dati na luma ang mga kagamitan,” sabi ko kay Mama. “Marami talaga ang nag-bago, Aena Carlisse. Hindi ako makapaniwala na ganito ka na. Ang dami ng mga nag-bago sa iyo. Ang layo mo na sa anak ko,” sabi ni Mama na hindi ko matudyo ang kaniyang tono, masaya ba o malungkot. Tumulo na lamang nang bahagya ang mga luha ko dahil sa mga titig na ginawad ni Mama. “Ako pa rin naman ito, Mama. Ako pa rin ito, si Aena Carlisse na anak mo. Ayaw mo ba sa akin ngayon?” “Ang sabi ko, nag-bago ka na, wala naman akong sinabing ayaw ko na sa iyo, Aena Carlisse,” sabi ni Mama. Ngumiti ako at ipinahinga ko ang aking ulo sa balikat ni Mama. Habang naka-sandal ako kay Mama ay naisip ko ang mga panahong lumipas. Ano kaya ang mararanasan ko sana na kasama ko sila kung hindi ako nakipagtanan kay Andrew? “I love you, Mama,” bulong ko sa kaniya. Hinawakan niya ang aking pisngi. “Mahal ka namin ng iyong Papa, Aena Carlisse!” sabi niya at humiwalay siya sa akin. “Babalik na ako sa tent. Enjoy the ambiance, Aena Carlisse,” paalam ni Mama na tinanguan ko lang bilang tugon. Tumayo ako at lumakad ako kahit saan. Halos isang oras na akong naglalakad sa parque pero hindi ko makita si Rozo. “Ano ang mayroon? Bakit kaya sila nagkukumpulan sa bahaging iyon ng parque?” tanong ko sa hangin habang pinagmamasdan ang mga kababaihan na nagkukumpulan at tila may pinagkakaguluhan. Minadali ko ang aking pag-hakbang at agad akong tumungo sa puwesto ng mga babae. “Miss, ano ang mayroon? Why is everyone on this spot?” Hinarap ako ng babaeng pinagtanungan ko at agad niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa. Na-insulto ako sa ginawa niya kaya ay tumaas ang kabilang kilay ko. “Why don’t you see yourself? Hindi ka naman bulag,” sabi pa nito sa akin at agad na umirap. Inayos ko ang bangs ko at kinagat ko ang aking labi. Naningkit din ang mga mata ko habang tinititigan ko ang babae. “Tinatanong kita nang maayos kaya sumagot ka nang maayos,” paalala ko sa kaniya. Sa halip na maki-ayon ay humalukipkip pa siya at ngumiting pang-insulto. “Why would I do that? Sino ka ba?” tanong niya sa akin. Dinilaan ko ang aking mga labi at sinamaan ko siya ng titig. Hindi niya ba alam na isa akong retired supladita? Pinipilit niya yata akong mag-sign in ulit. Tinulak ko siya kaya ay napa-upo siya. Tinaasan ko siya ng kilay at yumuko ako na hindi tinanggal ang titig ng mga mata kong naniningkit dahil sa inis ko sa kaniya. “Ako si Aena Carlisse Antacio, anak ni Alcalde Lauro Antacio at taga-pagmana ng mga Antacio! Kilala mo na ako?” Tumabi ang ibang mga babae kaya ay nakita ko kung sino ang pinagkakaguluhan nila. Umayos ako ng pagkakatayo at pinukol sa lalaking pinagpiyestahan ng mga babaeng nag-iiksian ang mga suot. Halos lumuwa na ang luluwa ng mga ito dahil sa nag-iiksiang tela na bumalot sa kanilang katawan. Kaya pala hindi ko mahanap ang caballero na ito kasi nandito siya sa gitna ng mga babaeng malalandi at parang gusto niya pa talaga ang ginagawa nilang pagpipiyesta sa kaniya. “Señorita,” aniya. “Halika at—” “No thanks!” sabi ko at malagkit ko siyang inirapan. Maraming mga babae ang nasa parteng ito ng parque pero nagawa ko silang irapan paisa-isa hanggang sa magsi-yukuan sila. “Hey!” Lumingon ako sa babaeng tumulak sa akin. Nakatayo na pala siya mula sa pagkaka-upo niya kanina. “Baka gusto mong itulak kita sa bangin? Sabihan mo lang ako,” sabi ko sa kaniya. “So, you are that b***h? Ikaw pala ang anak ni Don Lauro na nakipagtanan matapos mong kunin ang pera nila? Prodigal daughter!” Tuminis ang aking pandinig dahil sa tinawag niya sa akin. Rinig na rinig ko rin paano nag-bulungan ang ibang babae na nasa paligid. Napahawak ako sa aking pisngi nang may mainit na bagay na gumulong dito. Pinigilan ko naman ang mga luha ko pero kumawala pa rin ang mga ito. Pakiramdam ko ay dugo na ang nai-luha ko dahil sa init nito marahil sa galit ko sa babaeng nasa harapan ko. “Ulitin mo pa ang sinabi mo at ipapalingon kita kay Satanas,” diin kong banta sa kaniya. “Bakit nagagalit ka? Guilty ka? Bagay nga sa iyo ang tawaging prodigal daughter—Ouch!” Malakas ang sampal na ginawad ko sa kaniya kaya ay napalingon siya sa kabilang banda. “Binalaan na kita kanina pero hindi ka naniwala. Baka kulang pa ang mga impormasyong nalalaman mo tungkol sa akin. Tanungin mo rin ako kung ano ang mga kaya kong gawin,” sabi ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin. Bumibigat na pakete ng mga luha ang nakabitay sa ilalim na bahagi ng mga mata niya. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa akin kaya ay pinanlisikan ko rin siya ng mga mata. “Remember this, Aena Carlisse, I am Mariette Delviente, daughter of the Delvientes. Hindi mo na sana ako binangga nang sa ganoon ay hindi magiging magulo ang buhay mo,” banta niya sa akin. “Tapos? Magpapa-biko na ba ako ng pink dahil sa pangalan mo at sa apelyidong nakatatak sa dulo nito? O baka gusto mo ng kape at tinapay, para hindi boring ang iyong lamay?” “Tingnan na lang natin kung hanggang saan ka, Aena Carlisse. Isang malaking pagkakamali ang banggain ako,” sabi niya. Inirapan niya ako at agad na siyang umalis. Naisipan ko ring umalis na lang. May sumusunod sa akin at alam ko kung sino ito. Si Rozo. “Señorita, hintayin mo naman ako. Ano ba ang problema?” Dumiretso lang ako sa paglalakad dahil naiinis pa ako sa babaeng iyon. Ano naman ngayon kung anak siya ng mga Delviente? “Señorita!” Humarang si Rozo sa dinadaanan ko kaya ay naisipan kong huminto sa paglalakad. “Pinagpawisan ka ba dahil sa dami ng mga babaeng nakapaligid sa iyo? Ang saya, ano?” “Ano ba ang pinagsasabi mo? Bigla mo na lang inaway si Mariette kanina. Patay ka roon,” sabi niya. Tumungo ako sa isang upuan malapit sa kinatatayuan namin ni Rozo. Sumunod siya sa akin at halos sabay kaming umupo. “What now? Siya ‘kamo ang patay sa akin. Balatan ko pa iyon ng buhay at tapunan ng asin,” seryuso kong saad. “Banggain mo na sana lahat pero huwag lang ang spoiled brat na iyon, señorita. Hindi ka patatahimikin no’n,” sabi niya. Lumingon ako sa kaniya at agad akong umismid. “Ang sabihin mo, ayaw mo na awayin ko siya dahil type mo siya. Hindi ba, Matheurozo?” “Hala, hindi ah! Mabuti nga lang dahil nakapagbayad na sila sa akin. Gusto kasi nila na i-guhit ko sila. At least, pampadagdag padala sa mga kapatid ko.” Hindi ako nag-salita. Kinuha ko ang sketch pad niya at agad kong tiningnan ang mga babaeng ginuhit niya. Uminit ang mukha ko nang makita ang imahe ng Mariette na iyon. “Oh, ‘yan! Isaksak mo sa baga mo ang likha mo! Hayop ka rin ‘no? Bakat na bakat ang mga s**o ng malanding babae na iyon, Rozo!” “Trabaho lang naman ito para sa akin, señorita,” sabi niya. Huminga ako nang malalim. Ayaw ko na isipin niyang nagugustuhan ko siya at ang totoo ay nagseselos ako sa babaeng iyon. “Kanina pa ako nag-hihintay sa iyo, Rozo. Hinanap kita kung saan-saan dito sa parque. Kung alam ko lang na nasa gitna ka lang ng mga babae ay hindi na kita hinanap pa,” sabi ko. Lumapit siya sa akin. Ang lapit na ng kaniyang mukha sa akin. Umirap ako at tumingin sa malayo. “Bakit mo ako hinahanap? Miss mo ‘ko?” “Hindi! Ang trabaho mo siguro ang na-miss mo. You missed your work because of those women,” sabi ko sa kaniya. Narinig ko paano siya bumuga ng hangin. Wala akong pakialam kung naiinis siya sa ugali ko, gusto ko lang na malaman niya na galit ako kapag hindi ko siya nakikita sa tabi ko. Trabaho niya ang bantayan ako kaya dapat lang na huwag niya akong iwanan na lang nang walang paalam. “Señorita, naman. Ang sabi ko naman ay pang-dagdag kita ko iyon para naman ay may maipadala ako sa mga kapatid ko sa bayan.” Hinarap ko siyang muli at seryusong tinitigan. “Magkano ba magpa-guhit sa iyo, Rozo, at nang sa ganoon ay pupunuin ko ang sketch pad mo ng imahe ko at babayaran ko ‘yan,” sabi ko. “Hindi lang din naman ito tungkol sa pera, señorita,” malalim niyang sabi. Natauhan ako nang namalayan ko na sumobra na ako. “S-Sorry, Rozo. N-Naiinis lang ako sa Mariette na iyon,” I reasoned out. Yumuko siya at tinukod niya ang kaniyang mga siko sa mga tuhod niya. Nilapag ko sa gitna namin ang sketch pad na puno ng imahe ng mga babae na klaro ang mga dibdib. “Humanda ka na lang dahil magsisimula na si Mariette na guluhin ka, señorita.” “Wala akong pakialam sa kaniya. Hindi ko rin naman siya kilala at wala akong balak na kilalanin siya,” sabi ko. “Anak siya ni Don Martin Delviente, ang matinding kaaway ng iyong Papa. Isa ang mga Delviete sa nagbabalak na alisin sa puwesto ang iyong Papa, señorita. Ilang beses na rin na tinangka ang buhay ni Don Lauro at ang suspetsa namin ay kagagawan iyon ng mga Delviente at ng mga sakop nila. Malaki ang galit nila kay Don Lauro dahil mahal ng mga tao ang Papa mo. Mas magiging madali na sa mga Delviente ang magsagawa ng mga plano upang matalo ang iyong Papa sa susunod na eleksiyon dahil nabatid nila na bumalik ka na,ang kahinaan ng Alcalde. Mabuti na nga at walang kumuha ng video kanina, baka gamitin nila iyon na siraan ang Papa mo. Kung ako sa iyo ay iwasan mo na lang sana ang babaeng iyon kapag maaari,” kuwento ni Rozo. “Kaya pala proud na proud siyang ipakilala ang sarili niya dahil kaaway pala namin ang angkan nila,” tanging nasabi ko na lang. “Kaya ka nga pinababantay ni Don Lauro dahil doon.” Binuklad ng hangin ang sketch pad sa tabi ko kaya ay napatingin ako rito. Kumunot nang kusa ang noo ko dahil sa nakita ko. Wala na ang imahe ko sa unang pahina ng sketch pad. Nanlumo ako at agad na nawalan ng gana. “Mauuna na ako, Rozo. Hindi mo naman ako binabantayan nang maigi kaya ay mas mainam na sa tent na lang ako mamalagi. Humanap ka na lang ng mga babae na iguhit mo,” walang sigla kong sabi. “Sasabay na ako.” Humikab siya nang sapilitan. Halata sa kaniya na buhay na buhay pa ang kaniyang katawan, binuhay tiyak ng mga nakikita niyang bahaging kaselanan ng mga malalanding iyon kanina. Hindi ako kumibo. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng mga tent namin. Napapagitnaan ng mga tent ng mga magulang ko at ni Rozo ang aking tent. Nakapatay na ang ilaw ni Mama at Papa. Malamang ay tulog na ang dalawa. “Matutulog ka na ba talaga, señorita?” “Oo,” maikling tugon ko. Naiisip ko ang mga sinabi niya sa sunset kanina, tapos, pinunit niya lang pala ang imahe ko. Nakakababa ng kumpyansa sa sarili ang ginawa niyang iyon. “Yayayain sana kita mamayang mag-star gazing at iguguhit din kita,” sabi niya. “Huwag na, Rozo, pupunitin mo lang din naman,” sabi ko. Bigla siyang humalakhak dahil sa sinabi ko kaya ay kumunot pa lalo ang noo ko. “Sandali lang señorita,” sabi niya at agad siyang pumasok sa kaniyang tent. Hindi siya umabot ng isang minuto sa loob at agad din siyang bumalik. Pinakita niya ang isang sketch pad na kulay pula ang cover. “Ano iyan?” “Dito ko ginuguhit ang mga taong gustong magpaguhit sa akin, señorita.” Ang may kulay kahel na cover naman ang tinaas niya. “Dito ko naman iginuhit at iguguhit ang tanging tao na gusto kong iguhit…at ikaw iyon, señorita. Huwag ka nang mag-tampo,” sabi niya. Inisa niya ang pag-hawak sa dalawang sketch pad at lumapit siya sa akin. Hinila niya ako sa aking kamay at sinabayan naman ng katawan ko ang gusto niya. Tinaas niya ang mukha ko kaya ay napatitig ako sa kaniya. Kusang ngumiti ang mga labi ko. “T-Totoo?” Tumango siya. Tumingin siya sa paligid na para bang nahihiya siya kapag may nakatingin sa gagawin niya sa akin. “Oo. P-Puwede ba kitang yakapin, señorita?” halos mautal-utal na tanong niya. Nakaramdam ako ng excitement sa alok ni Rozo. Parang niliyab ang puso ko dahil sa tuwa nito. Wala akong sinabi, sa halip ay gumawa ako ng isang hakbang at agad ko siyang niyakap. “Pasensiya kung nainis ka sa ginawa ko, ha!? I’m sorry for making you feel bad, my señorita,” sinsirong sabi niya sa akin. Matagal na akong hindi nakaramdam ng yakap ng isang lalaki kaya siguro hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. “Ako kasi ang bantayan mo at huwag na ang iba. Kung may gagawin ka, magpaalam ka nang maayos nang sa ganoon ay hindi ako maghahanap,” sabi ko sa kaniya. Nakayakap pa rin kami sa isa’t isa. Sa totoo nga ay parang ayaw ko na siyang pakawalan pa, ang init kasi ng katawan niya at ang bango niya pa. “Masusunod, señorita,” sabi niya. “Sorry na,” sabi niya pa. “Sige na nga, Rozo, pinapatawad na kita.” Kusa na siyang humiwalay sa akin. Wala akong magawa kun’di dumistansiya sa kaniya kahit na ayaw ko pa at kahit na gusto ko pang ikulong ang sarili ko sa mga bisig niya. “Matulog ka na at aabangan natin ang sunrise bukas,” sabi niya. “A-Akala ko ba ay magee-star gazing tayo?” Umiling siya bago siya tumingin sa kalangitan. “Sinabi ko lang iyon para mapatunayan na naiinis ka sa akin at para malaman kung bakit mo iyon nararamdaman. Ang galing ko, ano?” “Proud ka pa talaga!” bulyas ko. Marahan niyang kinurot ang ilong ko. “Sige na, señorita. Good night na. Bukas, sabay nating masdan ang sunrise!” Umiling ako. “Ayaw ko.” “Ayaw mong salubungin ang bagong umaga na kasama ako? Kasi, ako, gusto kong salubungin ang bagong umaga kasama ang taong nagpapasaya sa akin ngayon,” sabi niya. Hindi ko nailagan ang hirit niya. Yumuko ako agad upang itago ang namumula kong mga pisngi. “S-Sino ba ang nagpapasaya sa iyo?” Kunwari ay hindi ko siya nage-gets. Sadyang, gusto ko lang matiyak na tama ako. “Ikaw, señorita. Ikaw ang nagpapasaya sa akin.” At the very moment, bigla akong nakarinig ng tugtugin na ngayon ko lang narinig sa buong buhay ko. I am sure that my heart made the rhythm and the music I heard. “Rozo, what do you mean?”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD